"Yung totoo, Danaya, ikaw mismo ang nag-oorganize ng bridal shower mo? Hindi ba dapat kaming mga friends mo ang magsu-surprise sa'yo?" I reluctantly asked her while were sitting on the comfy bed. Dito kami sa Gramercy nag-celebrate ng bridal shower ng best friend kong lukaret.
She flipped her hair and winked at me, "Para maiba naman. You know I hate surprises, bessy. At saka mas mag-eenjoy ako kung pre-planned itong party ko bago ako mag-good bye sa pagiging single!"
"Dami mong alam noh? So ano bang plano, may dadating ba ditong malaking box tapos sa loob may machong lalakeng sasayaw? Duh." Inirapan ko siya.
"As much as I would like to but Eunkwang didn't allowed me. Alam mo na, baka daw mapikot ako whatsoever! Jusko, for enjoyment's sake naman yun pero ayaw niya."
Tinulak ko siya dahilan para masubsob siya ng bahagya sa kama. "Gaga ka ba? Gusto mo nang may macho dancer pero sinabi mo sa fiancé mong mag-oorganize ka ng bridal shower!"
"Yeah, yeah. Yan nga din ang naisip ko. Pero bes, keri naman na yun. We could enjoy ourselves nang tayo-tayo lang 'di ba." Naya convinced herself that everyhing will be fine.
At saka ok na din naman na walang ibang lalake o sasayaw na macho dancer sa party ni Naya dahil lagot ako pag nalaman ni Brent yun. His intel group is massive—from Russia and Japan. He could also request for a wiretap if he would want to. Kaya nakakatakot pag nagsinungaling ka sa kanya dahil mabilis niyang malalaman ito.
Six girls lang kami na nandito sa b-in-ook na unit ni Naya sa Airbnb. Gusto nga sana ni Brent na regaluhan ko na lang daw si Naya ng condo unit para LANG sa bridal shower niya para doon kami mag-celebrate. C/O of his own money of course. Wala akong pambili ng condo noh! Doll house pwede pa. I could afford five kung gusto niya.
We had fun the whole night. There's music and fancy lights everywhere, unlimited booze of champagne, wine and hard drinks, whatnot, pica pica and pizza!
Bandang 3am na nang natapos kami. Our friends decided to sleep or take a nap but Naya and I decided to take a lift down to drink coffee. Pampawala ng kaunting hang-over.
Nag-order ako ng Cafe Americano samantalang Mocha Latte naman ang sa kanya. Hindi na muna kami umakyat sa taas dahil feeling ko mahihilo ako at sasakit ang ulo dahil sa byahe sa lift. Siguro hindi pa kami nakakababa sa mismong floor namin ay knock out na agad ako.
We sat down and sighed together - best friends talaga kami ng babaeng 'to. I'm gonna miss her after her marriage with Eunkwang. Pagkatapos kasi ng kasal nila ay magma-migrate na sila sa New Zealand dahil na-promote na kasi ang fiance niya sa trabaho. You know, more money is equal to more responsibilities. Kaya maganda rin na nagkaroon kami ng get together kasama ng mga kaibigan namin for one last time.
"Ubos na ang mga maliligayang araw mo, soon-to-be Mrs Eunkwang Seo." I teased.
Natawa siya, "Yeah, right. Excited ako na parang natatakot sa kasal namin."
"Ha, bakit? Di ka pa ba sure kay Eunkwang?"
"Loka ka ba? Of course, I'm sure. Will I give him my 'yes' if I'm not sure with spending the rest of my life with him?" Naya smiled peacefully. "Ang dami naming napagdaanan sa anim na taon namin na magkasama. Akala ko nga hindi kami aabot sa puntong ito e. But look at where we are! We're gonna get married. Hindi na ako mahuhuli sa ating dalawa. Masyado ka kasing advance magpakasal e."
I grimaced and shrugged my shoulders, "And I'm happy for the both of you. Gusto ko sanang maging ninang ng magiging anak niyo. Kaso naman kasi sa New Zealand ka na naka-base nun."
"Gaga, kahit doon pa ako manganak, Ninang ka pa din! Basta wag mo lang kalimutan 'yun pakimkim mo. Ipadala mo gamit ng LBC o Western Union o kahit Palawan Express Padala."
YOU ARE READING
We Broke Up
Fanfic--- WE GOT MARRIED?! BOOK 2 -- "When we broke up, I started to fix myself by picking up the pieces of my heart shattered on the ground. But how could I finally move on if the last missing piece is on him?"