Nagpaka-busy na lang ako sa trabaho mula nang mag-break kami ni V. Naapektuhan talaga ako doon sa huli naming pag-uusap. It's like I broke his heart all over again with a heavy burden. I can't help but to feel guilty for all I've done to him. Imagine, lagi siyang nasa tabi ko kapag kailangan ko siya, kapag may problema ako ay mabilis niya akong tinutulungan, he also loved me unconditionally and accepted me for who I am.
Hindi ko na nga deserve ang mga kabutihang ginawa ni V para sa akin, nasaktan ko pa siya. I know how much he waited for me to love him like what I've felt towards Brent. I thought I succeeded in doing it, but that turns out that I'm still a slave of Brent's love. Hindi ko akalain na sa lahat pag-iwas ko sa kanya, sa inis na nararamdaman ko - iyon ay dahil guilty ako at hindi ko matanggap sa sarili ko na siya pa rin.
How could I come back to him if he already burnt the bridge between us? Pumayag na siya sa annulment. Syempre para sa akin, masakit din 'yun. Tama na 'yung sinabi ni Taehyung na nagkakasakitan lang kaming dalawa kahit alam naman naming pwedeng pag-usapan ang mga problema.
Do you know one thing about us? Ang gulo naming dalawa. We're keeping on pushing each other away. I know, it's my fault. Hindi naman masasaktan si Brent kung hindi rin dahil sa akin. That's why I need to earn back his love and trust. Kung paano ay hindi ko alam.
Nasa kalagitnaan ako ng pagpupunas ng mesa at pag-iisip kung paano uli ako mapapalapit kay Brent nang lumapit si Ayreen sa akin na mukhang pawis na pawis na kinakabahan, ewan ko na. "Bakit? Anong nangyari?" tanong ko agad sa kanya.
"Maam Lily, si Sir V po 'yung nasa phone. Gusto kayong makausap." natataranta pa siya.
"Bakit, anong meron? May emergency ba whatsoever?" pati ako ay medyo nataranta na din.
"Si Happee daw po kasi sinugod sa ospital dahil nagka-asthma attack na naman." alangan pang sabi niya.
"Ha?!" para akong nanlamig sa sinabi ni Ayreen kaya dali-dali akong nagtanggal na apron na nakasabit sa beywang ko at kinuha dito and wireless phone. "Hello, Taehyung! Anong nangyari kay Happee? Saang ospital kayo? Papunta na ako dyan."
Lumabas na ako sa Aroma dala ang cellphone at wallet ko na kabibigay lang ni Ayreen sa akin. "Nahihirapan siyang huminga kaya isinugod siya nina Tito dito sa St Luke's. Sumunod lang din ako nung tumawag sa akin si Aunt Emilia. Papunta ka na ba?"
"Yes, I'll be on my way. Magda-drive na ako pa-ospital." I told him as soon as I enter the car.
"Chill, Lills, okay? Happee's going to be alright. Na-admit kasi 'yung bata dahil under observation." Taehyung's trying to keep me calm pero syempre hindi ako basta makakalma dahil hindi maayos ang pakiramdam ng kapatid ko.
"I know but I can't help worry too much the fact that she's in hospital."
"Okay, I understand. Mag-iingat ka sa pagmamaneho ha baka biglang ikaw naman yung isugod sa ER." biro niya sa akin.
YOU ARE READING
We Broke Up
Fanfic--- WE GOT MARRIED?! BOOK 2 -- "When we broke up, I started to fix myself by picking up the pieces of my heart shattered on the ground. But how could I finally move on if the last missing piece is on him?"