DONE EDIT. (3/8/14)
a/n: if you still find a typo error, wrong grammar please let me know so that i could edit it. Thank you!
Chapter 22
Supermarket
ILANG araw na naka-confine sa hospital si Zia, ay sa wakas ay nakaalis na din siya sa hospital iyon nga lang ay hindi pa niya malaya na maigalaw iyong kanyang binti dahil hindi pa naghilom iyong sugat niya. Kailangan pa niya gumamit ng sungkod.
Ang weird din dahil n’ong mga ilang araw na nakalipas ay may isang magandang matandang babae na bumisita sa kanya, ewan pero weird nito. Nagpakilala siyang samantha at kaibigan daw nito ang magulang niya. Hm. Ewan. Isinagawa na din nila ang plano na dukutin si Joseph para maghiganti rito. Two days. And she’ll have her revenge for all what they did to her.
Nandito siya ngayon sa terrace nang kwarto niya at nagbabasa na lamang ng english stories. Pinagbawalan muna siya ngayon na pumasok sa klase dahil sa condition niya, pero kung gugustuhin niya ay mas gusto niya na pumasok kesa manatili dito sa kwarto. It was the most boring thing in her life!
Napatigil siya sa pagbabasa nang may narinig siyang bumusinang kotse sa harap nang bahay nila, pinagbuksan naman nang maid niya iyong gate tas pinapasok.
Sino kaya iyon?
Nasagot din naman ang tanong niya sa isipan nang lumabas doon ang tatlong tao sa loob ng kotse, ang dalawa ay mukhang mag-asawa na nasa forties and guess who’s with them? Si Rui! Oh yeah. Naalala niya noong sinabi nang kapatid niya na dahil sa tulong ni Rui ay natunton ng mga pulis iyong mga kidnapper. Nalaman din niya na ito rin pala ang susunod na biktimahin ng kidnapper.
Bigla na naman siya nginangatngat ng inis kasi naman, sino ba naman hindi? Dahil napatumba agad nito iyong kidnapper eh siya noon? Hindi dahil nga sa chloroform na naamoy niya.
Nakita niyang sinalubong iyong tatlo nang magulang niya.
“Zia!!!”
Biglang tumingala ang magulang niya at sinenyasan siyang bumaba.
N’ong nasa loob na silang lahat at siya naman ay nakaupo na sa sofa ay tumango lang siya sa pagbati nang mga Torres. Nalaman kasi niya na magulang ito ni Rui. Gawd. Hindi halata na mga japanese mafia ang mga ito! Saad nang maliit na boses sa isipan niya.
Paano ba naging kaibigan ng magulang niya ang mga 'to? Kuh.
Malaanghel kasi iyong hitsura nang ina ni Rui at iyong ama naman niya ay maamo ang mukha.
“Zia, hindi mo siguro sila naalala dahil apat na taon gulang ka palang noon. Si Rizo at Agatha.” Tukoy ni dad sa mag-asawa. “At ito naman si Rui, ang anak nila. Nakilala mo na rin siya noon pero kagaya nang sinabi ko you are to young to remember them.”
BINABASA MO ANG
Freezia's Biggest Secret! (Revising)
AksiBAWAL PANG BASAHIN DAHIL NI-REVISE KO ITO. THERE ARE SOME PARTS OF THE CHAPTER NA IN-ERASE KO. THANKS! Zia was bullied by her classmate and upperclassmen when she was a sophomore in high school. She was almost died because of them, because of her ha...