#43

1.2K 44 1
                                    














"Goodmorning." nakangiti nyang sabi.






"Hmm. Good morning din."






Pagpasok ko kasi sa kusina nandito na sya at nagluluto. Maaga pa naman mamaya pa yung training pero nagluluto na sya.







"Nakatulog ka bang maayos?" tanong nya.






"Ahh. Oo. Nakatulog naman." sagot ko at pumunta na ako sa banyo.





Parang ang weird ni Thomas?









Hindi naman sya ganyan pag umaga eh. Parang may something sa kanya, basta. Iba sya ngayon.








Paglabas ko,








"AYYY!"







"Let's eat?"







Nakatayo sya dun sa gilid ng pinto kaya nagulat ako sa kanya. Parang baliw eh, tapos nakangiti pa.






Ano ba nangyari dito kagabi?






Pumunta na kami sa table at naupo. Magkaharap parin tapos sya naman pinagservan pa ako. I swear ibang Thomas talaga to. Hindi naman sya ganito kahit pa nung alam na nyang babae ako eh.






Ayy, matagal na nga pala nyang alam.





I mean, nung alam kong alam na nya na alam na naming dalawa. Gets?








"Uhm. Thomas?"








"Hmm?"









"May sa---"






Sira ka Ara, hwag muna ngayon. Ang ganda nung gising nung tao eh.







"Ha?" tanong nya.








Paano ko ba sasabihin sa kanya?








"Uhm. May game ba kayo sa sabado?"









"Oo. Akala ko alam mo na yun? Sinabi ko sayo kahapon diba?"









"Sinabi mo na ba? Haha" I laughed awkwardly. "Nakalimutan ko siguro."











"Ang bata bata mo pa makakalimutin ka na." sabi nya at naglagay ng tubig sa baso tapos nilagay yun sa harapan ko. "Baka makalimutan mo ko nyan."









Ahhhhhhhhhhhhh okaaaaaaaaayyyyyy. Hindi ako sanay sa mga banat nyang ganito eh.








"Hindi ahh." depensa ko.








"Sinabi mo yan ah." natatawa nyang sabi.









"Oo, sinabi ko." sagot ko sa kanya. Natawa narin ako kasi yung ngiti nya nakakahawa eh tapos natatawa pa sya ng konti.









Paano ko ba sasabihin sa kanya?








Paano ko magagawang iwan si Thomas?
















Boy's ButterflyWhere stories live. Discover now