"Torres!" I waved my hand para makita nya kung nasan ako. Bigla naman nagtinginan yung mga kasamahan ko sakin. Problema neto?
"Vic? Okay ka lang?"
"Vic anong ginagawa mo?"
"Vic, kilala mo si Thomas Torres?"
Oo nga pala. Hindi alam ng teammates ko na roommate ko si Torres.
"Hmm. Roommate ko sya."
"HA??" Sabay na napasigaw yung tatlo.
"Roommate? Pano?"
"Imposible yata yan. Kahit kailan hindi nagpatuloy si Thomas Torres ng magkakasama nya sa dorm."
"Kaya nga lumipat yan sa pinakataas eh, ayaw nya ng may kasama."
Natatawa na ako sa kanilang tatlo, it's a very long story kung sasabihin ko pa.
"Believe it or not, roommates sila. Room 818" Ysay said.
"Oh captain, nice game pala kanina." I said.
"Nice game? Eh halos sa mukha mo ko patamaan eh." Reklamo nya.
"Hindi kaya, sila kaya yon." I said sabay turo sa tatlo. Kateam ko din kasi sila kanina.
"Ha? Hindi po captain."
"Sorry po captain."
Sa totoo lang, malaki talaga respeto ng teammates namin kay Ysay, being the team captain, halos lahat sila pag kinakausap si Ysay laging may po o kaya napakagalang talaga. Parang sundalo na nakikipag-usap sa captain nila.
Ako lang naman yung hindi eh, hahaha kasalanan ni Ysay. Sya mismo yung may ayaw. Spoiled lang ang peg.
"Uhm. Sige una na ko ahh." Pagpapaalam ko sa kanila. Tumango at ngumiti naman sila kaya umalis na ko.
Nasa kabilang side kami ng court kaya tinakbo ko pa yung side nila Torres. Ang saya lang ng ganitong feeling, walang magkagalit o nagtatampo. Light lang. Walang mga epic na pangyayari like sa shower room, sa dorm na kasi talaga ako nagpapalit at yung nga ang gagawin ko ngayon kaya lumapit ako kay Torres.
Nagkukumpulan sila don yung iba nakaupo yung iba nakatayo then I heard Torres speak.
"Okay guys, listen up."
Automatic na naglapitan yung team nya. Captain na captain ang dating ahh. Medyo malapit na rin ako kaya huminto na ako sa pagtakbo at naglakad nalang.
"It's gonna be our first official training, play like it's the season."
Lakas makacoach ng motivation neto oh.
Wala kasi si Coach Ramil eh, pati rin kahapon. Kahit speciality nya eh volleyball he still guides the other teams specially basketball kasi yun ang laging magkasunod. Busy siguro si coach kaya hindi pa makaattend ng training.
"Welcome back CAPTAIN!"
Oh? Si Ricci yon ahh.
![](https://img.wattpad.com/cover/78945259-288-k116224.jpg)
YOU ARE READING
Boy's Butterfly
ФанфикHow long can she keep her secret? Will she be able to find out who the mysterious person is? WILL THE RIVALRY END BECAUSE OF HER?