{ ENTRY 32 • Stubborn Plans }

2K 74 16
                                    

It's been a week since we came back from Hong Kong. I had tons of memories there that I have kept on my heart. I enjoyed every single minute of staying there. Kung pwede lang bumalik doon at magbakasyon for the rest of my life pero syempre imposible naman. Unang-una, I have a business to attend here and besides, hindi naman ako kasing yaman ni Brent. Mauubos lang ang savings ko sa kakapunta kung saan at pagbili sa kung anu-anong anik anik 'di ba? Hindi ko yata keri yun.

I am very much back to work. Alam kong hindi magiging madali 'to dahil halos itambak ko ang trabaho sa mga naiwan kong shift supervisors. Syempre as merits, lahat ng employees ko ay may token galing HK at kaunting appraisal para sa next cut off ng sahod nila dahil sa pagiging masipag at pagpasok nila araw-araw kahit wala ako. Of course, galing 'yun sa sarili kong bulsa! Sabi nga ni Sir Richard Branson, "Take care of your employees first before they could take care of your customers." something like that. Isinasabuhay ko talaga 'yun.

Busyng-busy ako sa pagrereview ng liquidation reports nang tumunog ang cellphone ko.

from brentbaby
dinner at 8pm. i'll fetch you there.

At nag-text nga gwapo kong Brentbaby. Syempre hindi ko maiwasan ang hindi kiligin. Ang tagal naming hinintay 'to, magpapabebe pa ba ako? Wag na noh! Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at nag-reply agad ako.

to brentbaby
sure thing. i love you

Pagka-send na pagkasend ko ng text ko ay bigla naman siyang tumawag.

"Hello," maagap na sagot ko.

"Hey, Lily. I love you, too." husky na sabi niya.

Damn, parang umakyat yata ang mga balahibo ko sa batok dun. Ano ba naman, Brent, hindi ka ba nagsasawa sa pagpapakilig sa akin? Pwede mag-pause ka muna kahit mga one minute lang?

"Ang clingy mo, you could've text me back instead." Natatawang sabi ko pero syempre deep inside gusto ko humalakhak sa kilig.

"What's the problem there? I just want you to hear that."

Nalunok ko na yata lahat ng laway ko sa bibig, wala na akong masabi. "Eh di I love you din. Hihintayin na lang kita dito ha. Kelangan ko pang reviewhin itong mga liquidation para pag sinundo mo ako, wala na akong mga pending na trabaho. Ikaw, hindi ka ba busy? May time ka pang tawagan ako e."

"I'm busy, but of course I need to make a little time for you. Your voice is enough for me to be energized."

Susuka na talaga ako ng rainbow, pag natalsikan kayo, makikisuyo na lang. Pakipunas na din.

"Oo na, oo na. Dami mo pang hanash. Ba-bye na." hindi ko na hinintay ang reply niya. Sa halip ay in-end call ko na dahil kung magsalita pa siya ng kung ano ay baka ma-suweruhan na ako ng dugo.

Calm down, Anneliese Margaux. Calm down, you girl.

Seconds became minutes and minutes became hours. Eight pm na! Wala pa din si Brent, pinigilan ko ang sarili kong itext o tawagan siya dahil ayoko namang makaistorbo sa trabaho niya. I shouldn't forget the fact that he's the Internal VP of Maple Group. He's nearly twenty-eight but the stress is already on his shoulders.

Sinubukan kong lumabas sa opisina ko at sumilip sa labas para tignan kung nandun na ang kotse ni Brent pero mukhang wala pa din siya. Napabuntong-hininga na lang ako at tinitigan ang cellphone ko. I made up my mind and decided to just at least text him.

We Broke UpWhere stories live. Discover now