{ ENTRY 3 • The Return of the Comeback }

3.6K 118 99
                                    

Attn: Sa We Got Married?! karamihan sa inyo ay maka-VLy at gusto niyong magkatuluyan sila pero ngayong couple na sila dito sa We Broke Up, beastmode naman kayo at si Brent ang hinahanap niyo hahahaha. Biglang ayaw niyo na sa VLy, lumubog na ang ship hahaha. Ano ba talaga mga ateng?! Char! I so love your reactions, I feel like a sadist witch. Anyway, yun lang ang napansin ko~ Nga pala sali kayo sa fb group! Wala ako kausap dun e. Lol

— • —

We are currently preparing for Naya and Eunkwang's engagement - actually, walang alam dito ang best friend ko. Kinuntsaba lang kami ni Eunkwang para sa pagpo-propose niya. I actually admire their relationship. They have gone through a lot of things for the past six years and they remained strong as ever. Sa tagal na nilang mag-boyfriend ay nararapat lang na magpakasal na sila. The two of them are  not getting any younger.

"Bwisit naman kasi si Eunkwang e, bakit kailangan pang dito kami mag-usap sa simbahan? Magpa-pari ba siya kaya tayo nandito tapos magpapaalam siya sa akin?" naiiritang sabi ni Naya habang naglalakad kami papunta sa simbahan. Well, parte ito ng palabas ng boyfriend niya kaya kailangan namin ni Taehyung na mag-imbento ng kung anu-anong istorya para lang hindi siya makahalata.

"Weirdo din kasi 'yang boyfriend mo kaya ang daming kaartehan sa katawan." sagot ni V tapos nag-smirk.

Siniko ko siya sabay nginitian ng pilit si Naya. "Anong sinasabi mong magpa-pari? Alam nating parehas niyong mahal si Lord, pero pakakasalan ka nun!" bigla akong napapikit dahil sa sinabi ko. Halos madulas na ako dun ah!

Pinandilatan ako ng mga singkit na mata ni Taehyung kaya nginisihan ko na lang siya ng alangan.

"Kasal? Duh! Ang tagal pa nun at saka wala pang plano si Eunkwang Seo na pakasalan ako noh. Yung DoTA pa, oo!" talak niya. "Aba, pinapili ko siya kung anong mas gusto niya - DoTA o ako. At ang mokong, nagkamot lang ng ulo at hindi na nakasagot!"

Nagkatinginan lang kami ni V at nagpigil ng tawa. Kung alam mo lang, Danaya. Kung alam mo lang.

Nung nasa tapat na kami nung entrada ng simbahan, hinawakan ko ang mga balikat niya at iniharap ang likod niya sa akin. "Just stay there, okay?"

"Eh? Anong meron?" tanong ni Naya.

"Sorry, Naya. I just have to do this." biglang sabi ni Taehyung tapos piniringan niya ng mga mata ito.

"Hey, guys! What's this? Anong ginagawa niyo sa akin?"

I just rolled my eyes, "Wag kang OA please? Trust us, alright. Best friend kita noh! Hindi kita ipapahamak." nang maayos na ang pagkakapiring sa kanya, hinawakan ko siya sa kamay at iniharap sa altar.

Juskoday, parang ako pa tuloy itong naiiyak para kay Naya! Nakita ko sa harapan si Eunkwang na kasama si Taehyung. Kung paano siya mabilis na nakarating doon ay hindi ko na alam. Basta ngayon, excited na ako sa susunod na mangyayari.

Nakapwesto naman sa mga pews ang iba naming classmates noong junior at senior high, mga kaibigan noong college at ilang mga ka-trabaho. Masayang makitang lahat sila ay nakiki-cooperate para sa sorpresang ito.

Wala ni isa man ang nagsasalita mula sa mga nasa paligid habang pinapanuod ang eksena.

"Shemay lang ha, Anneliese! Pag may nangyari talaga sa aking kahindik-hindik, pagbubuhulin ko kayo ni Taehyung." banta sa akin ni Naya pero hindi ko na lang siya kinibo.

Nang makarating na kami sa mismong harap ng altar, kitang-kita ko ang kaba ni Eunkwang pati na ang tagaktak ng pawis niya. Akala mo naman e ikakasal na! Nangiti na lang ako habang tinitignan sila. Sinenyasan ako ni V na tanggalin ang blindfold kay Naya. When she started seeing everything, she was literally awestrucked with all!

We Broke UpWhere stories live. Discover now