{ ENTRY 5• Opportunity Arrives }

2.5K 93 13
                                    



"Brent, what happened?"

Natigilan sa paglalakad sa hallway si Brent nang marinig niya ang boses ni Mrs Lim. Lumingon siya at tinignan ito ng mataman.

"Excuse me?" umangat ang dalawang kilay niya.

"How about Jamie? Basta mo na lang ba siya iiwan ng ganyan?" nakalapit na si Mrs Lim sa kanya. Kitang-kita niya ang talim sa mga titig nito.

"Iiwan? Sorry, Mrs Lim, but I think you're misquoting me. Jamie is a good friend of mine. But being with my wife is more important. I have already made it clear with your daughter."

Nagtagis ang mga bagang ni Mrs Lim at hinawakan nang mahigpit ang sleeve ng damit niya. "Can you please stay with Jamie? I'm begging you, Brent. Ikaw lang ang taong nakakapagpasaya sa kanya. You're the main reason why she's fighting for her life."

Blangko na ang mukha ni Brent. Parang kahit ano pang sabihin nito sa kanya ay wala nang makakapagpabago ng isip niya.

"Don't make this hard for everyone, Tita. Pasensya na, pero hindi ko talaga magagawa ang gusto niyo."

Nagsukatan sila ng tingin hanggang sa bumitaw si Mrs Lim sa kanya at saka yumuko siya ng bahagya. "If you'll excuse me, I'll go ahead."

"Brent, I have one last thing to say. Kinausap ko ang asawa mo tungkol sa inyo ni Jamie. Pero matigas ang ulo niya katulad mo."

Umarko ang kilay ni Brent kasunod ang pagkunot ng noo niya. "Huh?"

"I had your wife investigated. I accidentally saw her before with your cousin, Vincent Kim. My good Lord, she almost cheat with you! Tapos may gana ka pang manatili sa asawa mo kung aahasin ka lang ng mga taong malalapit sa'yo?" she mocked.

He clinched his fists and maintained his cool. Hindi siya pwede mag-amok o mag-eskandalo dahil nasa ospital siya.

"Alam ko." wala na siyang pakialam kung mawalan na siya ng respeto sa babaeng nasa harapan niya. Kanina pa kasi siya nagtitimpi sa mag-ina. "Pero napag-usapan na namin ito ni Anneliese kaya hindi mo na kailangang mag-abala pa."

Mabagal na tumango si Mrs Lim at nag-cross arms. "Eh paano kapag nalaman 'to ng pamilya niyo? Your relatives and even your in-law? Sa tingin niyo ba matutuwa sila? Kahit maging okay pa kayo ni Anneliese, it won't change the fact that your wife will disappoint everybody. That'll cause a big scandal. I have shown her the photos that includes her and Vincent." ngumiti siya ng sarkastiko. "And my, everyone will hate it."

"Ano ba ang gusto niyong palabasin? Ang sirain kami at ang pamilya ko para nasa tabi lang ako ni Jamie? I find you selfish, Mrs Lim. Blackmailing me is so lame." ginantihan din niya ito ng mas sarkastikong ngiti. "And pathetic."

Nagtitimpi na sa galit si Mrs Lim. Halos lumabas na ang fine lines nito sa mukha na hindi na yata kinaya ng botox sa tindi ng emosyon niya ngayon.

"Don't be surprised if one day, Anneliese will be thrown out of the Sue-Chien family! Siya ang dahilan kung bakit hindi ka makuha ng anak ko. Ni hindi mo man lang inisip ang kalagayan niya - na mamamatay siya pag wala ka sa tabi niya!"

"Nothing can change my mind, Mrs Lim. Kung gusto niyo kaming sirain eh di gawin niyo."  tumalikod na si Brent at hindi na muling lumingon pa.

♥  ~  ♥  ~  ♥

Busyng-busy sa pagfe-Facebook si Lily nang lapitan siya ng classmate niya na mukhang galing sa mailroom dahil sa parcel at mga sulat na dala nito.

"Ay, Lily," tawag nito sa kanya.

"Hmm?" tinignan niya ito.

"May sulat para sa'yo doon sa mailroom. Two days ago pa raw 'yun nandun e tapos hindi mo pa napi-pick up."

We Broke UpWhere stories live. Discover now