Secret 65

4.8K 50 11
                                    

Freezia's Biggest Secret

Chapter 65

Mula ng malaman namin ni presea sa magulang namin ay mabilis na bumalik kami sa siyudad at dumiritso sa hospital kung saan sila nakaconfine. Nag-alala talaga kami saknila. Bakit ba nangyari ang ganito sakanila?

Ang iba kasama namin ay ay nagpaiwan dahil hindi naman kasiya ang 12 na tao sa helicopter na pag-aari lang naman ni Rui.  Hindi nakasama si rui dahil kailangan pa niya na asikasuhin ang kasama namin at siya lang naman ang nakakaalam ng lugar na yun kaya nagpaiwan siya. Kahit na nasa hitsura niya na gusto niyang sumama. Si cody ay sumama sa amin ni presea. Tahimik lang ito na nakasunod sa amin.

Pinaghahanap na sa batas ang gumawa ng karumadumal na ito, pero kahit na kumilos na ang mga pulis para imbestigahan kung sino ang criminal ay balak ko na hahanapin ko siya! Sigurado na ako na hindi lang iyon ang simple na holdap lang. Yes. The criminal stole some big amount of money at alahas na suot ni mama pero hindi parin ako convince.

Nang makarating kami sa hospital ay dumiritso na kami sa room kung saan ang magulang. Sadly to say ay si mama lang ang nandon. Tanging ang pinsan ko na si Iza ang nandon. Binabantayan ang wala pang malay na ina ko.

"Nasaan si papa, iza?" Naunahan ako ni presea na tanongin.

Malungkot na nagbaba siya ng tingin. "Nasa operating parin siya dahil nabaril ito at madami din siyang sugat sa katawan. Dahil doon madaming dugo na nawala sakanya. Type A daw ang blood type na kailangan niya. Pero huwag na kayong mag-alala si mommy nag-volunteer siya na bigyan ng dugo si tito erman."

Lumapit ako sa ina ko. Ilang butil ng luha ay umagos sa pisngi ko. Bakit nangyari ito sakanila?

Pati na din si presea ay mas malala pa na umiyak.

"Hanggan ngayon ay patuloy parin pinapaimbistigahan ang nagyari." Wika ni iza. "Kanina ay tumawag sa akin ang imbestigador habang patungo kayo dito. Sabi niya may nakakita daw sa nangyari. Tanging sinabi lang ng witness isa daw babae iyong holdaper. Hindi nila nakita yung hitsura dahil nakabonnet daw."

Nakakuyom ang mga kamao ko. There's something wrong talaga mula umpisa pa. At tutuklasan ko kung sino ang gumawa nito sa inyo! Pinapangako ko sa inyo mama at papa.

"Hayop siya! Bakit kailangan pa niya gawin ito sa magulang namin?!" Sabi ko.

Humagulgol naman si presea.

Tumayo ako at lumabas sa silid para puntahan kung saan ang operating room.

"Freezia, saan ka pupunta? Aren't you going to watch your mother until she's awake?"

Hinawakan ni cody ang braso ko upang tumigil ako sa pag-alis. Halos hindi ko na siya napansin na magkasama kami dahil tahimik siya at hindi nagsasalita. Para bang nakiramdam lang.

Wala ako sa mood na makipag-usap.

"Babalik lang ako. Pupuntahan ko si papa." Walang kabuhay buhay na sagot ko sakanya. "Bitiwan mo ako." Humigpit yung pagkakahawak niya sa braso ko. "Okay lang ako."

"Sigh." Bumuntong hininga siya at binitawan niya ako. Walang lingon likod na iniwan ko siya.

Ilang minuto ay nakarating din ako. Mukhang hindi pa tapos. Nanginginig ang mga kamay ko at dinalangin na maging successful ang operation. Hindi ko alam kung gaano kalala ang sitwasiyon ni papa pero sana magiging maayos lang ang lahat.

Nakita ko na pabalik balik lang sa paglalakad si tita emelia ko siya sa father side. Hindi ko nga akalain na mag-alala siya dahil matagal tagal na rin na hindi nag-uusap si papa sakanya.

"Zia! Mabuti naman at sa wakas ay dumating na din kayo! Saan ba kayo nanggaling sa ganitong sitwasiyon! Pinuntahan namin kayo ng kapatid mo sa bahay pero wala kayo doon!" Sita niya sa akin ng namataan niya ako. Wala akong panahon na makipagsagutan sakanya. Ang tanging laman ng isipan ko ay ang ko, wala ng iba pa.

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon