DONE EDIT. (2/8/14)
Chapter Six
Club 32
“BRO! kamusta ka na? buhay ka pa ba??” Tanong ni Akira kay Clark na nakaratay lang sa kama. Lahat kami ay nasa silid ni Clark. Tch. Okay na siya pero hindi pa siya pwedeng lumabas dito sa ospital. Lima lang kami na bumisita kay Clark, sina Neiji at si Joanaliza kasi ay hindi makakapunta dahil may klase ang mga ito ngayon, habang si Daniel naman ay may part time job. Umalis muna ang magulang nito para bigyan sila ng oras para mag-usap sa anak nito.
“Tumahimik ka nga, Akira Fujiwara! Anong pinagsasabi mo ha? Gusto mo na ba matuluyan si Clark ko?” Nakapamaywang na sita ni Mhikaila.
“Yours? Hindi naman bagay si Clark para angkinin mo tsaka hindi pa nga kayo kasal, di ba bossing?” Baling nito sa kanya. Nagkibit balikat na lang siya, ayaw niyang pumanig kahit sino sa kanilang dalawa.
“Wag niyo akong isali sa kalokohan mo, Akira.”
“Nga pala boss, Anong oras po ba tayo pupunta sa Club 32?”Tanong ni sunny sa kanya. Tinutukoy nito ang paboritong bar ng mga Demon Gang. Sinipat niya ang kanyang relo. It was already six-twenty three in the evening. Tumango siya bilang sagot sa tanong nito.
“Hmm… tara na tsaka tapos na ang visitor hours. Dinala na ba ninyo ang damit na isusuot niyo?”
“Yep.” Sabay panilang lahat.
“Ano naman ang gagawin niyo sa club 32?” nagtatakang tanong ni Clark.
Sinuksok muna niya ang kamay sa bulsa bago niya sinagot ang tanong ni Clark. “Tatambay lang.” kung sasabihin kasi niya ang totoo ay baka mainis ito sa kanya. Ma-pride kasi ito, kung gusto nito maghigante ay gagawin nito mag-isa iyon.
“Sa club talaga?” Isang beses lang kasi sila pumupunta sa Club kaya nagtaka si Clark kung bakit naisipan ng leader nila na pumunta ito doon.
Narinig ni Zia kumatok sa labas at bumukas iyon. “Tapos na ang visiting hours.” Imporma ng Nurse sa kanila, bahagya lang siyang tumango dito at naunang lumabas sa silid.
LATER
“Eck. May Costume party ba dito??”
“Ah! Ang Blizzard Gang!”
“Waah! Takbo!”
“Anong ginagawa nila dito?”
Lihim na napangiti si Zia sa mga reaksyon na nakukuha nila sa mga tao. Nakatayo lang silang lima sa harap ng Entrance ng club, ang ibang mga tao na nakakilala sa kanila ay hindi na tumangkang pumasok at ang iba naman ay nagkibit balikat lang at pumasok na. Humarap ang dalawang bouncer sa kanila na nakapameywang.
BINABASA MO ANG
Freezia's Biggest Secret! (Revising)
ActionBAWAL PANG BASAHIN DAHIL NI-REVISE KO ITO. THERE ARE SOME PARTS OF THE CHAPTER NA IN-ERASE KO. THANKS! Zia was bullied by her classmate and upperclassmen when she was a sophomore in high school. She was almost died because of them, because of her ha...