{ ENTRY 44 • Warnings }

1.9K 67 20
                                    

"What's going on with you?" Tanong sa akin ni Brent pagkahatid niya sa akin sa tapat ng bahay namin. Hindi pa kami nakakapasok pero pinigilan niya ako sa braso.

"W-wala naman," umiwas ako ng tingin sa kanya. I cannot really look at him straight into his eyes. Those deep-set chinky eyes. Very mysterious.

"May sinabi ba si Nicola sa'yo nung nasa restroom kayo?"

I startled on his question. Ganito na ba niya ako kakilala para malaman niya na may bagay na bumabagabag sa akin?

"Wala ha, tinulungan niya lang akong punasan yung dress ko." ngumiti ako ng pilit. Pero parang hindi naman bumenta yung sinabi ko sa kanya dahil seryoso pa din siyang nakatingin sa akin.

Katahimikan.

Neither of us were talking. He's staring into my eyes while I'm looking at his eyebrows instead. I can't maintain eye contact with him.

"If you say so." hinawakan niya ang magkabilang balikat ko tapos itinalikod niya ako paharap sa pinto. "Get inside, time for you to rest."

Tumango ako at lumingon sa kanya, "Thank you pala sa pagsama sa akin kanina at paghatid mo sa akin dito."

Nag-smirk siya, signature move na siguro niya yun. "That's nothing. Husband duties."

Shit, direcho sa puso ko yung sinabi niya.

Para kaming mga teenagers dito na hindi mapakali sa tapat ng bahay pag goodbye blues na.

This time, I smiled genuinely. "Thank you ulit. Good night, Brent." tumalikod na ako para buksan yung pinto.

"Lily,"

"Hmm?" Tinignan ko uli siya.

"Can I kiss you?"

"H-ha?" I stumbled upon his request. Nagpapaalam na ba ngayon para humalik? Kung hinalikan niya na agad ako e hindi na ako magugulat ng ganito di ba?

Siya naman ngayon ang ngumiti. "I'll take that as a yes." hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan niya ako sa pisngi.

That was a light and simple kiss but that the feeling that it brought into my heart was heavy and fancy. And I don't know why. This man is really something.

"Good night. See you tomorrow."

Finally, we turn our backs with each other to mark the end of the day. Ang daming nangyari sa araw na 'to. Dapat nga maging masaya ako dahil marami akong bagay na unti-unting naaalala base sa mga kinukwento nila sa akin. Pero yung mga sinabi talaga sa akin ni Nicola ang talagang bumagabag sa isip ko.

Am I really unworthy of Brent's love and sacrifices?

Is it all my fault why we end up like this?

Napailing ako at nagsimula na lang akong magbihis at maglinis ng katawan. Kahit pa ilang beses kong alisin sa utak ko ang mga salitang 'yun, hindi ko maiwasan ang matakot at mahiya. It feels that I'm too dependent whenever he's around - na kapag wala na siya sa tabi ko ay hindi ko na alam ang gagawin ko.

I should help myself for my own benefit. Ayokong iasa lang sa kanya lahat. Nicola's correct, he sacrificed a lot for me. Why don't I do the same? I only lost my memory, I did not lose my love for him.

Alam ko sa sarili ko na mahal ko siya. At siya pa din. I can't recognize him fully but my heart does. There are so much inhibitions I had inside myself that prevents me not to tell him exactly how I feel. Of course, gusto ko rin malaman yung ano yung nararamdaman ni Brent. I don't want to be unfair for him for the record. Baka naman puro yung kapakanan ko lang yung iniisip niya pero hindi niya inaalala kung ano yung nararamdaman niya.

We Broke UpWhere stories live. Discover now