Kabanata 24: Palagi nalang..

1.5K 79 12
                                    

Lizzy Pov.

"Arayyyyy... L-lolaaaa...taaamaaa..na poo!!''halos mangiyak-ngiyak na sambit ko. Kakagising ko nga lang bigla-bigla niya ako pingutin..

Huhu.. Ang ganda ng good morning sa'kin ni Lola..

"Sinabi ko na kasi sa'yo na huwag ka ng aalis ng bahay pero ano!? Sinaway mo parin ako!"bulyaw sa'kin ni Lola.

Nakanguso akong nakatingin kay Lola habang hinihimas-himas ko ang taenga ko sa pagkakapingot niya. Grabe ang sakit!

"Lola naman e...' Di ba nag-paalam naman ako sa inyo?"

"Sus! Nag-paalam daw.. Bakit pinayagan ba kita?!"

Napa-isip ako.. Pinayagan ba ako ni lola ng time na nagpaalam ako sa'kanya? Hindi yata!? Hayy ewan! Basta nagpaalam ako!

"H-hindi yata Lola! Eh basta nag-paalam ako sa'yo Lola!"matigas na sambit ko. Nagcrossed-arm ako ng bahagya habang nakaupo sa higaan ko. Nasira na kasi ang umaga ko e..pero.. Teka!? Paanong nandito na ako--

"Naku! Pasaway ka talagang bata ka! Pasalamat ka nalang at nagkataon na nandoon si Dexter nung nahimatay ka kung hindi umuwi ka na dito na hindi na birhen..."

Napalaki ang mata ko sa huling sinabi ni Lola." Lola naman e..pero pakiulit n'yo nga po sinabi n'yo? Sino ulit nagdala sa'kin dito sa bahay?"

Tinaasan lang ako ng kilay ni Lola.." Pasaway ka nga binge ka pa!"pilosopong sambit ni Lola.

Huhu.. Bakit ba ang sungit-sungit ni lola ngayon? Pinag-iinitan niya ako ng ulo.. May red alert ba si Lola kaya ang sungit niya ngayon?

"Hayy... Sumasakit ang ulo ko sa'yo bata ka! Oh, siya-siya kumilos ka na dyan! Tanghali na! Basta kapag dumating ka sa school, mag-pasalamat ka sakanya.."sambit ni lola sabay walk out..

Napailing nalang ako... Si Lola talaga sobrang protective?! Pero thankful parin ako dahil nandyan siya lagi sa tabi namin magkapatid..

"Psh. Makaligo na nga!"bulong ko sa sarili ko bago ako pumasok ng banyo..

"Hoy, panget! Hintayin mo ako mamaya ah.."sambit ng magaling kong kapatid ng makarating na kami school..

Tumungo nalang ako bilang sagot dahil wala ako sa mood upang makipag-bangayan pa sakanya..

Huminga ako ng malalim dahil sa totoo lang kinakabahan ako na baka makita ko agad si Lemuel.. Hindi ko pa kasi kaya siyang makita sa ngayon.. Lalo na nalaman niya na may gusto ako sakanya ay hindi na mahal ko na siya.

Alam ko sa mga oras na iyon.. Nadala ako sa nararamdaman ko pero deep inside ay nakaramdam ako ng saya dahil nagawa ko ilabas o sabihin sakanya ang totoo kong nararamdaman pero dumadating sa point na nasasaktan ako dahil hindi ako ang babaeng pinakamamahal niya.

Siguro kailangan ko muna siya iwasan?

Tumigil ako sa paglalakad ko dahil nararamdaman kong malapit na ako umiyak." Sssh.. Lizzy kaya mo yan! Okey?"bulong ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim bago tinuloy ang paglalakad ko patungo sa classroom namin.

Pagkapasok ko palang bumungad agad sa'kin sila Laarni.

''OMG! Nabuhay siya!"sambit ni Glennie habang nag-sign of the cross. Napailing nalang tuloy ako.

"Grabe namiss kita bessy!"masiglang sambit ni Laarni at agad niya ako binigyan ng isang mahigpit na yakap kaya niyakap ko siya pabalik. Maya-maya lang sumunod sila Sarah at Glennie na yumakap sa'kin.

Hindi ko tuloy maiwasan umiyak. Grabe ramdam na ramdam ko na namiss nila ako ng sobra-sobra--e.. Tatlong araw lang naman ako nawala.. Simula ng mangyari ang aksidente na iyon..

"Grabe ka Lizzy! Hindi namin inaasahan na muntik na mawala ang pagka-birhen mo!"sambit ni Glennie habang yakap-yakap ako kaya agad ko siya kinurot sa tagiliran..

