Sarah Pov..
Halos kabahan ako ng sobra-sobra habang patungo ako sa classroom namin. Bakit kamo? Dahil....napag-isipan ko na baguhin ang sarili ko. Mula sa buhok ko at syempre sa sarili ko. Sawang-sawa na kasi akong naghihintay na mapansin niya ako.
Hindi ko naman hinihiling na maging kami. Ang gusto ko lang naman ay maging magkaibigan kami. Ayos na ako 'dun,atleast napansin niya ako 'di ba?
"Hoy, Sarah bakit nakatayo ka lang d'yan? Tsaka bakit parang may nagbago sayo?"sambit ni Glennie ng bigla-bigla sumulpot sa harapan ko, kasama niya si Lizzy na mukhang wala sa mood.
"Ay.. I knew it!"
Napasinghap ako ng magtatalon-talon si Glennie sa harapan ko at mukhang kinikilig pa. Napailing nalang kami dalawa ni Lizzy. Kahit kaylan talaga may saltik ang babaeng ito.
"Ikaw Sarah ah!! Blooming ka teh! Promise ang ganda mo ngayon.. Si Jimuel siguro ang inspiration mo.."
"Sino ba nga? Ha ha.."natatawang sambit ko. Napailing ako at napag-desisyon ko na pumasok sa classroom at naramdaman ko agad ang tensyon dahil sa mga tingin nila.
So mukha na palang akong agaw atensyon ngayon?
Huminga ako ng malalim ng nailapag ko na ang gamit ko at hindi ko sinasadya mapatingin sa pwesto niya. Sa unang pagkakataon nahuli ko siya nakatingin sa'kin pero agad din siya umiwas ng mapansin niyang nakatingin ako kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko..
Totoo ba'ng nakatitig siya sa'kin?
Pero napakaimposible... napakaimposible talaga..Recess time.. Napakabilis talaga ng oras. Kaya napapaisip nalang ako na hindi ko dapat sinasayang ang oras sa mga bagay na walang kabuluhan.. Napasulyap ako kay Lizzy na kanina pa tahimik.. Bakit kaya?.
"Hoy, problema mo?''tanong ko sakanya. Tumingin siya ng bahagya sa'kin at ngumiti ng pilit pero hindi nakalusot sa'kin ang lungkot sakanyang mata. Parang alam ko na ang problema nito.
"Problema niya kamo? Naku, malungkot yan dahil ilang araw ng absent si Lemuel niya.."
Napatungo nalang ako sa sinabi ni Glennie. Kaya pala siya nagkaka-ganyan dahil wala si Lemuel. Sa pagkaka-alam ko may sakit si Lemuel.. So kaya pala ilang araw na din wala sa mood si Lizzy.
Napabuntong-hininga ako. Sa nakikita ko ngayon kay Lizzy, I'm really sure na hindi admiring ang nararamdaman niya kundi pagmamahal.
Maya-maya nakaramdam ako ng pagtawag sa'kin ng kalikasan. "Teka lang guys.. Kailangan ko na pumunta sa Cr.."sambit ko. Hindi ko na inantay pa ang sasabihin nila dahil kailangan ko na mag-Cr.
Tumatakbo ako habang tinutungo ko ang patungong Cr ngunit hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari.
"Aray.."daing ko ng makaramdam ako ng sakit sa pwestan ko. Nakakainis naman! Hindi ko inaasahan na may mababangga ako dahil sa sobrang pagmamadali ko..
"Grabe nagmamadali na nga ako pero mukhang matatagalan ako dahil sa sobrang ng pwetan ko.."reklamo ko. Napapikit ako ng mariin dahil ang sakit talaga..
"I'm sorry... Hindi ko sinasadya.."
Natigilan ako ng marinig ko ang boses na iyon. Huwag mo sabihin... Dali-dali ko minulat ang akong mata at agad akong tumingala upang masiguro na siya nga pero hindi nga ako nagkakamali.. Siyang-siya nga. Omg.. Jimuel..
"Tulungan na kita.."sambit niya kasabay ng paglahad niya ng kamay sa harapan ko. Hindi ko alam kung nakanganga ba ako o hindi. Grabe nakakahiya!
Tinignan ko ang kamay niya at nagdadalawang-isip akong hawakan iyon o hindi.. Gosh.. Ano gagawin ko?
Lizzy Pov..
"Blooming talaga si Sarah ngayon.."narinig kong sambit ni Glennie. Hindi ko maiwasan mapangiti dahil tama siya.
Napaayos ako sa pagkakaupo ko. Ilang araw na kasi akong ganito. Hindi ko ba alam kung ano talaga dahilan?
"Siguro dahil change for the better but I think she don't need to change herself dahil alam ko naman na magugustuhan parin siya ni Jimuel kung sino 'man siya.. I am right?"
"Yes.. You have a point. Hindi mo naman kailangan baguhin ang sarili mo para lang magustuhan ka ng ibang tao. Ang kailangan mo lang naman ay ipakita mo kung sino ka ba talaga."
Tumungo nalang ako at sa pangalawang pagkakataon napangiti ako. Siguro.. Dapat hindi ako nagkakaganito dahil wala lang siya.. I'm sure naman na sinusubukan niyang magpagaling..
"Iba na naman ang iniisip mo.."
"Huh?"gulat na sambit ko. Nakita ko napailing si Glennie sa naging sagot ko. Napakunot ako ng noo sa naging itsura ng mukha niya." Problema mo?"tanong ko sakanya. Napabuntong-hininga si Glennie tsaka nag-crossed arm sa harapan ko with taas kilay pa!
Aba ang taray!
"Ako pa talaga ang may problema, aber?! Bakit hindi mo itanong sa sarili mo ang tinanong mo sa'kin?"
Mas lalo kumunot ang noo ko sa sinabi niya." Bakit ko naman itatanong ang sarili ko sa sarili kong tanong? Ano ako baliw?"
"Bakit hindi nga ba?!"sarkastikong sambit ni Glennie. Napanguso nalang ako. Totoo naman wala akong problema eh.. Hindi ko naman piniproblema na wala si Lemuel.. Nalulungkot lang ako dahil nagkasakit siya pero alam ko naman kung sino ang dahilan ng pagkasakit niya.
"Ewan ko sa'yo Lizzy! Ayaw mo pa aminin na kaya ka nagkakaganyan dahil wala si Lemuel.."
"Hindi ah! Hinaan mo nga boses mo ang lakas-lakas eh!"naiinis na sambit ko. Napataas lalo ang kanyang kilay tsaka ngumiti ng nakalaloko kaya nakaramdam ako ng kaba. Huwag mo sabihin...
"Palibhasa mahal mo na si Lem---"
"GLENNIE..."
Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil may tumawag sakanya. Dali-dali namin hinanap ang pinaggalingan ng boses na iyon. Napangisi ako ng makita ko kung sino ang tumawag sa kanya.
Si Gwyn..
"Shucks! Siya na naman?!"naiinis na sambit ni Glennie. Lumapit si Gwyn sa pinaroroonan namin. Hmm.. Tignan mo ang babaeng ito masyadong choosy! Ang swerte nga niya dahil nililigawan siya ng Idol ng lahat.. Yah! Si Gywn kasi ang sikat na boyband guitarist ng school na ito..
Actually.. Marami ng haters si Glennie dahil sa pagbusted niya kay Gwyn nung grade 9 kami. Hindi ko nga lubos akalain na babaliwain ng babaeng ito si Gwyn para lang sa Mauro na yun!
"Glennie pwede mo ba akong samahan magpractice mamaya sa music room?"
"May gagawin ako mamaya kaya hindi pwede.."
Aba! Dumali na naman ang pagiging mataray niya. Napatingin ako kay Gwyn. Yung ngiti niya kanina ay bigla nalang nawala. Hay..para tuloy ako nalungkot sa kanilang dalawa.. Huminga ako ng malalim. Dapat naman may gawin akong way para mag-provements itong dalawa..
"Uhmm.. Actually Gwyn.. Wala naman talaga gagawin si Glennie kaya sasama siya. Tsaka hindi naman siya makakatakas dahil classmate ka namin.."
"So.. That's good! Hihintayin kita Glennie.. So, I need to go.."sambit ni Gwyn na may bitbit na malalaking ngiti. Hindi ko tuloy maiwasan mapangiti.
"Grabe ganda ng ngiti mo ah!!"sarkastikong sambit ni Glennie.
"Aba! Syempre naman! Nakakahawa kasi ang ngiti niya.."
"Tsk. Mukha mo! Bakit mo sinabi sakanya yun! Alam mo naman na ayoko nakakasama siya!"
Tinignan ko siya ng masama. Bakit ba ang arte niya masyado? Hay naku! Ang choosy-choosy kasi..
"Di ba dapat mag-thank you ka nalang sa'kin?"natatawang sambit ko sakanya. Tumaaas ang kanyang kilay tsaka inirapan ako..
"Yah! Thank you BESTFRIEND!"
"Your welcome! Anything for you BESTFRIEND.." Natatawang sambit ko. Kahit kaylan talaga napaka-asar talo niya...
BINABASA MO ANG
Si Ex Crush At Si New Crush
Teen FictionSino nga ba pipiliin ni Lizzy sa dalawang lalaki na ideal type niya? Si Ex crush or Si new Crush? She will be happy until the end? Or she has to let go and live peacefully. May mabubuo kayang lovestory?