#31

832 43 13
                                    












Naging maganda ang tulog ko at nagising ako ng maaga. Sa totoo lang medyo madilim pa nga eh.





May maliit na banyo yung kwarto kaya dun na ako nakapagtoothbrush at hilamos. Nagpalit narin ako ng damit. Medyo loose white shirt tapos fitted black shorts, yung panglalaki syempre.




Paglabas ko ng kwarto ay tahimik pa, tulog pa siguro yung dalawa pati na sina Manang. Dumiretso na ako sa baba para magtimpla ng kape malamig kasi kaya perfect yon.






"AYY BWIS---"




Nandun si Torres.




"Ang aga mo ahh." bati nya.



"Goodmorning din ahh." sarkastiko kong sabi.





"Hahaha. Oh mainit pa yan." tumawa sya tapos ay inabot sakin yung isang tasa.




Kape? Ayy ang bilis ahh.



"Maganda ba tulog mo?" tanong nya.




"Hm. Sobra." sagot ko.




Naglakad sya papunta sa may upuan sa kabilang sala kung saan kami nakapwesto kagabi tapos sumunod na ako don.




"Hm. Thom? Bakit nga pala ngayon ka lang umuwi?"




Naupo sya dun at ganun din ako at ngayon magkaharap kami.




"Before. Wala naman kasing dahilan para umuwi ako." sagot nya at uminom ng kape nya.





"Ahh. Eh ano ba yung rason ngayon, bakit ka umuwi?" tanong ko.




Napatingin sya sakin at tsaka sumagot.




"Maganda kasi dito."























-----

"BYE VIC!!!!!!" sigaw ni Ricci.



Nasa labas na sila at mga nakabihis na, itutuloy talaga nila yung roadtrip nilang tatlo.



"Ingat." sagot ko.




Nakasakay na yung dalawa samantalang si Torres may inaayos pa tapos lumapit sakin si Manang.



"Hija pakisuyo naman, pakiaabot kay Sir Thomas."




"Ayy sige po."





Lumabas ako ng bahay ni Torres at lumapit sa kanila.




"Oh, kakalimutan pa eh." inabot ko yun habang sinusuot nya yung sa kamay nya.



"Thank you."




"Oh ingat ahh. Pasalubong hahaha"




"Anong pasalubong?" tanong nya.





"Ikaw na bahala. Uhm. Strawberries?"




"No. Pupunta tayo dun mamaya." Torres said.



"Saan?" tanong ko.





"E-ehm. Nandito po kami." bulong ni Ysay.

"OO NGA!" sigaw ni Ricci.



Napatingin naman kami sa kanila na mga nagmamake face.



Hala sila oh. Mang-aasar nanaman.



Boy's ButterflyWhere stories live. Discover now