"Okay, I'll stay here." I casually said. Of course, itinago ko muna 'yung kilig na nasa loob ng puso ko. Ayokong mahalata niya na gustong-gusto ko at baka sabihin pa niyang patay na patay ako sa kanya.
"Good. Do you want something to eat or drink? It's on me."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ililibre ako ni Brent? Or better say, is he asking me for a date? Seriously?! "A-ano, kasi, salamat na lang. Busog pa ako e. " sabi ko pa with matching hawak pa siya tiyan. Syempre ayokong isipin niya na ang easy to get ko.
Ugh, bakit ba ang conscious ko masyado?
"Oh, I see. Maybe next time, perhaps. I'll go ahead." nag-martsa siya patungo sa pinto habang sinundan ko na lang siya ng tingin.
"Mag-iingat ka," sabi ko.
Lumingon lang siya at ngumiti ng matipid. "Thanks, my wife." tapos tuluyan na siyang lumabas sa pinto.
"Haaay!" parang may malaking tinik na nawala sa lalamunan ko nung umalis na si Brent. Ang OA masyado ng tibok ng puso ko. Akala ko nga mahihimatay na ako sa sobrang palpitation. Mabuti na lang at nung umalis na siya, nag-normal na rin 'yung heart rate ko. I could breathe smoothly.
Since naka-oo na ako sa kanya, kailangan kong tumira dito. Ayoko na kasing pataasin pa 'yung pride ko. I want to work it out for him. Kung marami siyang naging effort para magkita uli kami, dapat ganoon din ang gawin ko. I need to show him that I am worth of all his efforts. I want to make it up to Brent, we suffered being hurt and now's the time that we need to be happy.
And I'm going to do this one step at a time.
-- • --
I took a day off in Aroma, inasikaso ko pa kasi 'yung paglilipat ng mga damit ko at ilang gamit. Taehyung actually offered for help but I refused. I just find it too awkward kung papasukin ko siya sa condo. Besides, hindi naman masyadong mahirap maglipat ng gamit dahil may kotse ako. After filling the things with my stuff, hindi ko na binago pa kung ano pa 'yung original set up ng kwarto pati na 'yung buong flat. Gusto kong ganoon na lang ang itsura nun way back six years since I left.
I called up Naya to say what I've been up to. Marami akong dapat ikwento sa kanya. Of course she deserve to know everything. Kahit naman ikakasal na siya, mag-best friend pa rin kami. Nag-decide kaming magkita sa Juju Eats, sa isang bingsu store dapat kami pupunta pero dahil in three weeks ay ikakasal na siya kaya dapat ma-maintain daw 'yung *ehem* sexy figure niya.
"Alam mo, nakakainis ka. Makikipagkita ka lang sa akin kung kelan marami ka nang iku-kwento! Try mo naman minsan na mag-inform sa akin kapag may nangyari sa buhay mo noh?" Naya mocked me.
"Oo na, sorry ha! I was just busy kaya hindi kita nakukwentuhan agad." I said while rolling my eyes. Pero syempre joke lang 'yun. Kung hindi ako magkukwento kay Naya ng mga happenings sa buhay ko e baka nabaliw na ako ng tuluyan.
"So what na? Does Brent fully agrees with the annulment? Kayo ni Taehyung, 'musta?" sunod-sunod na tanong niya habang nilalapit niya ang mukha niya sa akin.
"Chill lang, Naya. Ang dami mong tanong, honey." sabi naman ni Eunkwang tapos hinawakan ang mga balikat ng fiancee niya para umayos ng upo.
"Of course, I need to! Maraming utang itong BFF ko sa akin at isa pa, wala pang panalo sa pustahan nating dalawa." she told him.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Naya kay Eunkwang. Like, what? Pustahan? "Hoy, Danaya! Anong pinagpupustahan niyong dalawa?"
Napakamot ng noo si Eunkwang tapos ngumiti ng pilit, "Eh eto kasing si honey e, pinilit akong makipag-deal sa kanya. Sabi niya, pag pumayag si Brent sa annulment at kayo ni V ang talagang magkakatuluyan, ako ang gagastos sa honeymoon namin sa Maldives pero kung magkakabalikan daw kayo, sa kanya naman ang expenses."
YOU ARE READING
We Broke Up
Fanfiction--- WE GOT MARRIED?! BOOK 2 -- "When we broke up, I started to fix myself by picking up the pieces of my heart shattered on the ground. But how could I finally move on if the last missing piece is on him?"