Secret 28.1: The Pilya Plan!

16.9K 281 36
                                    

Chapter 28

The Pilya Plan!

            “AYOKO! Hindi ako sasama sa kanya! What about school?” 

“Wala kang problema sa skwela dahil kinausap ko na 'yong school niyo dahil kinausap ko na 'yong president ng school sa sitwasyon mo. Mabuti na lang at pumayag sila. Pwede ka naman daw mag-aral through online. Babayaran na lang daw ng extra 'yong mga guro mo.” Paliwanag ng kanyang daddy.

Mukhang determinado na ito. Oh god, no please! Dahil ayaw niyang masolo si Rui baka mahalay niya ito. Pero siyempre joke lang 'yon 'no.

“No! hindi niyo ako mapapayag sa gusto ninyo!”

“Zia! Wag na wag mo sagarin ang pasensiya ko sa'yo! You’re going to their private island and stay there for awhile habang hindi pa na-solve ang problemang ito! And that’s final!”

Napasimangot si Zia nang maalala niya ang usapan nila ng magulang niya. Kakainis! Hindi man lang din siya nito binigyan ng pagkakataon na makapagpaalam sa kaibigan niya. Oo. Matapos nilang mag-usap ay pina-empake niya ako ng kinakailangan na damit.

Asar! Nandito siya sa loob ng private helicopter ng mga Torres.

“Malapit na ba tayo?” yamot na tanong niya kay Rui na katabi lang niya.

“Psh. Pilot ba ako para malaman ko?” Pamilosopo nito sa kanya.

“Hoy! Lalaki, sa inyo 'yong island siguro naman nakapunta ka na doon 'no.”

“Hoy babae, kahit na nakapunta na ako doon at pangatlong beses ko na ito. Hindi ko parin masasabi kung malapit na ba tayo o hindi dahil natutulog lang ako kapag sakay na ako sa helicopter.”

Sa gilid naman ng paningin niya ay kitang-kita niya na lihim na napangiti 'yong ama nito. Yes. Ang pilot nila ay ang ama nito!

Tsk. Ba’t naman napapangiti ito? Baliw na siguro.

 Isang oras din ang nakalipas ay narating na din nila ang kanilang distinasyon. May ilang tao lang ang nag-aantay sa kanila na lumapag na ang helicopter sa baba. At nang bumaba na nga ay namimilog ang mata niya sa ganda ng isla, May warehouse sa hindi kalayuan at malapit lang do’n ang light house, may mga ilang sundalo din. Mangilan-ngilan lang ang cottage na nandito.

Teka, ilang araw sila manatili do’n at kunti lang ang mga tao? Oh em ge! Hindi niya kaya 'yon! Lalo na makakasama niya ang lalaking gusto niya.

“Maliban sa mga sundalo dito ay may mga katulong din kayo dito. Dito namin dinadala ang mga taong delikado ang mga buhay habang iniimbistiga namin kung sino ang salarin. Kagaya mo.” Explain ni Tito Rizo. Yep. Tito ang tawag niya rito dahil nga 'yon ang gusto nito. “Hindi lang naman kayo ang nandito, nandito rin 'yong iba namin kliyente.”

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon