Lizzy Pov.
"Hoy, Lizzy?"
Napasulyap ako sa likuran ko at nakita ko sila Laarni. Napataas ang kilay ko dahil sa ngiting pinapakita nila sa'kin. Problema nila?
"Problema n'yo?"matabang na sambit ko bago ko tinuon ang pansin sa binabasa kong libro. Napahinga ako ng malalim ng maramdaman ko ang pagtabi nila sa'kin.
"Bakit sobrang close n'yo na ni Lemuel?"sambit ni Laarni. Sumulyap lang ako saglit sakanya bago ko ulit tinuon ang pansin sa binabasa ko. Tsk..istorbo..
"Pssh.. Baka ginayuma niya, BES!"
Napakunot ang noo ko ng marinig ko ang sinabi ni Glennie. Seriously? Ginayuma talaga? -_-
"Shut up!"singhap ko. Natigilan silang tatlo dahil sa biglaan kong pagsigaw pero hindi lang sila natigilan kundi ang mga tao nasa paligid namin. Nasa canteen kasi kami kaya obvious naman na napapatingin silang lahat sa'kin dahil sa biglaan pagsigaw ko.
Maya-maya bago ko alisin ang paningin ko. Nahagilap ng atensyon ko ang babaeng minamahal ng taong nagugustuhan ko.
Ang sama ng tingin niya sa'kin.
Sa mga oras na iyon nakaramdam ako ng guilt at takot. Alam ko nakita niya ako kasama ni Lemuel pero hindi naman yata patas ng ganyang way ng pagtingin sa'kin.
Napayuko nalang ako...
"Oh, bakit tumahimik ka nalang big----- Oh h-hello Lemuel?"
"Hi! Pwede maki-share ng table?"
Napatunghay nalang ako bigla. Tinignan ko saglit si Lemuel na nakangiti sa'kin habang tinititigan ako. Napalunok nalang ako bago ako umiwas sa pantitig niya at sumulyap sa gawi ni Jhenave.
Teka? Nasan na siya?
Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit hindi ko siya makita. Nasan na ba siya?
"Hoy! Sino hinahanap mo! Kanina pa nakatayo si Lemuel sa harapan mo! Naghihintay ng permission kung uupo ba siya sa tabi mo o hindi!"bulyaw sa'kin ni Glennie.
Napapikit nalang ako ng mariin.. Oo nga pala nasa harapan ko si Lemuel! Bakit ko ba nakalimutan?
"Sige-sige umupo ka na." Nakangiting sambit ko bago ako umusod sa gilid para bigyan siya ng space. Medyo awkward tuloy sa pakiramdam dahil katabi ko siya ng ganito kalapit at guess what? Makakasabay ko pa kumain!
May isa nga lang problema.. Nandito yung tatlo kong kaibigan na halos mapunit na ang bibig sa kakangiti! Hay nako! Sakit talaga nila sa bangs!--pero teka wala naman ako bangs e?..
"So? Magkwento ka naman Lizzy?"
Nagulat ako sa biglang pagsalita ni Lemuel. Ano daw? Magkwento? About saan naman?
"Huh? Ano naman i-kwento ko?"tanong ko. Tumigil siya saglit sa pagsubo at bigla nag-isip. "Hmmmmm.. Ano kaya? Ah! Alam ko na!"masiglang sambit ni Lemuel. Hindi ko tuloy naiwasan mapangiti dahil nagiging childish na naman siya pero bigla din nawala ang ngiti sa labi ko ng bigla niya ako tignan.
"Naalala mo ba nung nilibre kita? May tinanong ako sa'yo noon, kung sino yung taong nagugustuhan mo?"
"Huh?"bulalas ko. Napalunok nalang ako at bahagya napasulyap sa magagaling kong kaibigan na bigla-bigla nalang napapatawa. Napairap nalang ako. "Ah.. Oo naalala ko pa. Uhmm.. Bakit mo malaman?"
