Friday, April 13
"Torres, teka teka." inihiga namin sya sa kama ko. "Sige Ysay ako na bahala dito. Uhm. Salamat."
"Sige. Basta pag may kailangan ka tumawag ka lang. Ihahatid ko na rin tong si Ricci sa kwarto nya."
I nodded and smiled.
Paano ba naman kasi naglasing yung dalawa. Kaya pala nawala sila nung pagkatapos ng training nila.
"Bakit ba kasi kayo uminom na dalawa? Buti nalang at walang training bukas." medyo may inis kong sabi.
Bigla silang nawala after training tapos eto lasing na lasing silang dalawa.
Pumunta ako ng kusina para kumuha ng pamunas at nagtimpla narin ako ng kape para sa kanya.
Sa totoo lang, pagkabalik namin galing Baguio ito nalang ulit yung physical contact namin ni Torres.
Napag-isip isip ko kasi, aalis din naman ako kaya mabuti pang dumistansya na ako sa kanya.
Mahirap na.
Pabalik na ako sa loob ng makita ko si Torres na nakatayo dun sa daan. Nakasandal sya sa padir at hinang hina. Lasing kasi tumayo pa.
"Bakit ka tumayo? Bumalik ka na don, pupunasan kita." sabi ko.
Hindi sya gumalawa at nanatili lang dun kaya binaba ko muna yung dala ko at inalalayan sya pabalik.
"Bakit ba kayo naglasing ni Ricci? Tignan mo nga yang ginawa mo sa sarili mo oh."
"Ano bang pake mo?" sabi nya.
Napatingin ako sa mukha nya,
Anong pake ko? Sinabi nya ba talaga yon?
Ngayon lang nagsalita sakin si Torres ng ganun.
Victonara ano ba lasing yan?
Edi ba pag lasing nga totoo yung sinasabi.
Hindi naman nya siguro sinasadya.
Nakahiga na sya at kinuha ko na yung kape at bimpo. Hindi na sya gumalaw dun kaya mapupunasan ko na sya.
"Ano ba?" tinapik nya yung kamay ko.
Bakit ba ganito si Torres?
"Pupunasan lang kita para mahimasmasan ka na."
"TUMIGIL KA NA NGA!" sigaw nya sakin kaya huminto na ako.
"Inumin mo nalang yan."
"Ayoko." sabi nya.
"Torres ano ba? Inumin mo na yan, ipapahamak mo ba sarili mo?" sabi ko at tumayo na ako.
"Ano bang pake mo ha? Wala naman diba?"
Putek! Maiiyak na yata ako.
"May pake ako."
Umupo sya at nagsalita,
"May pake ka? Niloloko mo ba ko? Haha. Hwag ka ngang magsalita kung di mo naman kayang panindigan." iba yung boses nya, hindi ito yung Torres na nakilala ko. Nakakatakot sya.
YOU ARE READING
Boy's Butterfly
FanfictionHow long can she keep her secret? Will she be able to find out who the mysterious person is? WILL THE RIVALRY END BECAUSE OF HER?