Rather than staying at Aroma, I just decided to go home instead. The more na nagse-stay kasi ako doon, the more na naaalala ko ang mga sagutan namin ni Brent. Nakakasakit lang ng ulo.
Pumunta na lang ako sa BGC at inantay si Taehyung. Staff kasi siya sa Consulate ng Korean Embassy. O 'di ba, from chef ay naging staff siya? Ewan ko ba sa lalakeng 'yun, paiba-iba ng gusto sa buhay. He's almost in his late twenties yet sometimes he act like a kid. But whoever he is, proud ako at masaya pa rin ako sa kanya.
"Hey, Lills!" tawag niya sa akin.
I was sitting at the lobby's couch when he saw me. "Hi," I stood up and slightly hugged him on the side.
"What brings you here? Bihira ka lang dumayo dito ha." he told me tapos naglakad na kami palabas ng building.
"I just want to talk to you about something kasi." sagot ko sa kanya tapos pumasok na kami sa kotse niya.
"Tungkol saan? Kay Brent?"
I almost roll my eyes. Bakit ba mukha siyang Brent? "Siya agad?"
Nagkibit-balikat siya tapos ngumisi. "Bakit? Siya lang naman ang rason kung bakit uneasy kang tignan e."
"Teka nga," ipinatong ko ang kamay ko sa braso niya, "Nagseselos ka ba?"
Imbis na sagutin ako ay tumawa lang siya ng malakas na akala niya yata ay nag-joke ako ng bongga—pero hindi naman. In the middle of laughing, bigla siya tumigil at tinignan ako ng direcho sa mga mata. "Yes, I am."
"Eh?!" bumitaw ako sa kanya at napaatras pa sa kinauupuan ko. "Ang weird mo, Taehyung! Paanong magseselos ka sa kanya?"
"Nah, I'm just joking. Pabayaan mo na lang 'yun si Brent." umangat ang kilay niya tapos nagsimula nang magmaneho.
I've known Taehyung for so long kaya alam ko agad kung may bumabagabag sa kanya o wala. At sa puntong ito, sigurado akong may kakaiba siyang nararamdaman. Hindi ko lang masabi kung ano talaga 'yun. He looks a bit cryptic now.
"I just don't know what to do with your cousin. Bakit ba ang weird niya? Hindi naman siya dating ganyan."
"Alam kong gusto ka niyang makuha ulit, Lills. But sorry to say that I won't give you away to him. He already lost the chance."
Minsan ko lang makitang seryoso si Taehyung tulad ngayon. Kapag kasi ganyan siya, natatakot ako at kinakabahan. I am not used to see him like that. Most of the time kasi, alam naman nating lahat na palagi siyang nagyayabang ng kung anu-ano, kengkoy siya at nagpapatawa pero kapag ganito na siya kaseryoso—iba na 'to.
I gasped, "Wag na natin siyang pansinin."
Umangat ang isang kilay niya, "Anong wag pansinin, Lills? Kung hahayaan mo lang siya sa panggugulo niya sa'yo, masasanay 'yan. Let's show him what we've got. Hindi tayo magpapatalo sa kanya. Neknek niya 'no."
Lumapad ang ngiti ko at humilig ako sa braso niya. "Ang possessive mo naman." asar ko sa kanya.
"Of course, I should. Ang tagal kaya kitang inantay. I won't settle for anything less since you're mine now."
Kailangan ko na lang talagang magtiwala sa kanya.
-- • --
The next day, naka-receive ako ng text message galing kay V na magdi-dinner daw kami sa Sofitel kasama si Happee. Hindi ko alam kung bakit kailangang doon pa e pwede naman na kaming kumain sa isang simpleng restaurant o kaya sa Jollibee na lang. I did not bother to ask kasi baka magtalo lang kami.
Tinulungan kong magbihis si Happee pagkatapos ko siyang paliguan. Tapos ako naman ang naligo at nag-ayos. Binilisan ko na lang ang pagkilos dahil kapag nalingat lang ako ay makikita ko na siyang pinakikialaman ang mga make-up ko. Yeah, may pagka-kikay nga ang batang 'yan - ewan ko ba kung kanino nagmana.
YOU ARE READING
We Broke Up
Fanfic--- WE GOT MARRIED?! BOOK 2 -- "When we broke up, I started to fix myself by picking up the pieces of my heart shattered on the ground. But how could I finally move on if the last missing piece is on him?"