"Syempre boy-bestfriend mo naman din ako! Kaya dapat kilala ko kung sino ang nagugustuhan mo! Aba! Malay mo tulungan pa kita sakanya!"sambit niya habang tinataas-baba ang dalawang kilay niya.
Napabuntong-hininga nalang ako.
Malamang kaibigan yung turing niya sa'yo! Remember! Ka.i.bi.gan. la.ng!
"Basta kilala mo siya."matabang na sambit ko. Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa librong hawak ko.
"Kilala ko? Uhmm.. Sige nga bigay ka ng katangian at attitude niya..."
Napasulyap naman ako." Kailangan pa ba?"sambit ko. "Oo naman para malaman ko kung kilala ko ba siya o hindi?"
"Huwa---"
"Gwapo siya!"
"Mabait at sobrang gentleman!"
"Magaling mag-gitara at nasa kanya lahat ng hahanapin mo sa lalaki!"
Napanganga nalang ako. Seriously? Kailangan talaga sumingit ng bigla-bigla? Napatawa nalang ako..
"Salamat ah! Hindi talaga kayo nahiya sa'kin!"sarkastikong sambit ko. Nag-peace nalang silang tatlo pero inarapan ko lamang sila.
"Ahh.. Actualy marami ako kilala na ganyan e... Parang ako lang ha ha-ha."natatawang sambit niya.
"-pero syempre joke lang! Teka? Dito ba siya nag-aaral?"Napangiti nalang ako at tumungo bilang sagot." Ahh.. Kung sakaling dito ibig sabihin kilala ko talaga siya--ayy huwag mo sabihin--"
"Lizzzzzzzzzzy..."
Natigilan kaming lahat ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Kumunot ang noo ko ng makita ang isa naman classmate. Si Cyrus.. Barkada ni Dexter.
"Problema mo?"tanong ko sakanya ng makalapit na siya sa pwesto namin. Medyo close din naman kami ni Cyrus dahil kay Dexter. Siya ang katulong ko sumagap ng info. About kay Dexter nung panahon na crush ko pa siya.
"Ah.. E.. Kanina pa kita hinahanap.."panimula niya. Napataas naman ang kilay ko. "Kanina pa hinahanap? Bakit anong problema ?"takang sambit ko. Napasinghap nalang ako ng ibigay niya sa'kin ang isang bonquet of roses with chocolate pa.
Kanino naman galing ito?
No choice akong inabot ang bagay na iyon at nakita ko naman na may card. Pagkabukas na pagkabukas ko ng card napangiti agad ako.
Bonquet of roses and chocolate for the beautiful lady in my eyes,Lizzy Lopez.
~YECdp.
Ps:I hope you like it.
"May Secret admirer ka?"
Napasulyap naman ako kay Lemuel ng bigla siya nagtanong. Napangiti nalang ulit ako.
"Hindi. Hindi ko siya Admirer pero alam ko nag-mamalasakit lang siya sa'kin sa tuwing nalulungkot ako."
"Kung ganun bakit ganyan ang ngiti mo?"tanong niya ulit. Sa pagkakataon na iyon bakit feeling ko nagseselos siya?
Marahan ko siya tinitigan at napaisip ko rin na napakaimposible ng iniisip ko.
May mahal siyang iba kaya bakit naman siya magseselos? pero sana may pagkakataon na maramdaman ko rin ang pagseselos siya?!.
Napaiwas nalang ako at marahan ko tinignan ang hawak kong bulalak at chocolate..
"Nakangiti?"sambit ko. Mas lalo ako napangiti ng maisip ko ang dahilan..
"Masaya lamang ako dahil kahit paano may tao rin ginagawa akong special sa buhay niya.."
**********
Whiee... Tama ba ang bonquet, or bonguet of roses ? Alin ang tama dun?
BINABASA MO ANG
Si Ex Crush At Si New Crush
Fiksi RemajaSino nga ba pipiliin ni Lizzy sa dalawang lalaki na ideal type niya? Si Ex crush or Si new Crush? She will be happy until the end? Or she has to let go and live peacefully. May mabubuo kayang lovestory?