{ ENTRY 2 • Happening Happiness }

4K 115 49
                                    

"Thanks for the dinner, Taehyung. Nabusog ako sa ramen." sabi ko habang naka-angkla ang kamay ko sa braso niya. Hinatid niya kasi ako mula doon sa Japanese restaurant hanggang dito sa bahay namin.

"Sus, Lills, lagi ka namang busog. Tignan mo nga ang sarili mo. Ang taba mo na!" asar niya sa akin sabay kurot sa tagiliran ako.

"Wow naman, akala mo kung sinong fit at macho ang katawan!" nag-make face ako habang si V naman ay nag-Mr Pogi sign lang.

"Woah, you're challenging me. Are you?" pa-slow mo pa siyang itinataas ang polo niya para makita ko ang tinatago niyang *gulp* abs *gulp*.

"Hep! Magtigil ka nga dyan!" agad kong pinalis ang kamay ni V sa damit niya dahil panigurado na namang magla-live show siya sa harapan ko. Ang layo pa ng CR pero dito pa lang sa veranda ay naghuhubad na siya.

Tumawa lang siya tapos sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. We've seen Auntie and Papa sitting down on the couch while watching Animal Planet. Siniko ko si V at saka ngumisi. "Nasa TV ka oh." saktong may walrus na ipinakita sa TV screen kaya nagpilit ako ng tawa.

Nag-stick out siya ng dila. "Kung walrus ako, isda ka naman."

Ewan ko kung saan niya nakuha ang isda. Mukha niya! "Papa, Auntie, we're home!"

"Hi, mga anak. Ang aga niyo yatang umuwi?" tanong ni Papa sa amin ni V habang nagmamano kami sa kanila ni Auntie.

"Actually, Tito, hanggang closing pa daw mag-stay si Lills dahil opening ng Aroma pero pinauwi ko agad dahil panigurado kung magsisimula siyang workaholic, workaholic na siya hanggang infinity." sabi ni V.

Tumawa ang parents ko sa sinabi niya. Ang OA naman kasi ng bibig ni Taehyung e.

"So how's the day, love?" Aunt Emilia asked me.

"Okay naman po, Auntie. I look tiring but I'm so happy." I answered.

"Brilliant! Are you guys hungry? I'm going to prepare a snack for you."

That's what I love with my stepmom. She's adapting the Filipino culture by being hospitable.

"Woah! Sige po, Tita. I want corndogs!" bulalas na V.

Siniko ko siya at pinandilatan. "Feel at home na feel at home talaga 'yang pagmumukha mo. Umuwi ka na nga!"

"Sus, Lills. Kunwari ka pa! Alam ko naman na ayaw mo pa talaga akong umuwi dahil ayaw mo akong masyadong ma-miss. Wag ka nang mag-alala, love na love pa rin naman kita e." ta's nag heart sign siya gamit ang dalawang kamay niya.

Then I heard hard laughs again from them. All of I sudden, nakita kong bumukas ang pinto ng kwarto ko at lumabas mula doon ang papungas-pungas na si Happee.

"Mama, Batman?"

"Ladybug! Come here." yumuko ako at sinalubong siya. Awtomatiko niya akong niyakap at hinalikan sa pisngi tapos tumakbo kay Taehyung para magpabuhat.

"Mama, thank you for bringing Papa here. I miss him sooooo much!"

I've seen the excitement on Happee's eyes when she met him again. Ilang araw din kasi silang hindi nagkita at mukhang sobrang miss nila ang isa't isa.

"O ba't biglang 'Papa' na ang tawag mo sa akin, Happee? I always ask you to call me 'Papa' but you're insisting for 'Batman'. Anong meron?" sabi ni V ta's nagkatinginan kaming dalawa at bumalik ang tingin niya doon sa chikiting. "Gusto mong umalis bukas noh."

Nag-grin ng malapad si Happee saka tumango-tango. Nagtawanan kaming lahat. "Now I know it!"

"Kasi I want to go to park tomorrow with you and Mama e."

We Broke UpWhere stories live. Discover now