Secret 55 Final Approach

9.2K 133 21
                                    

Simula ng malaman yun ng mga tao doon sa Royal Academy ay wala ng nagtangkang kumausap o tumingin man lang sa akin. Hindi na nakapagtaka ano kung ikaw kaya ang kilalang ganster tapos pumapasok pa dito? at si Steffani naman? -_- kahit wala naman akong ginagawa ay tumigil na lang din dahil sa lalaking nagngangalan MARLON. Yep. He sure know how to handle her.

Mag-isa lang. May pasok naman sila Mhikaila at Clark ngayon at si Akira err... hindi ko na gaano nakakausap yun. Ang iba naman ay nasa ibang paaralan. Nilabas ko yung band aid sa bulsa ko at dinikit yung sa sugat ko sa pisngi.

=_= Dahil din sa pangyayaring iyon din ay nalaman ng papa ko. malaking galit at sermon niya two days ago dahil doon. GROUNDED daw ako, hindi ako pwede na magpagabi and the worst ay bodyguard!!!!!! At nandon lang sila sa di kalayuan ko.

“ANG LALIM NG INIISIP NI LITTLE SISTER AH. MAS LALO KA ATANG NAGING MUKHANG BATA DAHIL SA BUHOK MO.”

Hinawakan ko yung buhok ko. Mukhang mas bumata ako dahil maikli yung hair ko. gusto niyo malaman kung bakit? Oh sige para malaman ninyo  replay ko.

FLASHBACK

Malapit na kami sa labas ng sumunod si Steffani sa amin.

“HOY! HINDI PA TAYO TAPOS!”

Napakamot ako sa buhok. Shet talagang babaeng ito ang kulit at napaka-persistent!! Tumigil ako tapos hinarap siya. Hindi ko nga din alam kung bakit ang laki ng galit niya sa akin.  =_= Oh meron ba? as in talaga wala akong matandaan. Ilang chapters na ba ito? at wala pang nakasagot sa akin?

>.> At anong nangyari sa kasama niya at si Cody? Ay ewan. I don’t care.

Bigla na lang niya ako sinugod pinigilan ko naman siya. Pinagsiklop namin yunh kamay at nagpupumilit niya ako na matumba. Ano ito sumo wrestling -_- please lang hindi ako wrestler para ganun 'no.

“Oi! Laban o! GO!! BOSS!!!!!” 

Ang ginawa ni Steffani ay bigla niya ako sinipa sa tiyan kaya naman napaatras at nagkabitiw kami.

Dahil sa ginawa namin ay maraming tao nagkukumpulan at nakatingin sa direksiyon namin.Meron din naman mga studyante na nagsitkbuhan papunta dito para lang makakita. -_- at sinisigaw naman ng iba ay FIGHT!

O_O grabe naman! First time? First time na makakita ng away?! Toinkz!

“Hindi talaga kita mapapatawad!”

Dapat nga akong magsabi niyon pero parang pinapalabas niya na may atraso ako.

“Ano ba ang problema mo talaga ha?! Nakakairita ka na ha!”

“Anong problema ko?!” Sabay sipa pinigilan ko naman yung paa niya then I push it away from me kaya naman natumba siya. “ha! Oh sige sasabihin ko na sa'yo! Naalala mo ba si Black Angel.”

AUTHOR’s NOTE: Makikisinit na lang me. ^_^v fan niyo ako para mabasa ninyo ang special chapter na naka-private.

Parang narinig ko na yun ah. Saan ko ba yun narinig.

“Tingnan mo?! hindi mo nga matandaan eh!”

“Hindi ko na kasi pinag-aaksayang tandaan ang mga mahihinang tao.” >.> Hindi ko talaga maalala eh.

Binigyan ko siya ng upper kick pero nakaiwas siya. Binigyan ko siya ng mabilis na suntok kaya tinamaan ko ang pisngi niya pero nahablot ata niya yung ID ko.  Umatras siya ng kunti. Importante din yun    'no pano ako makakapasok dito sa school kapag wala iyon?

“Ayoko talaga sa lugar na maraming tao. Kung gusto mo makuha ito eh di habulin mo ako.” Biglang siyang tumakbo. What the—

Hinabol ko siya. Hindi ko na pinakinggan silang lahat.

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon