Dexter POVPagkatapos ng pangyayari 'yon ay hindi ako tumigil sa pagdalaw sakanya. Hindi ako susuko kahit sobrang nasasaktan na ako. Ayoko siya sukuan lalo na't kailangan niya ngayon na mag-aalaga sakanya.
Araw-araw ko siya dinadalaw pagkatapos ng klase ay dumidiretsyo na ako dito pero palagi ko din nararamdaman ang pagiging cold niya. Naiintindihan ko naman e.. Kung bakit ganon siya makitungo sa'kin pero... Fuck. Ang sakit lang talaga..
"Ano na naman ba ginagawa mo dito?" Bungad niya agad nang makita niya ako pumasok. Ngumiti ako tsaka tinaas-taas ang kilay. "Binibisita ang babaeng mahal ko."
Inirapan niya lamang ako bago umismid at tumingin sa bintana. Bumagsak ang balikat ko. Hayy.. Wala ganun parin. Ang cold niya parin until now.. Namimiss ko tuloy yung Lizzy masiyahin at palaging nakangiti. Kailan ko kaya makikita ulit sakanya 'yon?
Huminga ako ng malalim at lumapit sakanya. Umupo ako sa upuan nasa tabi ng kama niya. Pinagmasdan ko siya ng maigi. Bahagya namumutla ang mukha niya ngayon marahil sa sakit na nararamdaman niya at may bonnet na din nakalagay sa ulo niya dahil patuloy parin naglalagas ang mga buhok niya. Yung mata niya kung dati napapansin mo agad na masaya siya, ngayon hindi na. Hindi na siya madalas kung ngumiti ngayon. Hindi katulad this past few days bago sinabi ni Doc about sa pagpunta niya sa America ay nagagawa na niyang ngumiti pero ngayon.. Naglaho na ang ngiting 'yon.
"Kamusta school?"
Napitlag ako ng bigla siya nagsalita. Hindi ko aasahan na mago-open siya ng tanong sa'kin. Hindi agad ako nakasagot. Tumingin siya sa'kin nakakunot ang noo. "Narinig mo ba sinabi ko?" Bakas parin sa boses niya ang pagiging malamig at wala akong nakitang kahit na anong emosyon sa mukha niya. Umiwas ako at nagtiim bagang.
"Uhm. Yup! Ayos lang. Tinatanong ka nga sa'kin ng mga iba mong kaibigan tsaka si..." Pinilit kong maging masigla. "...si L-lemuel." Ayoko sana banggitin about sakanya pero ayoko ipagkait sakanya. Mahal niya yun. Ano laban ko?
Bumaling ako sakanya na agad din siya umiwas. Nakatingin ulit siya sa bintana. "Ah.. Sabi niya?" Tanong niya. Lumunok ako ng maigi. Pakiramdam ko may nagbabara sa lalamunan ko." Kinakamusta ka niya sa'kin.. Hindi daw kasi makadalaw dahil nag aayos na ang SSG para sa Christmas Party. Dalawang linggo bago mai celebrate." Nakatingin lang ako sakanya at hihinatay ng reaction mula sakanya...
Matagal siyang hindi umimik. Nakatingin lang siya sa bintana hanggang sa tumingin siya sa'kin. Wala akong mabasa na kahit anong emosyon sakanya.
"Can you...stop loving me.."
Natigilan ako. "Huh?" W-wait? Tama ba narinig ko? Pinapatigil niya ba ako na mahalin siya? H-hindi baka nagkamali ako ng dinig. Tumawa ako ng peke. "Pakiulit nga--"
"Alam ko narinig mo ang sinabi ko.Kaya pwede ba? Huwag mo ako paulitin sabihin sayo ulit yon."
Umiling ako. Namanhid ang buong katawan ko. Di ko na alam ang gagawin. "B-bakit? H-hindi ko maintindihan." Tugon ko. Nakatingin ako sakanya habang nakikita ko sa mga mata niya ang sakit at galit.
"Ano ba ang hindi mo maintindihan?"
"Lizzy.." Bulong ko. Tinignan niya ako ng masama bago binaling ulit ang tingin sa bintana. Naiinis ako. Hindi ko kayang ganito siya sa'kin. Ang sakit. Sobrang sakit....
"Lizz--"
"Hindi kita kayang mahalin...."
Para akong sirang plaka na hindi alam ang gagawin. Paulit-ulit sa utak ko ang sinabi niya. Hindi ko kayang ipasok lahat sa utak ko. Ang gulo.. Ang sakit-sakit na, parang akong pinaghihinaan ng loob. Wala akong hinangad kundi siya..siya lang talaga. Ang pangarapin siyang mayakap araw-araw. Pagkagising tuwing umaga siya agad ang makikita ko. Siya palagi ang magaasikaso sa'kin. Lalo't na sa magiging anak namin. Hindi ko nakikita ang lahat ng ito nang hindi siya kasama.
BINABASA MO ANG
Si Ex Crush At Si New Crush
Novela JuvenilSino nga ba pipiliin ni Lizzy sa dalawang lalaki na ideal type niya? Si Ex crush or Si new Crush? She will be happy until the end? Or she has to let go and live peacefully. May mabubuo kayang lovestory?