Pakiramdam ko parang natulog ako ng two years—este four days. Ang OA naman ng dalawang taon noh. Feeling comatose lang?
Ang sakit kasi ng katawan ko na parang nadaganan ako ng pison or something na mabigat. Yung hindi ako makagalaw o makapagsalita. Did I just experienced sleeping paralysis? I hope not.
Unti-unting dumilat ang mga mata ko at unang nakita ang matingkad na ilaw sa kisame. Eh? Am I in heaven?
Parang hindi naman. In fairness naman sa heaven kung may sosyaling chandelier. Pero nasaan nga ba ako? Nasa bahay ba ako?
I looked around me. There is an oxygen tank, hospital apparatuses beside me, IVs injected at the back of my palm. And a heavy feeling. This place looks unfamiliar but now I know where am I. At the hospital.
Nakita ko si Papa na biglang tumayo at dali-daling lumapit sa akin. "Lily! Salamat sa Diyos, anak at nagising ka na din sa wakas!" hinimas niya ang ulunan ko at dinampian ng halik ang noo ko. "Kamusta ka na ha? I don't know what will I do if something more serious happened to you."
Binaba ko yung breathing apparatus na nakabit sa ilong at bibig ko at hinawakan ang kamay niya, "Ayos lang ako, Pa. Medyo masakit lang ang katawan ko pero I think I will be fine. Don't worry, may sa-pusa ang anak niyo. Siguro naman hindi ako malulumpo noh."
I assured myself by touching my arms and my feet. They are still complete, thank you, Lord.
"You slept for five days, Lily. You were in ICU for the first three days and when your condition got stable, they transferred you to a regular room. Diyos ko, pinag-alala mo akong bata ka."
I laughed lightly, "Nasaan nga pala si Aunt Emilia at si babylove Happee?"
"Kauuwi lang nila sa bahay. They wanted to stay longer but I told them to get some rest and just come back here tomorrow. For sure matutuwa sila sa balitang gising ka na. Tatawagin ko lang ang nurse at si dok para sabihing okay ka na. I'll be back." I've seen the thankfulness and happiness on his eyes when he went out. Si Papa talaga. Nawala na sa amin si Mama nung bata pa ako. Pag pati ako nawala, baka hindi niya na kayanin yun.
I glanced my reflection at the mirror on my left side. I have bandages on my arms and forehead. Feeling ko nga naka-cast ang isang binti ko dahil sa aksidenteng 'yun. Sobrang thankful talaga ako sa Diyos dahil binigyan niya pa ako ng second chance para mabuhay.
Nakarinig ako ng mga pagkatok sa pinto kaya sumagot ako, "Pasok."
"Lills! Shit, you're alright! Gising ka na! Akala ko ginu-good time lang ako ni Tito Robin nung nagkasalubong kami sa hallway pero totoo nga talaga." Sa sobrang excite ni Taehyung, halos sumampa na siya sa hospita bed ko. Dahil kung mamgyari 'yun, baka hindi kami kayanin at paplakda talaga kami sa sahig.
"Whatevs, I'm so alive and kicking. Well, I could kick you after few days or so, naka-cast kasi itong right leg ko e." Tinignan namin ang binti kong naka-cast. I looked at V and grinned at him. Namiss ko 'tong airmax na 'to.
"Magpagaling ka ha. Para kang pusa, may nine lives."
"Like a persian fluffy cat?"
Umiling siya, "Para kang pusakal. Pusang kalye." sabay ngisi.
"Leche ka. Makalabas lang ako dito sa ospital masisipa talaga kita." inirapan ko siya ng matindi. Hindi na magbabago ang kakulitan at kayabangan ng lalaking 'to.
Dumila lang si Taehyung tapos ibinaba sa side table ang dala niyang basket ng mga prutas. "Thank you ha, nag-abala ka pa." Sabi ko.
Kinindatan niya ako, "Kainin mo lahat yan. What do you want? Ipagtatalop kita."
YOU ARE READING
We Broke Up
Fanfic--- WE GOT MARRIED?! BOOK 2 -- "When we broke up, I started to fix myself by picking up the pieces of my heart shattered on the ground. But how could I finally move on if the last missing piece is on him?"