"Umuuwi ka pa ba sa condo mo sa BGC?" I asked him all of a sudden while we're eating the baked penne he prepared for our dinner. O 'di ba, may pag-bake na ginawa si Brent? Perfect husband material.
Tinapos niya munang nguyain 'yung sinubo niyang pasta bago siya sumagot. "Not that much. Why did you ask?"
I shook my head, "Wala naman. Napapansin ko kasing napapadalas ang uwi mo dito. You have your own house."
Biglang napaatras ang mukha ko nung ilapit niya 'yung kanya sa akin. "But you are my home, Witch, that's why I frequently stay here."
Naka-sampung lunok siguro ako pagkasabi niya nun. Alam na alam talaga ng lalaking 'to kung paano ako pakiligin sa mga simpleng salita niya. Kulang na lang magsuka na ako ng rainbow.
"Hey," nag-snap siya sa tapat ng mukha ko. "Are you alright? Natameme ka na ha."
"Wala. Wala naman."
"Yes I know, I'm too handsome for you. So stop wondering how lucky you are to have me."
"Pwe!" halos nabulunan ako at agad na ininom ang tubig sa basong nasa gilid ng plato. Lechugas 'to si Brentbaby. Gusto pa ba niyang makakain ako ng maayos?!
"Hey, what's happening?" natatawang sabi niya habang tinatapik-tapik ang likod ko.
I shot a glare at him and raised my palm to tell I'm fine. "Nagtatanong...ka pa kung...anong nangyari? E kung... sinasapak kaya... kita!" I pushed him with all my might. As if namang hindi siya aware kung bakit ako nagkakaganito?
Naglaro ang mga kilay niya at nilagyan pa ng tubig ang baso ko. "You're so adorable, Lily."
Then in a heartbeat, he's now touching my face. He became so clingy compared before nung nasa College pa kami. Siguro dati may mga hesitations pa siya at medyo nahihiyang ilabas 'yung totoong nararamdaman niya pero ngayon - jusko bes, show-all na talaga siya. Kulang na lang malunod na ako sa mga sinasabi at ginagawa niya sa akin.
Ako na ang nag-volunteer na magligpit at maghugas ng mga pinagkainan namin tutal siya naman ang nagluto ng dinner. Pagkatapos ng mga chores ko, pumasok na ako sa kwarto para sa night rituals ko. Alam niyo na, dapat bago matulog mukhang fresh pa rin. Paano na lang kung maisipan ni Brent na gapangin ako tapos makikita niyang mukha akong busangot eh di major turn off na agad?
"Saan ka pupunta? Ba't ka nag-aalsa-balutan?" awtomatikong tanong ko sa kanya nang makita ko siya nag-eempake sa kama.
Nilingon niya ako pero smirk lang ang sagot niya sa akin.
"Oy, ano nga 'yan?" I asked him again then walk towards him. I'm really wondering where he'll go. Mukhang hindi naman for business purposes ang lakad niya dahil puro mga casual clothing lang nasa loob nung maleta.
"I have a flight going to Hong Kong tomorrow."
Pakiramdam ko biglang nanikip ang dibdib ko. I'm not going to see him for a few days. Kung kelan ba naman malapit na kami maging okay saka siya aalis. Eh kung sunggaban ko na lang kaya siya? Mapipigilan ko ba ang pag-alis niya? Aish, ano ba 'tong mga naiisip ko?
"Anong gagawin mo dun?" I asked and sat beside his luggage.
Naningkit lalo ang mga mata niyang tumingin sa akin. "Did I said it wrong?" Huh? Ang gulo mo, Brentbaby! "I mean, we're going to Hong Kong tomorrow so pack your things up now."
"Ha?!" halos umabot yata ang boses ko sa katabing unit sa lakas ng boses ko. "Anong pinagsasabi mong pupunta tayong Hong Kong? At bukas pa talaga? Seriously?!"
"Tsk, could you please tone down your voice, Witch? Yes, we're going there tomorrow. We'll ride on a first-class passenger plane coz my dad used our private plane yesterday. I was actually planning to buy one next year so it won't give me any hassles if I plan to go out of the country whenever I want."
YOU ARE READING
We Broke Up
Fanfiction--- WE GOT MARRIED?! BOOK 2 -- "When we broke up, I started to fix myself by picking up the pieces of my heart shattered on the ground. But how could I finally move on if the last missing piece is on him?"