Attn: Hi loves! Balik na tayo ulit sa POV's ni Lily. I just made it via Third Party POV before para ipakita 'yung mga emotions ng bawat cast doon sa flashback. Hanggang Entry 12 na lang 'yung throwback natin kaya exciting na ang mga susunod na chaps ng present day. So watch out for it guys *wink!*
-- • --
"Anneliese, mag-iingat ka doon sa California ha. Pag may kailangan ka, tawagan mo lang ako o kaya i-PM mo ako sa Messenger. I can't believe I'm sending my only child to study in the US." mangiyak-ngiyak na sabi ni Papa sa akin habang magkayakap kami. Nandito kami ngayon sa NAIA. Ilang sandali na lang kasi ay boarding time ko na.
"Oo naman po, ano. Mabilis lang ang two to three years, Pa. At saka uuwi ako dito sa Pilipinas pag may mahaba akong break. Mag-iipon ako doon at magpa-part time job kung kinakailangan para may pambayad ako ng airfare." sabi ko sa kanya. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko ng palihim. Ayoko kasing makita na naman niya akong umiiyak. If I'm fed up crying, my Dad is fed up seeing me weeping, too.
Nagkalakas kami sa pagkakayakap at t-in-ap-tap niya ang ulunan ko. "Study hard, okay? I'm not expecting that you'll include on the Dean's List or get Latin honors but do what you can. Malaki ang tiwala ko sa'yo. Make all of your sacrifices worth it."
Tumango ako, "Opo, Pa. I'll do my best. Hindi ko po kayo ipapahiya. Magiging successful din ako balang araw."
"Syempre! Anak kita at mana ka sa akin. You'll be successful."
After bidding our temporary goodbyes (kasi babalik pa naman ako dito noh!), pumasok na ako sa boarding area. Pinigilan ko talagang huwag maiyak hanggang sa makapasok ako sa loob ng eroplano. Now, I'll be living alone. I need to be strong for myself and for Papa. Ang dami kong sinakripisyo para mangyari ito. At nasaktan ko ng husto si Brent. Streetwise, hindi ako ang taong bagay sa kanya. Pinilit lang kaming mangyari ng mga parents namin. Yes, we love each other but it doesn't mean that we should be together. His parents are angry at me and of course they want me out of the way. Ayoko nang lalo pang masaktan ang mga tao sa paligid ko.
Call me ambitious pero kung magkikita man kami ni Brent sa future, gusto kong may mapatunayan na ako.
I'm leaving Philippines now so I also need to leave all my frustrations and pains here. Magiging masaya ako sa California, I'll make sure of that.
The flight lasted for sixteen hours. Halos mapudpod yata ang pwet ko sa kakaupo kasi kahit may mga stop overs ang eroplano, masakit pa din ang likuran ko. Ang dami kong ginawa para malibang - magsound trip, mag-Ipad, matulog at matulog ulit. Wala naman kasi akong kasama sa flight. Nauna na kasi 'yung mga kasabay ko nung isang araw kaya ako lang ang nahuli sa byahe.
Feeling ko hindi naman ako malulula masyado dito sa airport dahil may sasalubong sa akin na taga-Stanford University na ihahatid muna ako sa boarding house bago ako pumunta bukas sa Admissions Office nila.
Halos nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang poster na may nakasulat ng pangalan ko. I'm not sure if I will be feeling proud or sad. This is what it says:
Anneliese M Sue-Chien
O 'di ba, married name ko pa? At malamang sa oo, married name ang gagamitin ko sa Civil Status ng credentials ko pag pumasok ako sa Standford. Hindi na talaga ako tinantanan ng anino ni Brent.
Kumaway ako sa dalawang taong may hawak nun at saka lumapit sa kanila. "Hi, good afternoon! I'm Anneliese." bati ko sa kanila.
"Hi there, Anneliese! Nice to meet you, I'm Lauren Jones, the assistant of the headmaster's dorm. Welcome to California."
Niyakap ako ni Lauren at nakipag-beso sa akin. Medyo na-shock lang ako ng light dahil ang spontaneous niya. Pero sa tingin ko nice naman siya.
"I'm one of the staff from the Office of Admissions. My name's Ryan Reynolds. We're happy and excited to work with you, Anneliese."
YOU ARE READING
We Broke Up
Fanfic--- WE GOT MARRIED?! BOOK 2 -- "When we broke up, I started to fix myself by picking up the pieces of my heart shattered on the ground. But how could I finally move on if the last missing piece is on him?"