Secret 21: Acquaintance

17.8K 291 21
                                    

DONE EDIT. (3/4/2014)

Chapter 21

Acquaintance

            “TUMIGIL muna tayo dito, siguro naman hindi na tayo matunton kung sakaling magising ang mga iyon.”

“What?! Ngayon pa tayo titigil eh ang layo na natin?” Angal ni Lance sa kanya. “Baka kung mapano ka na din dahil madami na rin nawalang dugo sa'yo. Worst is baka mamatay ka!”

Masama tiningnan ni Zia ang binata sa sinabi nito. Sure, naappreciate niya ang concern nito sa kanya pero hindi na talaga niya kaya kung magpapatuloy pa sila sa paglalakad ay baka mamatay siya sa wala sa oras! Pagod na pagod na siya at nilalagnat.

“Sandali lang naman. Napapagod na ako.”

Tiningnan siya nito ng mataman tas nagpakawala ng marahas na hininga. “Okay. Sandali lang, ikaw din naman ang nagplano nito eh.”

“Bakit gusto mo bang hindi makatakas?”

“Gusto. Pero kung hindi lang nila pinlano na patayin ka ay baka magpaubaya na lang ako sa gusto nila na makuha ang ang gusto nila, tsaka marami naman pera ang magulang ko sa dami niyon wala na nga silang oras sa akin eh.”

Oh so may mapait pala rin itong nakaraan. Pipikit na sana ako subalit naramdaman ko na tinapik-tapik ni Lance iyong pisngi ko. “Aish. Nilalagnat ka oh! Tara na nga!” Nag-squat ito patalikod sa kanya at pinapat iyong likod. “Ikakarga na kita para mapabilis tayo, who knows baka bumalik pa iyong dalawang kasama nila at hanapin tayo, baka papatayin na tayo niyon. Ayoko pang mamatay 'no.”

Hindi na lang umangal si Zia sa binata dahil kahit siya ay hindi pa siya handang mamatay, kailangan pa niyang hanapin ang may sala sa gumawa niyon sa kaibigan niya.

Kahit pano ay may mabuti rin palang budhi itong si Lance, akala niya makasarili lang 'to at kung ano pa.

Kanina pa sila pasikot-sikot dito hanggang sa may narinig silang dalawa na parang ingay at nung lumingon siya sa isang bahagi ay parang may naaninag siyang ilaw! “Oi, may ilaw doon oh! Pumunta tayo doon!”

“Tsk, Hinaan mo nga boses mo, masisira ang eardrum ko dahil sa'yo eh.”

Hindi na lang niya ito pinatulan dahil mas importante na makarating sila doon. At nung nandon na sila sa direksiyon ng ilaw ay nagmumula sa isang poste at sa harap nila ay road. Nalagpasan na sila nung sasakyan kanina, awww!

“Maghintay na lang tayo dito baka may sasakyan pang dumaan.”

“Ano? Maki-hitch tayo?” Umangal na naman 'to. Letse, wala siyang energy na makipagrisbak dito eh! “Ah nga pala, matagal ko na gustong alamin 'to sa'yo kaya tapatin mo ako. Why do you know all this stuff? Para bang ang kaharap ko ay may experience sa mga ganito.”

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon