Lizzy Lopez Pov.."Hoy, panget bilisan mo nga!! First day ng school malate na agad tayo! "
"Oo na teka lang hindi pa nga ako tapos mag-ayos. "
Binilisan ko na ang pagsuklay ng buhok ko. Masyado kasing excited itong magaling kong kapatid..
"Tsk.. Huwag ka na magpaganda dahil ang panget-panget mo tsaka hindi ka magugustuhan ng Dexter na iyon!! "
"Hmm.. FYI.. Past is past.. Nakamove-on na ako sa lalaking iyon. May new crush na ako.. Hihi"
"Grabe ang landi-landi mo talaga! Bilisan mo dyan malalate na talaga tayo! "
Tsk, seriously? Sinabihan ako ng magaling kong kapatid na malandi?! —_— Grabe siya sa'kin huhu..
Medyo nakasimangot pa ako sumakay sa motor niya.. Gosh! mukha na naman akong haggard pagdating ko sa school dahil sa bilis niya magpatakbo ng motor kung pwede lang magcommute kaso hindi eh..
Wala akong pera.
Pagkadating palang namin sa school.. Grabe madaming stuyande, kung sabagay halos lahat naman puro grade 7..
"Hay nasan na kaya siya?"
Lumilinga-linga ako sa paligid habang papasok palang ako sa gate..
"pssst, Lizzy? "
Napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko. Napangiti naman ako ng makita ko si Sarah.. " Oh, Sarah what's up? "
''Haha, okey lang ikaw?.. "
"Same hehe.. "
Nagtawanan lang kami ni Sarah sa isa't-isa. Pagpasok palang namin sa gate nakaramdam akong kahihiyan dahil alam kong nasa gilid lang siya.
Huminga ako ng malalim para kahit papaano mawala ang kahihiyan na nararamdaman ko.. Sa lahat naman kasi makikita bakit siya pa? Ehh past is past nga di ba? Pero bakit ganito parin ang nararamdam ko??
" Hayy nako ang gulo naman!! "
"Huy? Okey ka lang? "
"Huh? "
Hindi ko napigilan mapakamot sa batok ko at pasimpleng ngumiti.. "May problema ka ba Lizzy? "
"ha-ha-ha w-wala.. "
"okey.. "
Maya-maya lang nakita namin sila na nakaupo sa tambayan..
"Hoy Lizzy bakit ang tagal mo? "
"Na-late kasi ang gising ko kaya hayun tanghali na ako nagising.. Muntik pa nga ako iwan ng magaling kong kapatid."
"Grabe ang bilis talaga lumipas ang araw tignan mo grade 10 na tayo pero hindi naman tayo mag-classmate.. "
Napatungo nalang ako sa sinabi ni Judy. Sabagay ang bilis talaga lumipas ang araw.. Parang kahapon lang vacation pero ngayon pasukan na.. Hayy, real-life talaga..
"Oo nga pala so kami lang nila Lizzy at sarah ang mag-classmate.. Eh kayo Judy nila Rea sa kabila.. "
"Yah.. Balita ko magkahiwalay na yung room ng grade 10 and guess what? Nilipat na nila sa baba na hindi na sa second floor .."
Napasimangot ako ng marinig ko yung sinabi ni Rea. Sobra naman yata? Gusto ko pa naman sa second floor, bakit ang unfair nama yata nila?
Hindi na ako nakisali sa usapan nila dahil siguro wala ako sa mood? Ay basta tinatamad lang ako makipag-daldalan sa kanila..
Maya-maya naisipan namin pumunta sa bulletin board.. Sa year na ito , ang daming nagtransfer.. Kasama na duon yung girlfriend ni Ex crush or should i say ni Dexter.. Sa totoo lang buong bakasyon hindi ko na siya masyado naisip dahil meron naman si New crush hihi.. Kilig much..
"Hoy Lemuel ano section mo? "
"Wisdom ,Boy "
Natigilan ako ng marinig ko ang boses na iyon. Kilala ko ang boses na iyon.. Alam kong hindi ako nagkakamali, Bose iyon ni Lemuel ..
"Ikaw Boy? "
Halos bumilis ang tibok ng puso ko ng makumpirma kong boses iyon ni Lemuel at hindi ko mapigilan maging bihasa.. Gosh, anong gagawin ko?
Napalunok ako ng maraming beses nang maramdaman kong may pumunta sa likod ko. Napansin kong pinagpapawisan na ako.. Baliw na yata ako?
" Ay sayang sa Peace ka pala? So hindi pala tayo magkaklase? "
Napapikit ako ng mariin ng nasa likod ko na talaga siya.. Ano ba Lizzy umayos ka nga ! Huwag mo naman ipahalata sa kanya na gusto mo siya dahil baka maulit na naman yung nangyari dati..
Pagmulat ko, laking gulat ko ng makitang nakatingin na sila sa'kin lahat..
"Don't worry Lizzy umalis na siya.. "
Napayuko nalang ako ng marinig kong sinabi iyon ni Judy .. Medyo nakahinga na ako ng maluwag..
Grabe.. over na over na talaga itong nararamdaman ko.. Abnormal na yata?
"Lizzy ang pula ng pisngi mo!!"
Napalaki ang mata ko ng sabihin iyon ni Sarah.. Napahawak nalang ako sa pisngi ko.. Putek ang init-init ng pisngi ko..
"Nako Lizzy ! Obvious talaga dyan sa mukha kapag kinikilig o napapahiya.. Ang hirap itago."
I chuckled.. Maya-maya lang narinig namin nagbell kaya nagsipuntahan na kami sa mga pwesto namin.. Habang papunta kami sa field nakita ko yung girlfriend ni Lemuel .. Yah.. May girlfriend si Lemuel dahil nung panahon na nagustuhan ko siya may girlfriend na siya kaya I accept the reality na may girlfriend na siya at kung nagtatanong naman kayo about kay Dexter .. Tsk sinasabi ko sa'yo sa kanya ako na sobrang nasaktan dahil ng naging crush ko siya wala pa siyang girlfriend kaya akala ko na...
"Lizzy umayos ka nga kanina ka pa ganyan! Ang lalim ng inisip mo.. "
Hindi ko nalang pinansin yung sinabi ni laarni at naki-line nalang sa section namin.. Maya-maya lang pumunta si Lemuel sa stage para ayusin yung Speaker para sa flag ceremony namin..
Naramdaman ko na naman ang abnormal na feeling ng nagtama ang mata namin.. Napalunok nalang ako at ako na mismo ang umiwas sa tinginan namin dahil alam ko naman na hindi ako ang tinitigan siya.. Ayoko ng umasa..
Huminga ako ng malalim para mawala ang pag-abnormal ng pagtibok ng puso ko,pero sana..
Sana hindi ito lumala....
********
Hello guys.. Iniexpect ko na yung mga readers ng SDTCP ay nandito.. Hihi pero ayoko magassume pero ang tanong nandito nga ba kayo?
BINABASA MO ANG
Si Ex Crush At Si New Crush
Teen FictionSino nga ba pipiliin ni Lizzy sa dalawang lalaki na ideal type niya? Si Ex crush or Si new Crush? She will be happy until the end? Or she has to let go and live peacefully. May mabubuo kayang lovestory?