"Ouch!!"

Napatawa nalang ako.

"Huwag ka kasing uuwi ng gabing-gabi na! Alam mo naman maraming masasamang tao sa tabi!"galit na sabi sa'kin ni Sarah. Napatungo ako. "Opo. Hindi ko naman akalain na mangyayari iyon."sambit ko. Napabuntong-hininga naman si Sarah.

Dali-dali ko pinahid ang luhang natuyo na sa pisngi ko. "Pwedeng ilagay ko muna ang bag ko sa upuan ko?"tanong ko sakanila. E ba naman nakaharang kami sa pintuan e... Tumungo silang tatlo kaya dali-dali naman kami nagtungo sa upuan ko pero bago iyon hindi ko napigilan ilibot ang paningon ko sa buong classroom lalo na sa upuan niya.

So? Wala parin siya?

"Sino hinahanap mo?"sambit ng isa kong classmate. Si Brian.

"Huh?"

"Wala..."sambit niya bago siya tumayo pero bago siya dumaan sa harap ko may narinig akong binulong niya..

''Huwag ka mag-alala.. Hinahanap ka din niya..''

Nakakunot lang ako noo ko habang sinusundan ko ng tingin si Brian. Problema nun?

"HOY..."

"PUTEK!"

Napabalikwas ako habang hawak-hawak ko ang dibdib ko. Shucks! Bakit ba ang hilig-hilig nilang tatlo mang-gulat?

Tumawa sila ng malakas. Tinignan ko sila ng masama pero dedma lang ako. Napairap nalang ako. Maya-maya tumigil sila sa pagtawa ng mapatingin silang tatlo sa pintuan kaya dahil isa akong dakilang chismosa sinulyapan ko ang dahilan kung bakit sila napatigil sa pagtawa pero sadyang mapaglaro ang tadhana.

Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko pa inalam kung bakit sila biglang tumigil sa pagtawa.

Kung bakit pa kasi ako lumingon! Yan tuloy nasasaktan na naman ako! Naiinis ako sa sarili ko! Kung bakit kasi ang tanga-tanga ko!?

Si Lemuel... Kasama niya..si-si... Hannah pero ano pa ba bago dun!?

Kitang-kita kasi sa pwesto namin ang pag-uusap nila dahil tapat lang ang hagdanan pataas sa second floor sa harapan ng pintuan ng classroom namin.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa hanggang sa nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.

Bakit ba sa tuwing nakikita ko silang magkasama.. Palagi ko nalang nararamdaman ito? Ganito ba talaga kapag nagmamahal ka?

Bumalik lang ako sa reyalidad ng tumingin si Lemuel sa gawi namin.( dahil nga kitang-kita ang pwesto namin at pwesto niya) Napansin kong wala na si Hannah kaya nagkataon na tumingin siya sa gawi namin.

Halos kinakapos na ako ng hininga dahil sa tensyon na bininigay niyang titig sa'kin. Napatitig ako ng ilang minuto sa kanyang mga mata na para bang ngayon lang kami nagkita?

Mabilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig sakanya. Kahit nasa malayo siya.. Alam na alam ko na sa'kin siya nakatingin. Di ko alam kung bakit hindi ko magawang ialis ang paningin ko sakanya..

Hanggang sa.. Bigla-bigla kumirot ang ulo kaya agad ako napaiwas sa titig niya. Napahawak lang ako sa ulo ko pero maya-maya, unti-unti din nawala ang sakit sa ulo ko.

"Lizzy, okey ka lang?"

Naagaw lang ang atensyon ko ng tanungin ako ni Laarni. Ngumiti ako." Oo. Okey lang ako. Kulang lang kasi ako sa tulog kaya bigla sumakit ang ulo ko.."sambit ko.

"Puyat ka kasi ng puyat.."sambit ni Sarah. Napatungo nalang habang nakangiti sakanila. Hindi ko na muli binalik ang paningin sa pinaroroonan niya dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na ilapit muli ang sarili ko sakanya. Dapat umiwas na ako sakanya..



"Nand'yan na siya..."



*******

Hello readers! Sorry na-late ako ng update ha-ha. Nakatulog kasi ako kagabi. E balak ko pa naman mag-update ng dalawang beses kaso nakatulog nga ako kaya isa lang nakagawa ko ngayon kaya pasensya na..

Pero abangan nyo ang DexLi dahil puro da-moves ni Dexter ang mga susunod na chapter kaya abangan!

Si Lemuel o Dexter ?!

Haha..

Vote and comment.. Wait ko huh?

Si Ex Crush  At Si New Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon