Nakasalampak sa sahig ng isang day-care centre sa loob ng mall si Lily, anim na taong gulang. Nasa opisina ang kanyang ama dahil abala ito sa pagta-trabaho sa trading business nito. Her mom passed away since she was three years old so it's technically her dad and the day-care itself who's looking after her for the past three years. Susunduin na lamang siya ng kanyang ama kapag tapos na ito sa trabaho.
Nagbabasa ng fairy tale story na Cinderella si Lily. She's fascinated with the story itself. Ini-imagine niya na sana paglaki niya ay maging tulad siya nito - well, with the exception of step mothers and two step sisters. Ayaw niyang mag-asawa ulit ang Papa niya dahil love na love niya ang Mama niya.
"Sana magkaroon din ako ng Prince Charming paglaki ko. Yung gwapo tapos mabait tapos 'yung may-ari ng kastilyo." nakangisi pa si Lily habang masuyong tinitignan ang litrato ni Prince Charming kasama ni Cinderella.
"Then indeed you are looking for me, kid!"
Halos mapatalon siya ng biglang may batang lalake na sumulpot sa harapan niya. Sa tantya niya ay mga nasa eight to nine years old ito at mukhang foreigner. Bibihira lang siya makakita ng ganitong klase ng mga bata maliban sa kung pupunta sila sa Luneta kapag Field Trip nila ay mayroon ding mga turistang namamasyal doon na kamukha ng batang ito.
Sinimangutan niya lang ito at hindi na pinansin. Nagpatuloy si Lily sa pagbabasa.
"Do you still believe in fairy tales? We're on the 21st century now."
Tumabi ito sa kanya at nakitingin din sa binabasa niya. Dahil hindi kumportable si Lily sa feeling close na batang ito e umisod siya palayo dito pero sumunod na naman sa kanya.
"Ano ba, bata. Sino ka ba? My Papa asked me not to speak with strangers. You are a kid stranger so shupi! Choo! Go away!" tinaboy ni Lily 'yung batang foreigner at saka nag-behlat dito.
"Annyeong haseyo, Kim Taehyung imnida." biglang sabi nung batang lalake tapos nag-bow sa kanya sabay ngisi at peace sign.
"Eh!?" react niya. Bakit nagsasalita ng alien words ang batang ito?
"Ewan ko sa'yo! Ano bang sinasabi mo dyan? Wag mo ako kausapin batang stranger." tinalikuran niya ito at tinakpan ng kamay ang mga tenga niya. Nag-concentrate siya sa pagbabasa kahit alam niyang nakaka-distract ang batang epal na bigla na lang sumulpot.
"I can understand you, kid."
Hindi pa nakuntento ang bata na nagpakilalang Kim Taehyung, tumayo ito at pumwesto sa harapan naman ngayon ni Lily.
"Ako hindi kita maintindihan. Taga-saan ka ba?" hindi tinitignan ni Lily 'yung bata sa harapan niya. Busyng-busy siya sa pagbabasa ng fairy tale book na hindi niya matapos-tapos.
"Anywhere in the world." sagot nito.
"Ah," nagkibit-balikat siya. "Eh di alien ka pala, bata."
Sumimangot si Kim Taehyung at ngumuso. "Hindi ako alien!"
Nagulat si Lily nang biglang nag-Tagalog ang batang lalake. "Nagtatagalog ka ba?"
"Do I look like I don't speak Tagalog?" at nag-um-ingles ulit ito.
Mabilis na umiling si Lily at inobserbahan ang itsura nito. "Hindi e, taga-China ka ba? Naku, umalis ka dito sa Pilipinas! Inaagaw niyo ang Spratly Islands!"
"What are you saying? I'm not pure-Chinese but I have a Chinese blood. Plus I'm half-Korean and half-Filipino, too." pagmamayabang ni Kim Taehyung sa kanya.
Umungot lang si Lily at nag-smirk, "Eh di alien ka nga. Ang dami mong lahi e." tapos tumawa ito ng malakas.
Sa inis ni Kim Taehyung dahil tinawanan siya ng batang babae, hinablot niya dito ang hawak nitong Cinderella fairy tale book at hinagis sa malayo.
"Hoy! Salbahe ka!" saway ni Lily.
"Bleh!" Kim Taehyung just sticked out his tongue and laughed like a mad kid.
"Epal! Alien!" asar ni Lily pabalik tapos tumakbo para pulutin ang libro. "Wag ka lalapit sa akin baka maging alien din ako. Hmmph!" umamba pa si Lily na kunwari ay susuntukin ito.
"Wag mo akong tawaging alien. May pangalan ako!"
"Eh di wag mo rin akong tawaging 'kid'. Kids man ako pero may pangalan akong maganda. Maiinggit ka! Bleh!" pinandilatan ni Lily si Kim Taehyung na nakatingin lang ng mataman sa kanya.
"Mas gaganda ang pangalan mo pag kadugtong nyan 'yung last name ko. Hehe."
Hindi agad naintindihan ni Lily ang sinabi ni Kim Taehyung. Syempre as six years old, lahat ng mga naririnig niya mula sa ibang tao ay talagang iniintindi niya transliterally.
"Weh? Di nga?" parang nauto yata si Lily doon. Alam niya ba ang totoong ibig sabihin ng sinasabi nito?
"Oo!" tumayo ng tuwid si Kim Taehyung at nag-cross arms, "Tawagin mo na lang akong 'Bwi' dahil mahaba masyado ang pangalan ko e."
"Bwi?" tumawa ng malakas si Lily. "Bagay sa'yo pangalan mo, bata. Bwi parang bwisit?" sabay tawa ulit.
"Aniyo! (No!)"
"Psst! You're so noisy, Taehyung. Can you please shut up?"
Nagitla sina Kim Taehyung at Lily doon sa isa pang batang lalake na sumulpot sa harapan nila.
"Whatever, brat!" nag-cross arms ito at nag-smirk pagkakita doon sa bagong dating.
"You're the brat here. Let's go, your parents are looking for you. You have a flight by 5pm."
Nakatingin lang si Lily doon sa lalakeng nagsalita na sa tingin niya e parang kakambal ni Bwi. Sa tingin niya ay halos magka-edad lang ang mga ito.
"Tch, panira ka talaga, Brent! Nakita mong may kausap ako e."
Imbis na sumagot 'yung Brent ay nag-smirk lang ito at tinalikuran sila. "C'mon!"
"Oh sige na nga!" bumaling si Bwi kay Lily at sumaludo dito. "Sige, kid. Aalis na ako. Hahanapin kita pagkatapos ng ten years."
Naguguluhan, nagtanong si Lily dito. "Huh?"
"'Di ba sabi ko sa'yo kanina ibibigay ko pa sa'yo yung apelyido ko? Kaya mag-antay ka ha?" ngumiti ng malapad si Bwi kay Lily.
Napakamot sa ulo si Lily at basta na lang tumango sa sinabi nito sa kanya. "S-sige."
"Annyeong, kid! Gomawoyo!" sabi ni Bwi tapos kumaway sa kanya at sumunod doon kay Brent.
Lily looked at those two boys walking from afar. Pinipilit umakbay ni Bwi doon sa batang nagngangalang Brent pero umiiwas naman ito sa kanya. Para silang mga batang Prince Charming sa isip-isip niya.
At sino naman siya? Ang batang Cinderella? Ang labo naman nun.
Napayuko na lang si Lily at nagulat sa nakitang wala na sa kanang paa niya ang kanyang pink na medyas.
YOU ARE READING
We Broke Up
Fanfiction--- WE GOT MARRIED?! BOOK 2 -- "When we broke up, I started to fix myself by picking up the pieces of my heart shattered on the ground. But how could I finally move on if the last missing piece is on him?"