{ ENTRY 25 • You See That }

2.5K 112 31
                                    




Hindi talaga ako lumabas ng kwarto kahit thirty minutes na akong tapos sa pagbibihis. Alam kong nasa labas lang kasi si Brent at ewan ko kung may mukha pa ba akong maihaharap sa kanya. Nakakahiya naman kasing magkasama kami sa hot tub na parehas kaming naked. Ano 'yun, skinny dip? OMG, hindi ko na naman maiwsan ang pag-iinit ng pisngi ko habang inaalala 'yung nangyari kanina.

Gusto ko nang kainin 'yung pina-deliver kong Yellow Cab Chicken Barbeque pizza at Charlie Chan pasta na nasa kitchen pero hindi ako magawa dahil may ungas na prenteng naglalaro ng PS sa living room. Juskoday, ano ba namang kahihiyan 'tong ginawa ko? I can't move on. Brent's right, masyado akong pa-virgin. It's been really awhile since I saw a man's body in flesh - nang harapan! Ni katawan nga ni Taehyung hindi ko tinitignan ng malapitan e. Kay Brent pa kaya?! Yes, he's still my husband on papers but it was six freaking years ago since I last saw his.... manhood! Man, that was.... that was so...

Arrgh! Ayoko na! Erase the filthy thoughts, Anneliese!

Napapitlag ako sa pagkakahiga kay Perry the Platypus nang kumatok si Brent at nagsalita siya, "Hey, Witch. Aren't you going to eat your late dinner now?"

"Ah, oo! Andyan na, lalabas na ako. May g-ginagawa lang ako." pero ang totoo, wala naman talaga. Ayoko lang magpang-abot kami ulit. "Hating-gabi na ah, di ka pa ba uuwi?"

"Why are you asking me that silly question? Can I not stay up late or sleep here in our house?"

Alam kong inaasar na naman niya ako sa tanong niyang 'yan. Padarag akong tumayo at pinagbuksan siya ng pinto. I can't help but swallow nothing for several times when I saw Brent's appearance  - naka-boxer shorts lang siya at loose white sando. Yung totoo, nag-aaya ba siyang kumain o inaakit niya lang ako?

"Tch, wala! Kakain na lang ako. Bigla akong nagutom e." I walked past him tapos hinawi ko ang kamay ko para tumabi siya. Good enough, binigyan naman niya ako ng daan.

Dumire-diretso ako sa kitchen tapos binuksan na yung boxes ng pagkain ko. Hindi na nga ganoon kainit pero pwede namang i-microwave para maglasang masarap uli. Naglakad palapit sa elevated kitchen table si Brent tapos tinignan ako habang nakasandal ang braso niya paitaas sa mesa. Sheesh akala niya yata nasa pictorial siya ng Rebelstar!

"May tanong ako," sabi ko.

"Go, shoot."

"Nagmo-model ka pa ba sa Rebelstar?"

Kumunot ang noo niya, "Why?"

"Don't answer my question with a question, too. Dali. Sagot."

"Sa tingin mo?" ngumisi siya para asarin ako lalo.

"Aish!" pinandilatan ko siya ng mata at halos ihagis ko sa kanya 'yung pot holder sa inis. "Thank you sa sagot mo ha!" sarcastic na reaction ko sa pang-aasar niya.

He slightly laughed at smirked, "Not anymore. I have a lot things to do. I feel that I'm ten years older than my real age."

"Hindi naman," I whispered to myself.

"Huh?" nanliit ang mga mata niyang tinignan ako.

"Wala ang sabi ko kain tayo." ngumiti ako ng pilit tapos pati siya ay pinaghandaan ko rin ng pasta at pizza.

"I'll go ahead, Lily. I need to rest, ang dami kong inasikaso kanina sa opisina." in-off niya 'yung PS tapos hinanda na ang sarili sa pag-alis.  Eh 'di ba sabi niya kanina, pwede siyang magpalipas ng gabi  dito? Bakit biglang aalis na siya? Ayaw niya ba akong makasama ng matagal - no, ugh! Erase your thoughts, Lily. Ilang beses ko nang pinahiya ang sarili ko sa kanya sa araw na 'to. Ang clingy ko ba talaga?

"Is that so? E paano 'yan, hatinggabi na, delikado sa daan. Baka ano pang mangyari sa'yo nyan." I told him. I know I sounded like an over-protective ex. I was trying to sound masungit but I can't.

We Broke UpWhere stories live. Discover now