Attn: Delayed updates, I know. Haha. Busy lang ako sa pagiging fan girl ko kay Bogummy. Omg. May nanunuod ba dito ng Love in the Moonlight? Shet, ang ganda noh? Nga pala, plug ko din new story ko—The Wickeds. Dark-romantic / Comedy ang plot hehe. Kung gusto niyo lang naman mabasa. Salamat x
— • —
Naglalakad si Brent sa hallway papunta sa next class niya. Of course, almost all girls are admiring him. Kahit naman married na ang status niya ay hindi pa rin nawawala ang mga babaeng nagkaka-crush sa kanya. Yes, may mga nagpapa-cute at nagpapansin pero dinededma niya lang ang mga ito kasi hindi naman siya interesado sa kanila. Well, his eyes are only set to see Lily.
"Hi, Brent!"
"You're so gwapo talaga."
"Shiz, girl, Brent Sue-Chien is kinda hot even he's married!"
Parang nananaginip ng gising ang mga babae sa paligid habang pinagpapantasyahan nila si Brent. He's walking like he's ramp modeling for Pete's sake. Malakas kasi ang dating nito sa mga girls and gays. Miski mismong sa mga straight guys ay nakakalalake siya.
Tumigil siya sa paglalakad at biglang tumingin doon sa mga babaeng nagsalita kanina. Umimpit ang mga tili nila at nagpa-cute sa kanya. Of course, hindi pa rin mawawala ang infamous poker face niya.
"Kung magbubulungan kayo, siguraduhin niyong hindi ko maririnig. You're creeping me out." sabi ni Brent sabay nilagpasan ang mga ito na halos malaglag ang panga.
Sumakit ang ulo niya sa mga nakakaritang mga babaeng 'yun. Pero syempre at the back of his mind, naisip niya na medyo mali rin pala kung maiinis siya sa mga 'yun - His wife was actually one of them before. Naalala niyang nagsimula si Lily sa pagiging fan girl niya noong thirteen years old pa lamang ito.
Brent was near in entering the classroom when his cellphone rang. Nagsalubong ang mga kilay niya nang isang unregistered number ang tumatawag.
He answered the phone with much boring look on his face. "'Morning, who's this?"
"H-hello, Brent, si Ariadne 'to."
Ariadne? Her name sounds familiar to him. "Jamie's nanny - oh, sorry, her best friend?"
Bigla itong humikbi na ikinagulat ni Brent, "Oo, ako nga. Brent, si Jamie..."
"What happened to her?" bigla siyang nag-panic. Kahit naman tinapos na ni Brent ang pagiging 'caregiver' niya kay Jamie ay hindi pa rin nawawala ang pag-aalala niya dito.
"She tried to take away her life."
"What?!" Brent exclaimed and ran towards the parking lot as fast as he could.
Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip nito para subukang kitlin ang sariling buhay. He rushed himself to drive towards the hospital. Mabuti at hindi traffic kaya madali siyang nakarating doon.
Tumakbo si Brent paakyat sa hospital suite ni Jamie. Pagpasok niya sa loob ay nakita niya sina Ari pati na sina Mr at Mrs Lim - ang huli ay matalim pa ang tingin sa kanya sa pagdating niya.
"Anong nangyari? Did she tried committing suicide?" tanong niya sa mga ito nang makita ang dalawang wrists ni Jamie na nakabenda tanda na baka naglaslas ito ng pulso.
"Oo, Brent." si Ari na ang sumagot. "Hindi ko alam kung paano siya nagkaroon ng blade o at nagkalakas ng loob gawin 'yan. Did she really wanted to die soon?"
Mabigat na huminga si Brent at nilapitan si Jamie. "I just don't know what to say."
Biglang hinablot ni Mr Lim ang braso ni Brent at humarap sa kanya. "Mr Sue-Chien, you've seen my daughter's condition. She tried to take her life. Wala nang mas sasakit pa para sa magulang na tulad ko na makitang nahihirapan ang kanyang anak. Please, if you might consider staying with my daughter until she's recovering. Wala naman akong ibang hinihiling sa'yo. -" Mr Lim pleads. Iba ito sa paraan kung paano makiusap sa kanya ang asawa nito. He talks like a real father. Kumpara naman sa asawa nito na hindi iniisip ang mararamdaman ng ibang tao.
YOU ARE READING
We Broke Up
Fanfiction--- WE GOT MARRIED?! BOOK 2 -- "When we broke up, I started to fix myself by picking up the pieces of my heart shattered on the ground. But how could I finally move on if the last missing piece is on him?"