Secret 28.2: A PECK

3.6K 67 4
                                    

Contination...

           

“TSK!”

“kya!” Napatili siya pero agad na tinakpan ng kamay ang bibig ng makita niya kung sino ito.Nakita niya si Rui na hindi maipinta ang mukha, may bahid parin sa mukha nito 'yong drawing niya kanina. “Pakshet! Ikaw lang pala 'yan! Huwag mo nga akong takotin at teka di ba dapat nasa banyo ka?!”

“May nakalimutan akong kunin, ba’t ba tili ka ng tili?” Balik tanong nito. Biglang may sinulyap ito ng kung ano kaya sinundan niya ang tingin nito na nasa likod niya pero wala naman.

“Eh sino bang hindi titili eh biglang gumalay 'yong pintuan!” Namumula ang muka niya. “Hindi naman mahangin sa loob, and heck! Sirado lahat ng bentana!”

“….” Heto na naman ang pagiging tahimik nito. “Matatakotin ka rin pala sa mga multo, tsk, mas dapat mong takotan ay 'yong mga taong buhay kesa sa mga multo. Ang mga multo nagparamdam lang at hindi ka inaano pero ang mga buhay na tao na kagaya natin meron.”

Tiningnan niya ito na parang nagsasabi are-you-for-real?!  Look.

“Wala akong pakialam. Pareho lang sila. Tsk, ayoko na ngang mag-movie marathon! Matutulog na ako! good night!”

Nag-martsang bumalik siya sa kanyang sariling kwarto.

*

            SHE STRETCH OUT her arms and legs before she hop off the bed. Sinulyapan niya ang alarm clock, it was already 7:36 in the morning. Ang totoo niyan ay inaantok parin siya pero dahil nga naalimpungatan siya sa ingay sa labas, hindi dahil sa hampas ng alon ng dagat kundi hagikgik ng isang babae kaya naalimpungatan siya kanina.

Hindi siya 'yong tipo na kapag nagising na ay matutulog uli.

Lumipat siya sa bentana at binuksan niya 'yon. Sinalubong siya ng sinag ng araw kaya isinangga niya ang braso sa mukha at hinanap kung sino man hinayupak na babae na nang-istorbo sa tulog niya. Pakshet lang dahil ay kulang na kulang parin ang tulog niya dahil sa napanood niyang paranormal 1.

“Oi! Ngumiti ka naman Rui! Alam mo tatanda ka niyan hehehe! Ang gwapo mo talaga!”

Biglang napasimangot ng makita niya ang isang petite na babae na nakasuot ng summer dress at straw hat.

Teka, akala ba niya ay para sa mga kagya niya lang ang pwedeng manatili dito para sa protection? Ba’t may isang madaldal na babae na lapit ng lapit kay Rui? Kaasar naman!

Daling-dali na dumeretso siya sa banyo at ginawa ang daily ritual niya araw-araw at pagkatapos niyon nagpalit ng damit. Sinulyapan niya ang sarili sa harap ng salamin. Natigilan siya sa kanyang ginagawa.

Tsk. Bakit ba kailangan pa niyang maging maganda sa harap nito?

Sure, gusto niya ito pero…ah basta! Lumabas na lang siya sa banyo at kinuha 'yong salamin at sinuot. Bahala na nga, hindi naman siya magugustuhan ni Rui dahil ganito ang ayos at ugali niya. Hindi siya kagaya no’ng kasama nito na mukhang masayahin at madaldal.

At kahit na malayo ito ay sigurado niya na cute ang babae na kasama ni Rui.

Pumunta siya sa sala at nakita niya si Manang Theresa. “Gising na po pala kayo. Nakahand na 'yong almusal mo.”

“Ah okay po. Salamat. Ah nga po pala, sino po ba 'yong kasama ni Rui sa labas? Ahm… mag-kasing edad ko lang po ata 'yong petite.”

Nakunot ang noo nito. “Isa lang babae na gano’n description. Si Ann, kagaya mo din siya, delikado din ang buhay niya kaya dinala siya rito. Hindi ko alam ang buong detalye tungkol sa kaso niya pero tatlong buwan na siya rito.”

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon