Secret 48 i'm Sorry Akira

11.4K 184 15
                                    

“Akira punta tayo sa amusement park sa susunod ha? Oi bumili din tayo ng maraming prutas!”


“Ano ka? Naglilihe?”


“hmm... OO at ikaw ang ama! Kyaaa! Ikaw ang ama? Kyaa!”


Naglalakad na kami palabas ng mall pagkatapos kasi ng nag-simba ay dumiritso kami dito ewan ko lang kung bakit pero yun kasi ang suggestion ni Presea eh mag-sho-shoping daw? Mabuti na nga lang maaga nagbukas ngayon ang mall kung hindi ewan ko lang sakanya.


“Rui, Okay lang ba talaga sa'yo na sumama sa amin? Baka naman may gagawin ka.” Tiningnan ko siya.


“Nah. Wala naman akong ginagawa eh. Tsaka wala naman akong gagawin eh kaya nga pumayag ako na sumama dito eh.....”


“Freezia doon muna kami ni Akira ha?” Tinuro niya ang isang kababago lang pagbukas na department.

“Sige.”


“What?! ayoko!” Protesra ni Akira.


 “Saan mo gustong pumunta?” Tanong ni Rui sa akin ng kami na lang ang nandito.


“Hmm... may gusto sana ako pupuntahan kaso baka hindi pa sila bukas eh ikaw? Meron?”


 “Okay lang sayo?”


“Oo naman!” I smile.


Natigilan muna ito bago kumilos.


“Halika.” Hinigit niya yung kamay ko at hinila palabas ng mall at pumunta sa malapit na Musical Instrument Shop na nadaanan namin kanina... mahilig nga pala siya sa musika. Mahusay siya sa pagtugtog ng violin. Pumasok nga kami malaking shop yun at maraming tao sa loob para tumingin tingin o kundi ay bumili.


“Anong ginagawa natin dito?”


"I am planning to buy a string for my violin.”


“Himala at bumisita ka dito Rui.” Isang lalaki na nasa late twenties ang lumapit sa amin. “at nagdala ka pa ng nobya mo! seryoso na ito pre? Hehehe.”


Hindi ko siya nobyo 'no. iyon sana ang sasabihin ko pero inunahan na ako ni Rui.


“She’s not my girlfriend yet.”


“Hmm... hindi mo pa girlfriend? Miss sa ganitong kagwapong lalaki...” turo niya kay Rui. “Kung ako pa sa'yo wag mo ng pakakawalan ang gaya nito. MAYAMAN IYAN hehehe hindi mo na kailangan magpakahirap na magtrabaho ah ako nga pala si Ethan pinsan niya.”


“Tumigil ka na nga Ethan.” Sinuntok niya ito ng mahina.


“Hindi halata na mag-pinsan kayo.”


“Mahiyain lang kasi itong pinsan ko. Pero di mo naman siya type eh di ako na lang ^___^”

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon