Secret 56 The new headmaster and the former member!

9.5K 158 25
                                    

-____- Kaya pala hindi ko siya makita dahil nasa rooftop siya at kasama ang isang magandang babae. Sino kaya yun? hindi na ako nagtagal doon sa rooftop at nakikisilip sa mga nangyari. Huminga ako ng malalim. Nakakabigat ng loob naman hinahanap ka na nga para humingi ng sorry pero nandon pala siya sa isang babae.

Pumunta ako sa basketball court. Wala naman gumagamit doon pwede siguro ako maglarong basketball na mag-isa.  Kumuha ako ng bola sa PE office nandon kasi ang mga equipment para sa PE tas hindi ako humingi ng permiso para makagamit. Dapat kasi humingi ka ng permiso tas ibigay mo yung ID mo ganun kasi ang patakaran dito sa school. Nakakainis nga eh. Nang makabalik naman ako ay imbes na e-shoot ko yung sa ring ay tinitigan ko lang yun. Tinitigan ko iyon ng ilang minuto tapos muntik ko ng maimudmod yung mukha ko sa bola dahil may tumama ng malakas sa akin likod. Naiinis na lumingon ako. Shit! Si Cody pala.

“Hindi ka welcome dito. Umalis ka.”

Pesteng lalaki talaga ito.

“Pakialam ko kung hindi ako welcome dito. tsk! Loser!” Tinapon ko yung bola sa mukha niya tas umalis na.

“What the ****?!?! HOY! BUMALIK KA DITO!”

-_- “Oh sure! Babalik ako teka lang ha?” Lumapit ako sa kanya tapos sinuntok ko yung pisngi niya. Kaya hayun tumba siya. Hinawakan niya ang pisngi na nasaktan.

“You just hit me?! Nakakarami ka na ah!”

I smirk. “OO AT HINDI PA IYAN ANG MATITIKMAN MO! KUNG GUSTO MO TUMAKBO KA SA MAMA MO AT UMIYAK DAHIL SINUNTOK KA NG ISANG BABAE! LOSER!”

Iniwan ko na siya doon.  Makabili nga ng news paper sa labas. Walang wala ako ngayon. Wala akong allowance tapos naubos ko na yung natitirang allowance ko last month. Naku naman oh! for the first time wala akong pera. Sinulyapan ko yung sa taas.

Tapos na kaya sila?” Tanong ko sa sarili. Argh! Ipukpok ko kaya itong ulo ko?

“Nakakaisa ka na talaga sa akin babae ka!”

Aba! Sumunod ba ang hinayupak na ito?

“Kapag hindi ka pa tumigil ay baka makatikim ka uli ng suntok!”

Hindi pa rin siya tumigil sa kakasunod sa akin.

“Mainit siguro ang ulo mo dahil suspended ka ano? Tsk! Bagay lang iyan sa'yo may patago-tago ka pa sa iyong identity.”

Wala ng masabi siguro ito kaya iyan ang pinagsasabi. Huwag niyo na lang pansinin.

I glare at him. “Hindi ba dapat ay naghigante ka na dahil sa ginawa ko sayo, loser?”

“huwag kang mag-alala dahil gagawin ko iyon kahit anong oras! Maghintay ka lang!” Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumunog yung phone niya at sinagot naman niya. “Hello? Ngayon na? okay okay!” Pagkatapos niyang e-off yun ay tumingin na siya sa akin. “Hindi pa tayo tapos. Meron ka pa ring kasalanan sa akin.”

Pag-alis naman niya ay naglakad na ako at pumunta sa locker para kunin ang bag ko. nagtaka din ako dahil nakabukas ng kunti yung locker ko may nagbukas ba doon? Tsk!

Chineck ko yung wallet.

 -____- badtrip talaga ngayon. Kunti na lang ang pera ko sakto lang na pamasahe. Hindi ko din magamit yung kotse dahil kinuha na ni papa yun.

Mas lalo atang bumigat yung naramdaman ko. Siguro dahil hindi talaga ako nakahingi ng sorry sakanya at si papa din hindi din ako pinapansin. Oh sige na kasalanan ko na lahat nangyayari sa akin ngayon ay kasalanan ko na. Makapunta nga sa kung saan nagtatrabaho si daniel. Sa pagkakaalam ko hindi pa rin alam ng magulang niya ang nangyari mabuti na yun.

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon