{ ENTRY 6 • Womanhood }

3.2K 118 33
                                    

Nagpe-playback na parang sirang plaka sa isipan ni Lily ang mga sinabi sa kanya niya ni Brent kagabi. Ayaw nitong payagan siya na magpunta sa Stanford University. Alam niyang may mga rason ito kung bakit hindi siya pwede umalis. Of course, she is very disappointed. Ganun naman lagi, they're living under one roof and she needs to follow whatever her husband says.

Napabuntong-hininga siya ng malalim at saka nag-slouch sa inuupuan niyang bench. Naisipan niyang tumambay sa botanical garden dahil nakaka-relax ditong magpahinga lalo pa't may mga paru-parong naglililipad sa paligid.

"Yeah, Lills!"

Napabalikwas mula sa pagkakaupo si Lily kaya nalaglag siya sa damuhan sa gulat kay V. "Tch! Leche, nagulat ako sa'yo ha!" react niya.

"Oh, sorry. Nagulat pala kita" dinaluhan ni V si Lily at tinulungang makatayo pero duminstansya ito sa kanya.

"Hindi okay lang, ayos lang naman ako." umupo siya ng ayos sa kabilang dulo ng bench.

Ganoon din ang ginawa ni V na ikinabahala naman niya.

"A-ano, Taehyung, gusto kong mapag-isa. Marami kasi akong mga iniisip na bagay - at saka 'di ba nag-usap na tayo nung isang araw? Kailangan na nating dumistansya sa isa't isa." paliwanag niya dito. She did not bothered telling him about the blackmailing incident of Mrs Lim. Ayaw niyang madamay pa ito sa lumalaking problema niya.

"Bakit? Malayo naman tayo sa isa't isa, ice lang 'yan."

Hindi na umimik si Lily, sa halip ay tinignan na lang niya ang damuhan sa paanan niya.

"Ang lalim yata ng iniisip mo, Lills."

"Wala 'to, tungkol lang sana sa pagiging exchange student ko sa Stanford - "

"Woah! Hindi nga? Cool!" React ni V, halos mapatayo pa nga siya sa sobrang gulat.

"Ayun na nga e, cool sana. Haaay."

"Eh ano namang problema doon? Hindi ka pinayagan ni Brent?"

Natumbok niya. Marahang tumango si Lily tapos umangat ang sulok ng labi nito.

"Hindi. Sabi niya mas maganda daw na dito ko na lang tapusin ang pag-aaral ko. Sayang nga e. Alam mo 'yun, Taehyung? May magandang opportunity na nasa harapan ko..."

"Pero hindi ngayon 'yung tamang panahon?"

"Oo," sabi ni Lily sabay pout ng lips. "Nanghihinayang talaga ako, pero kasi nakapag-decide na si Brent na hindi ako payagang mag-aral doon kaya wala akong magagawa kundi ang sumunod sa kanya."

"Napaka-masunurin mo namang asawa, Lills."

Nginitian lang ng matipid ni Lily si Taehyung at saka tumayo na. "Sige na, V, mauna na muna ako sa'yo. May klase pa kasi ako e."

"Sure, sige. Salamat nga pala uli."

"Saan?" pagtataka niya.

"Sa pagkausap mo ulit sa akin. Alam ko naman kasi na dapat hindi na tayo pwedeng maging magkaibigan. But this mean a lot to me, thank you, Lills."

Tutal ay half-FO (Friendship Over) naman na ang #VLy kaya tanggap na ni Taehyung kung hanggang saan siya sa buhay ng babaeng pinakamamahal niya. Sabay nilang tinalikuran ang isa't isa at naglakad palayo.

Yes, he might be so in love with his cousin's wife but he did not regret feeling that way. Ginawa naman niya ang lahat para mapalapit siya dito pero meron talagang mga bagay na hindi pwedeng pilitin dahil lalo lang itong  makakasira sa kanila..

--

On the way na sa next class si Lily nang tumunog ang cellphone niya. It's an unknown number pero alam niya kung sino ang tumatawag.

We Broke UpWhere stories live. Discover now