{ ENTRY 36 • Old Habits Die Hard }

1.6K 76 11
                                    

Three days.

Three days since I've decided to tell Brent about my failed pregnancy six years ago.

Still, nothing happened.

Lagi kasing nape-pre-empt ang mga pagkakataon na kailangan kong sabihin sa kanya ang mga bagay na dapat niyang malaman. Kung hindi nakakatulugan ko siya sa pag-aantay galing sa trabaho, paggising ko naman ay nakaalis na siya. He's been very busy this past few days dahil may gusto siyang patunayan sa Board para mapanatili niya ang pwesto niya as Internal VP of the Maple Group.

Naiintindihan ko naman kung bakit niya 'to ginagawa pero talagang hindi na ako nabigyan ng pagkakataon para masabi ko 'to sa kanya. Alam ko namang kasalanan ko kung bakit umabot pa sa anim na taon bago ko 'yun sabihin kay Brent. I am much aware that this will hurt him but I know that I'll accept whatever his feelings or his decision will be.

from nayaaaaa~!
Ano na bes? Three days na oh? Mauuna pa yata akong ikasal kesa masabi mo kay Brent yung about sa baby niyo.

It's the nth time that I've read Naya's text since early this morning. Ang dami ko pa kasing hesitations kaya ngayon hirap na hirap akong kumilos. Napapikit ako at nag-fighting sign.

Make or break, Anneliese. Kahit ano pang mangyari, ngayon ka magsasabi kay Brent. You need to wait for him as soon as he gets back. Bawal kang matulog hangga't hindi mo pa nakikita ni anino niya.

Tama. Ito na nga ang tamang pagkakataon.

Naisipan kong tawagan si Taehyung para i-consult sa kanya ang plano ko. Ready naman na akong matalakan ng airmax na 'yun kaya tatahimik na lang ako.

"Ah, Lills." Bored na sagot niya sa phone sabay hikab. Napatingin tuloy ako sa wallclock. 10am pa lang pero inaantok na siya agad?

"Taehyung? Okay ka lang?"

"Hindi. Puyat ako kagabi, kulang pa ako sa tulog." tapos nakarinig na ako nang pagbagsak ng katawan niya sa kama.

Nagsalubong ang kilay ko, "Eh? Ano na naman ang pinaggagawa mo? At puyat ka? Wow ha."

"Wag ako ang sisihin mo, si Saitama ang may kasalanan."

"Saitama? Sino naman 'yun? " he comes on his weird wordings na naman.

"Sino pa nga ba, eh di si ladyboy! Para siyang One Punch Man pag umatake e, kaya Saitama tawag ko dun. Bwisit na mukhang lalakeng yun. Psh." May sound effects pa si V na parang nagta-tantrums sa kama niya.

"Huuuuuhhh? Ang sketchy mo! Anong ginawa mo kay Sanji? Baka may ginawa kang kababalaghan sa kanya ha, ako ang makakalaban mo pag pinatulan mo 'yun." I warned him. Seriously, I shipped them. I hope he could see the goodness in her.

"The fcuk, Anneliese! The fcuk! Baka siya kamo ang gagawa ng kababalaghan sa akin! Nakita mo na nga kung gaano niya pinagsamantalahan ang mura kong katawan at kung paano niya inabuso ang pagkalalake ko tapos ako pa ang gagawa ng kababalaghan?! No way!" pa-OA na sabi niya.

Napailing ako, "Wow ah, ang dami mong sinabi na kala mo nilabag ang karapatang pantao mo. At saka kung makapagreact ka, akala mo na-rape ka."

"Basta yun na 'yun! Aish, wag na nga natin pag-usapan ang Saitama na 'yun! Nawawala lang ako sa mood pag siya ang topic e. Kasalanan nila ng parents ko kung bakit ako puyat—teka, bakit ka nga pala biglang tumawag, Lills? Anything I can help?"

We Broke UpWhere stories live. Discover now