{ ENTRY 19 • Chasing For Answers }

2.7K 84 33
                                    

Attn : Long update for everyone. Enjoy💋

I pushed Brent so hard upon realizing that he's really kissing me

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I pushed Brent so hard upon realizing that he's really kissing me. I couldn't stop myself to slap him. Pakiramdam ko umakyat lahat ang frustrations at heartaches sa ulo ko. "How dare you!" Kung gaano katas ang galit ko, ganoon naman kababa ang emosyon ni Brent. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya, I can't read what's running on his mind. But one thing's for sure, he's hurt too.

"I-I'm sorry," I know I've been rude to him so I had a fair share of my mistakes, too. "Just don't follow me." I ran away as fast as I could. Mukhang hindi na rin siya sumunod sa akin. Things are getting worse for the both of us.

Masama bang maghangad ako ng tahimik na buhay na malayo sa kanya?

Instead of going back to Aroma, I decided to went home. Gusto ko na lang magpahinga sa bahay at matulog. I wanna call it a day. Auntie asked me if I want to eat something first before going to bed but I refused.

The stress I have in my mind is rotting me. Dumirecho na lang ako sa kwarto at tinabihan si Happee na mahimbing na natutulog. I embraced her and unconsciously, tears are falling from my eyes. I quickly wiped those away pero kusa talaga silang tumutulo na parang may sariling trip. Hindi ko alam bakit ako nagkakaganito. Brent was a part of my past. I don't want him to meddle with my present nor with my future.

And I remember the way he looked at me again earlier.

No, Lily. Compose yourself. Hindi ka dapat mag-alala o maawa sa kanya. Relax, okay. Tapos na ang lahat sa aming dalawa. It's been six years 'di ba? He should've moved on already. If he's only fooling around, it's his loss. Hindi niya dapat sayangin ang oras niya para pagtripan ako. We're not getting any younger. Besides, I wanna tell V about everything what happened earlier , pero ayoko namang mag-alala siya at bigla na lang umuwi dito sa Pilipinas. I'll just settle the issue once he comes back.

Goodness gracious, what kind of live am I living now?

-- • --

The following day, nag-ayos na ako ng sarili ko dahil may business conference akong a-attend-an sa isang hotel sa Ortigas. Call time is at 9 am pero maaga akong umalis sa bahay para hindi naman ako gahulin o maaligaga pag pumunta ako doon. Ayokong maging center of attraction kapag na-late ako. Isa pa, malaking no-no 'yun sa mga kasama ko sa conference kasi lahat sila ay mga entrepreneurs, restaurateurs et cetera - bongga talaga - tapos ako magiging late e di nagmukha naman akong saling ketket nun 'di ba?

I hailed an Uber car instead of driving my own. Medyo hassle kasi at traffic sa Ortigas, maiirita lang ako pag ganun tapos mas magastos pa sa gas kaya okay nang mag-commute. I signed on the acknowledgement sheet on the front desk. I rode a lift going up to the 7th floor and registered my name there. Syempre medyo may mangilan-ngilan na akong kilala doon kasi umaattend din ako ng conference kaya feeling ko naman hindi ako mapapahiya dito, somewhat it gained me confidence at least.

We Broke UpWhere stories live. Discover now