#26

779 34 4
                                    














"Thomas? Thomas???"



Nakita ko syang hinang hina sa may hagdan.





"Anong nangyari?"





"S-sorry."





"Ano? Anong sorry? Ano bang nangyari?"





Pinilit nyang umupo ng maayos kaya tinulungan ko sya. Ano ba kasing nangyari dito?



"Tatawag ako sa clinic."



Patayo na ako ng pinigilan nya ko sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko tapos umiling sya.


Ano? Ayaw nya magpadala sa clinic? Hindi ko nga alam nangyari sa kanya eh.





"Hindi pwede. Kailangan ka matignan, hindi ko alam nangyari sayo."





Patuloy sya sa pagiling kaya wala narin akong nagawa. Ayaw nyang magpadala kaya ako magdadala ng clinic dito.




Inalalayan ko sya papunta sa kama ko para doon nalang sya magpahinga. Tsaka mas madaling kumilos dito kaysa akyat baba pa ako.





Nung makahiga na sya mas nakita ko na yung lagay nya.





"T-torres, sino may gawa nyan?"






Ngayon ko lang nakita na binugbog pala sya. Binugbog sya kaya ayaw nyang magpadala sa clinic.




"T-teka. K-kuha lang ako ng pamunas. Pamunas. Sandali lang."







Nataranta na ako sa nakita ko.

Sinong gagawa neto sa kanya? Bakit nila bubugbugin si Torres?



Sigurado akong hindi lang sya isa kasi kung isa lang yun kaya na ni Torres yon pero yung panghihina nya sigurado akong marami sila.





Bumalik na ako kay Torres at pinunasan sya.




"S-so-rry." he whispered.





Nagulat naman ako. Kanina pa to sorry ng sorry eh.




"Para san?" I asked.






Tinaas nya lang yung susi nya. Tapos ewan ko parang nainis ako. Nainis ako kasi nangyari to. Dapat yata hindi nalang ako umalis eh.






"Hwag mo ng intindihin yon, pwede pa naman sa susunod eh." sabi ko.






"Are you mad?" nanghihina nyang sabi.






Hindi naman ako sumagot. Ewan ko basta parang naiinis ako.





"Hey."





Hindi parin ako sumagot at tinuloy ko nang yung ginagawa ko tapos bigla nyang hinawakan yung kamay ko para itigil yon.



"Answer me." seryoso nyang sabi.






Napatingin ako sa kanya.




"Ano munang nagyari?" tanong ko.





Binitawan na nya yung kamay ko at tinuloy ko nalang yung ginagawa ko.


Hindi naman sya sasagot kaya hindi nalang din ako sasagot.





Boy's ButterflyWhere stories live. Discover now