#41

984 48 11
                                    












Wednesday, April 18






"Second game kami." Torres said.




Nasa loob na kami ng gym at napakadaming tao. Nandito na kasi yung ibang students na magccheer sa kanilanilang university. Ngayon ang first day at sa MU napiling ganapin yon.





Tinext ko din sina Mika at Kim kaso may mga lakad daw sila eh, conference nanaman yata.



"Ah sge. Sa taas lang kami ni Ysay."







"Hwag kang lalayo kay Ysay. Please."






I smiled at pumunta na ako sa taas.  Gusto ko rin kasi mapanuod yung first game kaya niyaya ko na si Ysay na manuod. Since iba ibang university yung nandito sa pinakataas kami naupo ni Ysay para narin hindi ako mapansin.



Nagdala narin agad si Ysay ng pagkain, nung monday kasi na bumili sya ng pakain na abutan nya ako sa labas na umiiyak,









"Vic? Anong ginagawa mo dito sa labas?"





Mabilis kong pinunasan ang luha ko bago pa man ako makita ni Ysay.







"Ahh wala. Nagpapahangin lang."





He frowned. Alam kong hindi sya naniniwala sakin.








"Sabihin mo sakin, anong problema?"








"Wala yun Ysay. Okay lang kaya ko."









"Hwag ka ng magtago sakin." sabi nya.







Alam narin nya kasi kung bakit ako pumasok dito. Pati nga sya inaalam rin kung sino si Mr. M eh.








"Nakausap ko kasi yung sa table tennis"









"Sya nanaman? Bakit may ginawa nanaman ba sya sayo? Alam ba to ni Thom?"






"Hindi Ysay please hwag mo sasabihin kay Thomas. Ayoko ng mag-alala pa sya."







Tama na. Sobra na yung mga nangyari. Sobra ko narin syang naabala.








"Ano ba kasi yon?" tanong ni Ysay











At yun nga sinabi ko na sa kanya, kahit sya nahirapan din. Tama naman kasi yung sinabi ni Tito, codename daw ni table tennis at si Ysay ang nag-isip nyan.




Masisira ang career ni Thomas dito sa MU pag sinumbong nila at hindi na nya maitutuloy pa ang pag-aaral dito.






At hindi ko hahayaang mangyari yon.







Lunes ng gabi ay gumawa na ako ng desisyon, kailangan kong gawin ang tama.









Kailangan kong isipin ang makakabuti kay Thomas.









"Vic ano ng gagawin mo? Simula nung lunes tahimik ka nalang ahh." Ysay said.









"Isa lang naman dapat kong gawin eh pero hwag muna natin yung pag-usapan ang mahalaga may isang linggo pa ako. Tsaka ko na yun iisipin."







Boy's ButterflyWhere stories live. Discover now