Lizzy Pov.
Dahan-dahan ko iminulat ang aking mata. Napangiti ako ng makita ko si Haring araw na unti-unti ng lumalabas..
"Hayyyys..Good morning to the world! Today is my Day!! Happy birthday to me!!"masiglang sambit ko sa sarili ko.
"Hoy panget bumangon ka na dyan!!"
Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang boses ng magaling kong kapatid. Napangisi nalang ako ng nakasandal siya sa pintuan ng kwarto ko at tahimik na nakikipag-date sa cellphone niya.. "Kahit kailan talaga panira ka ng araw ko! Kahit ngayon lang lubayan mo muna ako.."
"Okey..."bored niyang sambit tsaka ako inirapan. Literal akong napanganga. Grabe hindi niya man lang ako binati.. Ang bad niya talaga.. Huhuhu! T^T
Napailing nalang ako at walang akong nagawa kundi ang bumangon at ginawa na lamang ang morning rounting ko. Mabilis din ako natapos at pumunta sa kitchen para makakain na. Napalaki ang mata ko ng may nakita ako itlog.. Yum-yum.. Hihi .
"Ano tinutunganga mo diyan! Kumain ka nga kapag ako nainis iiwan kita.. "
Sinamaan ko ng tingin ang magaling kong kapatid. Bakit ba ganyan ang inaasta niya sa'kin? Eh mas matanda pa naman ako sakanya ah? Feeling ko tuloy ako nagmumukhang bata kaysa sakanya ..---_---
"Ang harsh mo talaga sa'kin! Alam mo naman na birthday ng ate mo ngayon! Kahit ngayon lang sana maging behave ka sa'kin!?"
"I don't care! Wala akong pakialam sa nararamdaman mo."sarkastikong sambit niya bago siya lumabas ng kusina. Tignan mo yun ang bad- bad niya talaga sa'kin nakakasakit sa atay! Whaaaaaa...
"Nako-nako Lizzy tama na yan kadramahan mo.. Kumilos ka na baka malate kayo ng kapatid mo!"
"Lola naman eh!? Pati ba naman kayo!?"pagmamaktol ko. Grabe napapansin ko inaapi na nila ako ah? Huhu mama umuwi ka nga dito!? Kanina pa ako inaapi nila Lola at ni Ading.(ading which means tawag ng mga taong mas nakakabata sakanila. Ilocano word)
"Hay nako ! Ikaw talaga bata ka... Sya sige kumain ka na! Magandang kaarawan apo!!"
"Whaaa.. Thank you Lola .. Love you na po!"sambit ko tsaka ko siya niyakap ng mahigpit."Hay ikaw talaga bata ka .. Tama na yan kumain ka na!"
Napangiti nalang ako kay Lola at kumain na lamang.. Kahit papaano nakaramdam ako ng kasiyahan. Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ko si Mama." Hay kailan kaya ako babatiin ni Mama?"
Napailing nalang ako at binura ko sa isipan ko yung taong miss na miss ko na at matagal ko ng hindi nakikita...
Naaalala kaya niya ang kaarawan ng sariling anak?
*********
"Lintik ka talaga! Balak mo bang magpakamatay? Please lang huwag mo naman ako idamay sa naiisip mo!"sermon ko sakanya ng makababa na ako sa motor niya na mala-kabayo.. Bwisit aatakihin yata ako sa puso dahil sa bilis niya magpatakbo ng motor kanina.. Gosh ,Lord huwag po muna ngayon.. Gusto ko pa umamin kay Crush..
"Ang arte mo pumasok ka na nga !!"
"Edi papasok na .. Grrrgh! Kainis ka talaga kahit kaylan!".
Padabog akong pumasok sa school.. Nakakainit talaga ng dugo! Sakit sa bangs! Birthday na birthday ko, inaapi niya ako.. Pwede ba umiyak?!
"Hoy,Lizzy agang-aga nakabusangot ka! "Sambit ni Laarni pagkasok na pagkapasok ko palang sa room. Pagkaupo-pagkaupo ko palang may binigay na box si Laarni sa'kin kaya hindi ko napigilan ang mapangiti..
"Wow nageffort siya ..."
"Obvious naman, nagtatanong ka pa!!"sarkastikong sambit niya. Napailing nalang ako at tinignan ko ng mabuti ang binigay niyang regalo sa'kin.. Naisip ako sandali..
BINABASA MO ANG
Si Ex Crush At Si New Crush
Novela JuvenilSino nga ba pipiliin ni Lizzy sa dalawang lalaki na ideal type niya? Si Ex crush or Si new Crush? She will be happy until the end? Or she has to let go and live peacefully. May mabubuo kayang lovestory?