Lilipas din to.
After 12 Daysssssssssss.....
"Hindi na lilipas to."
"Bakit kasi ayaw nyong mag-usap?" tanong ni Ysay.
Hindi ako sumagot at uminom nalang.
Tuesday ngayon at ito na ang last training namin for this week. Holy week na kasi tapos bukas wala kaming sched so dirediretso na. Monday na ulit ang training.
"Okay guys, okay na yan please gather around."
"Kagaya dati. Kung sino ang uuwi please ask for the form sa department natin starting 2pm. Kung uuwi kayo mamaya please pass it early at kung hindi naman pwede ng hindi kumuha ng form."
"Bakasyon naaaaaaaaa!" sigawan nila.
Ilang araw din kasi yon kaya pwede ka talaga umuwi.
"Okay . Dismiss na."
Lumapit ako kay Ysay at tinatong sya kung bakit di pumupunta dito si coach. Two weeks na kasi di pa sya nagpapakita sa training namin.
"Ysay, bakit nga pala hindi umaattend si coach ng training?"
"Nasa ibang bansa kasi sya. May international league at sya yung kinuhang coach para don."
Ayy ibang level na si coach oh. International na.
Tumango ako at nagpaalam na para ayusin yung gamit ko.
"Ahh Vic?" he called. "Uuwi ka ba?"
Umiling ako bilang pagtanggi, nasabi ko narin naman kila Kim kaya itutuloy ko na.
"Bakit?"
"Hmm. Wala din naman kasing tao sa bahay, better to stay." I answered.
Meron naman talaga. Yung dalawa. Kaso ang sabi sakin since hindi naman daw ako uuwi aalis nalang sila.
"Really? Buti nalang may makakasama ako dito. Hahaha" sabi nya.
"Ha? Bakit? Hindi ka ba uuwi?"
Natapos ko ng ayusin yung gamit ko at binitbit ko nanyung bag ko. Si Ysay naman hindi na nagpalit sa dorm nalang din daw kaya lumakad na kami palalabas ng gym.
"Hindi. Hahaha. Ngayon lang ako hindi uuwi samin, sawa narin kasi ako. Every year ganun lang din ginagawa ng relatives ko eh."
"Ahhh. Eh bakit di ka magbakasyon ng mag-isa?"
"No use. Kesa mag-isa ako magbakasyon dito nalang, nandito ka naman eh."
"Kiligin na ba ko?" pang-aasar ko. "Uhm. Halos lahat ba ng student dito sa MU umuuwi?"
"Ahh oo kaya lang kasi ngayon iba yung program ng summer, sports kasi eh kaya baka hindi naman lahat umuwi. Ito lang kasi yung time na matagal talaga ang bakasyon namin bukod sa christmas break kaya sinusulit."
Nakalabas na kami ng gym, dahil tuloy ang kwentuhan namin di na ako nagyayang kumain sa dorm nalang. Marami namang pagkain don eh.

YOU ARE READING
Boy's Butterfly
FanfictionHow long can she keep her secret? Will she be able to find out who the mysterious person is? WILL THE RIVALRY END BECAUSE OF HER?