DONE. (1/26/14)
Chapter 20
Video
ZIA woke up when she felt a cold water splash through her body, napabalikwas siya.
“GISING! PARA KAYONG MANTIKA KUNG MATULOG!” Singhal sa kanya ng lalaki, madalim ang lugar, at nakaramdam ng kaba si Zia, ayaw niya ng madilim na lugar! Nang tangkain niyang gumalaw ay walang silbi dahil nakaposas ang kamay niya! May narinig din siyang Splash at may malakas na boses na sumigaw.
“WHAT THE—NASAN AKO?!” boses iyon ni Lance, at bigla na lang niyang naramdaman na nahila siya nito pataas. Wait! Don’t tell me na dobleng nakaposas siya! Ang isang posas ay nakakonekta kay Lance!
At nung lumiwanag na ang paligid ay namilog ang mata niya nang nakatutok sa mukha niya ang baril!
“Isang maling galaw lang, Mr. Thompson, baka sabog 'tong mukha ng girlfriend mo.” Banta ng mukhang gorilla
Naku naman! Bakit naman niya na sabi na girlfriend niya ako? tch.
Sinunod naman ni Lance iyong utos ng mukhang gorilla.
“Ano ba ang kailangan ninyo sa amin? Pambihira naman oh! Kidnapping ito eh! Wala akong pera na maiibigay sa'yo!”
“Hahaha! Nagpapatawa ka ba, miss? Kahit na ganyan ang hitsura mo ay alam namin na mayaman ka. Anak ka ng nagmamay-ari ng isang sikat na 5 star hotel dito sa pinas!”
“Waeh di nga? Sa mukha kong ito mayaman?” Kaila niya.
“Hoy! Hindi ba sinabi mo kanina na mayaman ka?” Napalingon sa kanya si Lance, na walang utak! Bobo!
“Oh great! Oh joy! What a brainless! Kill this brainless man, now!” Ha! akala ninyo sasabihin niyang gusto niyang magpakamatay? Never! May balak pa siyang maghiganti 'no! Kung makipag-cooperate ang lalaking ito sa kanya, ay baka may 30% na tsansang makatakas sila rito, lalo na kasi nakaposas silang dalawa!
“Tumahimik ka, babae! Dahil kung ayaw mo ikaw ang papatayin ko! Kung sabagay okay na din iyon dahil isa din naman iyon sa utos ng boss namin!”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Ha! may malaking atraso sa'yo ang boss namin! Gusto niya na mawala ka sa mundong ito! Pero bago iyon pagkikitaan ka muna namin!”
So, si Lance lang pala ang bubuhayin rito, hindi siya kasama! Hindi siya makakapayag na mamatay siya sa kamay sa gorilla na ito. May pumasok sa loob ng kwarto, may hawak na cellphone. “Hello, sir! Kung gusto mo pa makita itong anak mong buhay, maghanda ka na ng sampung million! Ha?! hindi ka naniniwala? Oh siya sige, para maniwala ka na nandito ang anak mo ay ipaparinig ko sa'yo ang boses niya.” Sinulyapan siya na mukhang hipon lalaki, tas lumapit sa kanya at tinapat ang cellphone sa akin. “Salita ka na, miss. Para makumbinsi sila na nandito ka.”
BINABASA MO ANG
Freezia's Biggest Secret! (Revising)
ActionBAWAL PANG BASAHIN DAHIL NI-REVISE KO ITO. THERE ARE SOME PARTS OF THE CHAPTER NA IN-ERASE KO. THANKS! Zia was bullied by her classmate and upperclassmen when she was a sophomore in high school. She was almost died because of them, because of her ha...