Isa laman itong continuation ng chapter 15 kaya maiksi lang. At since, nag-iwan naman ako ng author's note dito. If you happen to find a typo error or wrong grammar please do point out.
Press play button sa Youtube at makiminig----------------------------->>>>>>>>>>>
*******
DONE EDIT. (2/18/14)
Chapter 15.2
Violin
NANG makarating na sila sa farm ay nilingon ni Rui na natutulog na dalaga. Hindi niya mapigilan na haplusin ang makinis nitong mukha, pero agad din siyang tumigil sa paghaplos sa mukha nito. May kakaibang pumukaw na bagong damdamin para rito, hindi nga lang niya alam kung ano iyon. Ah, baka naawa lang siya rito dahil parati itong binu-bully ng classmate nito. At mas lalong may nagtangka sa buhay nito. Naging malalim ang pag-iisip nito nang sabihin niya rito ang nangyari bago nagwala ang kabayo.
Lumabas siya sa kotse at hinayaan na lang na matulog ang dalaga sa loob. Pumaikot siya sa kotse at binuksan ang compartment at kinuha ang Violin niya doon. Noong bata pa siya ay mahilig na siyang mag-violing subalit mula noong mangyari ang trahidyang iyon ay paminsan-minsan na lang siya nagpatugtog ng violin.
*
Naalimpungatan siya nang naramdaman niyang may kung anong basa na dumampi sa kanyang pisngi. Nang iminult niya ang mata ay nakita niya si Cosia na dinidilian ang pisngi niya. Ngumiti siya rito, pero bago pa niya ito hawakan ay umalis na ito sa dibdib niya at dahil nakabukas ang pinto ng kotse ay tumakbo ito palabas ng kotse.
Nandito na pala sa farm pero bakit hindi man lang ako pinagkaabalahan na gisingin ni Rui. And heck! Bakit hiniyaan ng lokong-lokong iyon na nakabukas ang pinto. What if na may pumasok dito at kung ano ang gawin sa kanya? Oh well, wala naman siguro dahil bago pa nila gawin ang masamang balak nila ay makakatanggap na ito ng flying fist. Ilang oras na kaya kami nakarating dito? Tch.
She stretch out her arms and legs before she hop off the car. Sinalubong naman siya malamyos na tutog ng violin. Sino kaya iyon? Sinundan niya ang tunog na iyon at nakita niya si Rui na nakatayo sa lilim ng malaking puno. Nakapikit ang mata nito habang pinapatugtog ang violin. It was the most wonderful yet saddest music she ever heard. Parang may malamig na kamay na humaplos sa puso niya.
“Kuh. Ang drama naman ng lalaking ito.” Mahinang sabi niya habang pinipilig ang ulo. Babalik na sana siya sa mansion ng tumigil ito at nilingon siya, again, tinitigan siya nito. Wala siyang makitang kislap na naman. Naramdaman niya ang pag-iinit sa magkabilang pisngi at dahil na nahuli siya na nakatingin rito ay kinapalan na lang niya ang kanyang mukha.
“Nandito ka lang pala. Bakit hindi mo isinara ang pinto ng kotse, ha? gusto mo siguro akong mapahamak 'no?” Tanong niya.Hindi siya nito sinagot, asar! “Cat got your tongue? Hello?!” Iwinasiwas niya ang kamay kahit na malayo siya rito.
“Like I said before, I dislike people who are very talkative.”
Kita niyo? Kanina ay willing na magsalita ito pero ngayon ay hindi pwede! “Fine! I won’t try to talk to you anymore. Pasensya na ha? napakadaldal ng taong ito.” She stuck out her tongue at nagmartsang bumalik sa mansion. Mabuti na lang at hindi kalayuan ang mansion kaya nakarating agad siya. Nakasalubong niya si Casey kaya humarang siya sa dinadaanan nito.
“Oh your back.” Sabi nito.
“Sabihin mo nga sa akin diritsahan, Casey, ganyan na ba talaga katindi ang inis mo sa akin para gumawa ng masamang bagay?”
“What the hell are you talking about?” Mukhang wala talaga itong alam. Baka nga hindi ito ang may pakana sa lahat. Tama, there’s only one who could do such dirty things at iyon ay si Anti-Ice Phoenix.
“Ah, wala. Nevermind. Mahirap kasing kausapin ng direstsahan ang isang tao na nagmaangmaangan.”
Umakyat na siya sa taas pero dahil trip niyang maglibot ay naglakad siya sa third floor. Napatigil siya sa paglalakad ng may narinig siyang ingay sa iisang kwarto, bahagya iyon nakabukas kaya nakita niya ang sina Lance at ang kaibigan nito na nagpatugtog ng musika. Hm, mahilig pala sa mga musika ang mga ito? Hindi halata ha.
*
NAPAKAGAT siya sa ibabang labi, bumalik na pala si Zia dito. At heto, nag-aakala siyang matindi ang pagkahulog nito sa kabayo. Sinipa niya ang bato na nasa harap ng paanan niya at gumulong iyon patungo sa tuta na naglalakad. Kung hindi siya nagkakamali ay kay Zia iyon.
Nakangising naglakad siya patungo doon at tinawag ito.
“Come here, you cutie.”
BINABASA MO ANG
Freezia's Biggest Secret! (Revising)
ActionBAWAL PANG BASAHIN DAHIL NI-REVISE KO ITO. THERE ARE SOME PARTS OF THE CHAPTER NA IN-ERASE KO. THANKS! Zia was bullied by her classmate and upperclassmen when she was a sophomore in high school. She was almost died because of them, because of her ha...