{ ENTRY 31 • Rumored Girlfriend }

2.5K 90 18
                                    

Freaks, my head really hurts. Alam ko na 'to e, alam ko naman na mahina ako sa beer at kung ano pa mang liquor dahil mabilis akong malasing, pero dahil sa ka-emo-han ko kahapon kaya ito ang nangyari sa akin.

I'm still aware of what happened to me last night. I could remember what Brent and I have talked about. I have finally told him again that I still love him. Pakiramadam ko, wala na akong naitatago pa sa kanya. Magaan ang pakiramdam ko kahit mabigat ang ulo ko.

Ni hindi ko na rin maalala kung anong oras na ako natulog kagabi e. Or kung natulog ba talaga ako?

Earth calling Anneliese.

I looked at Brent beside me, kaya naman pala masakit ang likod ko ay dahil dito kami sa carpeted floor humiga. What's with us? Ang lawak-lawak ng kama pero dito kami sa lapag natulog.

Sinilip ko siya habang mahimbing na natutulog. Napaka-peaceful ng aura niya, not to mention his handsome face. Lalaking-lalaki. Ngayon ko na nga lang natitigan ang mukha niya ng ganito kalapit. Nag-mature siya sa nakalipas na anim na taon pero para sa akin, siya pa rin yung Brent na akala mo nasa-menopausal stage at pre-menstrual syndrome kung umasta simula nung college days namin. His facial features became more manly especially his jawline and the stubbles growing from his chin and at the top of lips.

Nagitla ako nang biglang hinapit niya ako sa bewang ko at ipinwesto ako sa itaas na parang nakadagaan ako sa kanya. Gising ba siya all along?!

"Am I too handsome for you?" He asked while his eyes are still closed.

"Leche ka, gising ka na pala!" hinampas ko ang balikat niya.

He grinned and opened his eyes. Kinilig ako bigla kasi ako yung unang taong nakita niya ngayong umaga. Ang lakas lang talagang maka-husband ang wife ng peg.

"I really wanted you to wake me up but you're too busy memorizing all my facial features." His arms enveloped my back tightly.

"Bakit? Masama bang titigan ka? Oo na, gwapo ka na. Oh ayan, inunahan na kita." umirap pa ako pero in the end, sinuklay ko naman ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.

Natawa siya ng maikli, "Well then, thank you. By the way, how's your feeling? Bigla ka na lang nag-pass out sa kalasingan."

Napabitaw ako sa kanya dahil sa narinig ko. "What? Nalasing ba ako kagabi?!" Seriously? Kaya ba masakit ang ulo ko ngayon?

"Uh-huh. You slept here at the floor. I was carrying you to bed but you're too hyperactive. Nagwawala ka, ayaw mong buhatin kita. I had no choice but to sleep here as well." Brent said as a matter of factly.

"What the hell?!" Nanlaki ang mga mata ko at umiling-iling. "A guy like you, Brent Harper, shouldn't be sleeping here. Eh di sana hinayaan mo na lang ako dito sa sahig at doon ka na lang humiga sa malawak mong kama. Does your back hurt?" hinaplos ko pa ang likuran niya.

"No, I'm fine. It doesn't hurt really. It's simply because I wanted to sleep beside you. Be it on the california king bed or here on the floor, I don't fucking care." His shoulders shrugged.

Natawa ako, "Ang clingy mo. Feeling maganda tuloy ako." I joked. "Let's eat breakfast?" naningkit ang mga mata ko nang mabasa ang print sa shirt na suot niya.

"Laters. I wanna stay with you here alone. I don't wanna share your presence to everyone yet." He yawned at stretched his arms upward. And then I saw the V-line on his lower stomach as well as the abs. Jusko, ang aga-aga at pandesal agad itong nakikita ko. Tamang-tama sa breakfast, feeling ko may pa-ham agad si Mayor.

We Broke UpWhere stories live. Discover now