#9

1K 35 2
                                    













Nagising ako at pagtingin ko sa orasan ay gabi na. Grabe ang haba ng naging tulog ko alas siete na. Tapos napansin kong may nakayuko sa kama ko.



"T-torres?"





Nagising sya at tumingin sakin.






"You're okay." sabi nya pagkatingin sa akin.







Tumango ako at ngumiti ng konti.






"Salamat nga pala." naupo ako at sumandal sa unan. Aalalayan nya pa sana ako kaso mabilis kong nagawa dahil okay na ako. "Naabala pa tuloy kita, hindi ka nakapagtraining dahil sakin."





"It's not your fault, besides I still can't." tumayo sya at pumunta sa kusina.







"Uhm. Bumalik ka naman siguro kanina diba?" medyo nilakasan ko yung tanong ko dahil malayo sya.





Pag kakuha nya ng pagkain ay bumalik na sya tapos nilagay sa sidetable yung tubig at gamot. Inabot naman nya sakin yung kinuha nyang pagkain. Soup yon, nakalagay sa tray.





"Take this after." he said at kinuha ang phone nya tapos may tinext sya.






Eto nanaman, hindi nanaman nya ako sinagot sa tanong ko. Kumain nalang ako tapos biglang may kumatok. Ito kaya yung tinext nya? Hindi ko nalang pinansin at kumain ako.





"VICCCCCCCCCCCCC!"



"AHH!" lintek napaso ako. Bigla ba namang sumigaw.






"Okay ka na ba? Okay ka lang? Ano may sakit ka ba? Ano bang nangyari sayo? Bakit ka namutla? Bakit ka biglang nanghina? Ano may masakit pa ba? Tara na sa ospital, I'll drive you there." dirediretsong tanong ni Ricci.





Sya yung sumigaw tapos pagpasok dirediretso na dito sakin naupo sa kama ko. Akala mo naman kung napano ako daig pa nanay ko kung magtanong eh.





"Grabe sya oh." pagbibiro ko. Natawa naman sya pero binatukan ako. "Aray. Bakit?"






"Nakuha mo pang magbiro samantalang ikaw tong hinimatay dyan."






"Okay na ako ano ka ba." Napatingin ako kay Torres at ngumiti. Wala lang syang reaksyon at nakatingin lang samin. "Oy nandito ka pala Ysay. Di ka nagsasalita."








"Eto kasing si Ricci eh, dinaig pa nanay kung magtanong eh." natawa naman kami. "Mabuti at okay ka na, sa susunod pag di mo kaya sasabihin mo sakin ha. Okay lang naman eh, basta pag may nararamdaman ka sasabihin mo ha."






"Yes Captain." nagsalute ako sa kanya.







"Good. Masunurin naman pala ang Baby ko. Hahaha."






Nagulat kaming tatlo pati narin si Torres na tahimik lang. Hindi ko akalaing sasabihin nya yun sa harap ng dalawa kahit na kami ang madalas na magkakasama nakakahiya parin.







"B-b-baby?" Halo halo yung emosyong ni Ricci sa tanong nya. "Bakit baby?"








Pinandilatan ko si Ysay na tawa lang ng tawa. Tuwang tuwa pa tong isa nato eh, inaasar nanaman ako.





"Haha. Saamin nalang yun." pang-iingit nya kay Ricci. "Sige na, sa labas lang kami ni Thom."



Ha? Bakit sa labas? Bakit sila lalabas?




Boy's ButterflyWhere stories live. Discover now