"GOOOO VICCCCC TALUNIN MO SI YSAY!" pagccheer ni Ricci.
Training namin at nandito yung dalawa. Sa totoo lang di pa nga kami nagsisimula nandito na sila eh. Pinipigilan kasi ako ni Ysay at Ricci na magtraining kasi hindi pa raw ako okay pero itong si Thomas naman go lang.
Tapos ngayon kampi pa sakin yung dalawa. Magkalaban kasi kami ni Ysay at kung sino matalo sya ang manlilibre ng tanghalian naming tatlo.
Sa wednesday narin yung start ng laro nila Thomas at nakumbinsi ko syang sumali. Kahapon kasi nung naglakad kami pinilit ko talaga syang sumali na kahit ayaw nyang sabihin yung dahilan kung bakit sya nagdadalawang isip. Ayun napapayag ko naman kaya tuloy na tuloy na.
"GALANG DOWN THE LINE" sigaw ni Ricci.
"SERVICE ACE FOR MARASIGAN"
"GALANG BLOCKED BY MARASIGAN, SANTOS TO GALANG AGAIN."
"OYYY TEKA CHECK BALL CHECK BALL. Check ball diba Thom?" tumango naman si Thomas kaya alam na kung sino ang panalo.
Natapos ang game namin at nagsimula naman ang training nila. Di ko narin problema ang pagpapalit ngayon, pinauna na kasi ako ni Ysay habang kinakausap nya yung team. Wise din eh. Hahaha
Habang nagttraining sila.ay nanunuod lang kami ni Ysay sa gilid tapos
"TIME OUT!" sigaw ko.
Nagulat sila pero nagtime out naman si Thomas at tumakbo sya papalapit sakin.
"Bakit?"
"Aning bakit? Ano ba iniisip mo at hindi ka makaconcentrate? Hindi naman ganyan ang laro mo ahh." sabi ko.
"Sorry." bulong nya.
"Kung ano man iniisip mo, kalimutan mo muna. Mag focus ka sa game nyo. Give your one hundred percent."
He smiled at bumalik na sa court. Half time na kasi wala parin syang nagagawa sa loob ng court. Hindi ko alam kung anong iniisip neto eh.
"Vic. Bibili lang akong pagkain ahh. Hwag kang aalis dyan."
"Hm. Sge ingat ka ahh."
"Ano ba gusto mo? Burger? Sandwich?"
"Burger. Walang mayo."
"Hmm. Sge. Dyan ka lang ahh." sabi nya tsaka tumayo.
Gaya ng sabi ni Ysay dito lang ako. Napakaprotective nga nila sakin eh, as in walang oras na hindi ko kasama ang isa sa kanila. Okay naman yun kay Ricci kahit hindi pa nya alam na babae ako.
Habang nanunuod ako ay unti unti kong nakita na umaayos na ang laro ni Thomas. Nakakapuntos narin sya at maganda na ang communication ng team nila.
Naalala ko kahapon, nangako ako sa kanya na papanoorin ko yung pre-season games nila. Isang buwan at kalahati lang naman yun kasi ilang schools lang ang kasali di katulad ng season na halos lahat ng university kasali na.
Yun kasi nagpapayag sa kanya, since isang buwan nalang din ako dito mapapanuod ko pa yung ibang games nila tapos nangako rin ako na mununuod ako ng finals kung makarating sila don. Yun lang ang kondisyon na hiniling nya sakin dahil baka raw hindi narin kami magkita kita.

YOU ARE READING
Boy's Butterfly
FanfictionHow long can she keep her secret? Will she be able to find out who the mysterious person is? WILL THE RIVALRY END BECAUSE OF HER?