Secret 18: Revelation

20.1K 303 29
                                    

DONE EDIT. (2/22/14)

Chapter 18

Revelation

“Sino ba si Anti?”

“Bakit interesado kang malaman??”

“Wala lang. Kasi naman Ice Phoenix is a well-known gangster here in the city and this is the first time marinig na marinig na may Anti pala, para palang artista si Ice tas may Anti-fan.”

Nagduda na tiningnan siya nito, pinagdikit niya ang hintuturo sa labi niya. Lihim na nasiyahan siya sa reaksyon nito dahil napatitig kasi ito sa labi niya at napalunok.

Sige lang, mag-enjoy ka dahil sa susunod ay hindi mo na mararanasan na landian ng isang kagaya ko.... Sa totoo lang ay first time niya na umakting na inaakit ang isang lalaki, sinunod lang niya iyong napanood niyang teleserye kung saan lumalandi iyong bida

“Hindi parin ako kumbinsido na hindi ikaw si Ice Phoenix. Dahil mukhang kumbinsido siya na ikaw talaga si Ice Phoenix.”

“Talaga lang, ha? Then, can you prove it to me that I am her?” Panghahamon niya rito.

“Ah...eh...”

Tumigil siya sa tapat rito at hinawakan ang magkabilang balikat. Inilapit niya ang bibig sa tenga rito, pinagpapawisan na ito. “Wala 'di ba? Tsaka gusto ko lang naman malaman kung sino eh. I promise to you I won’t tell anyone. This will be our little secret.” Kinagat niya ng mahina ang tenga nito. Shit! Ew! Double ew! Nakakadiri!

“Talaga?” Paninigurado nito sa kanya. Humarap ito sa kanya at nginitian niya ito nang kay tamis.

“Yes. PROMISE.” Ha! as if! In fact I would even strangle her neck!

Magsasalita na sana ito pero biglang bumukas ang pinto kaya napalingon silang dalawa sa pinto. Nakita niya na hindi maipinta ang hitsura ng dalawang lalaki na sina Rui at Lance nang makita siya na kay lapit sa nerd na lalaki. Oh hell no! baka kung anong isipin nito sa kanya. Nangungutyang tiningnan siya ni Lance while Rui in the other hand ay seryoso ang hitsura nito.

“What the heck are you two doing here?” Tanong niya sa dalawa.

“Ha! I should be the one who ask you the same question.”

“M-mauna n-na a-ako!” tumakbo iyong nerd na lalaki palabas ng lab. Oh just my luck! Oh well, hindi rin naman siya makakatakas sa akin. Aniya sa isipan.

Naiwan silang tatlo dito sa loob ng lab. “What a wimp. Bagay talaga kayong dalawa—mga nerd.” Naasar na bumaling siya kay Lance.

“Tapos ka na? Umalis ka nga, nakakaistorbo ka eh.”

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon