Kabanata 19: Unknown

1.4K 65 2
                                    

Lizzy Pov.

"Tara, Lizzy? Ihahatid na kita.."

Tumungo nalang ako bilang sagot. Dahan-dahan ako tumayo mula sa pagkakaupo ko. Nandito kasi kami sa labas ng school sa harapan ng gate. Magaalasais na ng hapon pero eto ako.. Kasama ang taong mahal ko.

Hindi ko magawang umuwi dahil gusto ko pa siya samahan. Ayoko naman umuwi ng bahay habang siya nagmumukhang tanga iniiyakan ang babaeng iyon..

Napabuntong-hininga ako...

"Sana ako nalang ang mahal niya.."sambit ko sa isip ko. Napatigil ako ng mapansin ko biglang tumigil sa paglalakad si Lemuel. Napakunot ang noo ko ng huminga siya ng malalim.

"Lemuel? Bakit may problema ba?"nagtatakang tanong ko kay Lemuel. Maya-maya umiling siya." Wala..wala ako problema.. Uhmm.. Gusto ko lang magpasalam---"

Natigilan siya ng bigla tumunog ang cellphone niya.

"Teka lang ah sasagutin ko lang.."paalam niya.

"Okey.."

Pinanood ko lang siya sa pagsagot ng cellphone niya hanggang sa naging bihasa na ang mukha niya..

"Si Hannah?.. Sige-sige pupunta na ako dyan.. Oo basta bantayan mo muna siya habang wala pa ako.. Okey bye.."

"Lemuel oke---"

Hindi ko natapos ang sasabihin ng bigla siyang tumakbo. Napanganga nalang ako habang pinagmamasdan siyang unting-unti nawawala sa paningin ko.

"Ano ba yan.. Hindi niya muna ako inantay mag-salita.."nakanguso kong sambit. Napakagat nalang ako ng labi dahil feeling ko maiiyak na naman ako.

Huminga ako ng malalim bago ako nagsimula muli maglakad at naisipan ko pumunta muna sa waiting shade upang du'on ko i-text ang magaling kong kapatid.

Habang patungo ako nakaramdam ako na may sumusunod sa'kin kaya nakaramdam ako ng takot. Binilisan ko ang bawat hakbang ko pero ganun din ang ginagawa ng sumusunod sa'kin at ng napatapat ako sa spot light nakita ko ang mga anino nila.

Tatlo... Tatlo ang sumusunod sa'kin kaya mas nakaramdam ako ng takot at sa mga oras na iyon napatakbo nalang ako.

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil ang nasa isip ko lang ang tumakbo ng tumakbo. Habang tumatakbo ako , hindi ko maiwasan mapaluha dahil alam kong tumatakbo na din sila.

Naisip ko ang cellphone ko kaya dali-dali ko iyon kinuha sa may bulsa ko. Hindi ko na tinignan kung sino pa tatawagan ko dahil basta-basta ko nalang tinawagan ang unang number na nakita ko sa phonebook ko at ng marinig ko mag-riring sa kabaling linya, napakagat nalang ako ng labi dahil ang tagal niya sagutin..

"Please sagutin mo na.."maiyak-iyak na sambit ko. Mga ilang minuto din nagdaan bago niya sagutin.. Nakahinga nalang ako ng maluwag at hindi ko na inantay ang pagtugon niya sa tawag ko.

"PLEASE TULUNGAN MO AKO! Nandito ako malapit sa school may tatlong lalaking humahabol sa'kin kaya parang awa mo na kung sino ka man pumunta ka na agad dito------"

Napatigil ako sa pagsasalita ng may humawak sa magkabilang braso ko. Napalaki ang mata ko ng makita ko ang tatlong lalaki sa harapan ko.

"Huli ka.. Akala mo matatakasan mo kami?"nakakalokong sambit nung lalaki.. Halos mangiyak-ngiyak ako habang nagpupumiglas sa pagkakahawak nila sa braso ko..

"Bitawan n'yo ako!! Parang awa n'yo na bitawan nyo ako!!!"sigaw ko. Habang sinusubukan ko makawala sa pagkakahawak nila sa braso hanggang sa nabitawan ko ang cellphone ko..

"Huwag ka na maingay babae.. Kung AYAW MO MASAKTAN!"

"Please parang awa n'yo na!! Pakawalan nyo na ako!!"nag-mamakaawang sambit ko.

"Sinabing huwag ka maingay e!!!"

Napasinghap ako ng may ihampas sila sa ulo ko kaya wala nagawa kundi manahimik. Napadaing ako sa sakit at nakita ko nalang ang sarili ko na nakahiga sa may sahig.

Napahawak nalang ako sa ulo ko ng maramdam ko itong basa. Dahan-dahan ko ito tinignan at gayun nalang ang kinagulat ko ng may.... May... Dugo?

Third Person Pov.

"Nasan na ka siya?"bulong ng lalaking nakahelmet. Kanina pa siya naghihintay sa harapan ng bahay ng babaeng binabantayan niya sa tuwing gabi ..

Oo.. Kanina pa siya nakamasid sa bahay ng babae at rinig-rinig niya sa mga lola at kapatid ng babae na hindi pa siya dumadating..

Ang tinutukoy niyang babae ay walang iba kundi si Lizzy. Kanina pa siya kinakabahan sa hindi niya malaman na dahilan..

Nagtataka siya kung bakit hindi pa dumadating si Lizzy. Akala niya kasama ng kapatid ni Lizzy na umuwi ngunit gayun nalang ang kinagulat niya ng hindi niya ito kasama. May ilang oras din niya ito hinintay at buong akala niya dadarating ito ng maaga ngunit mag-aalasais na ng gabi hindi parin ito dumadating..

"Fuck! Bakit hindi pa siya dumadating?"sambit niya sa sarili.. Nagulat na lamang siya ng may tumawag sa kanya ngunit mas kinagulat niya ng makita niya ang caller..

"Si Lizzy.."bulong niya. Sa mga oras na iyon hindi niya alam kung sasagutin ba niya o hindi.. Dahil kung sasagutin niya ang tawag ni Lizzy baka mabubuking siya...

Sa bandang huli wala siya nagawa kundi ang sumagot. Kinakabahan siya ng ilagay niya sa tapat ng taenga niya ang cellphone at sinadya niya na hindi muna sumagot.

"PLEASE TULUNGAN MO AKO! Nandito ako malapit sa school may tatlong lalaking humahabol sa'kin kaya parang awa mo na kung sino ka man pumunta ka na agad dito------"

"Shit!!"tugon niya.

"Huli ka.. Akala mo matatakasan mo kami?"

"Bitawan n'yo ako!! Parang awa n'yo na bitawan nyo ako!!!"

Napakuyom siya sa kamao niya dahil sa narinig at mas lalo siya nainis ng maputol na ang kabaling linya.. .

Dali-dali siya sumakay sa motor niya at halos mataranta na siya sa pagmamadali.. Wala pang limang minuto ng makarating na siya sa school at nakita niya din agad si Lizzy na nakahiga na walang malay sa may sahig habang yung tatlong lalaki tuwang-tuwa sa nangyayari..

"HOY!! MGA WALANGHIYA KAYO!"bulyaw niya at agad siya nagtungo sa pinaroroonan ng tatlong lalaki. Hindi siya nagdalawang-isip na paulanan ng maraming suntok ang tatlong lalaki.

Sanay siya sa suntukan kaya madali lang sakanya na talunin ang tatlong lalaki at ng masigurado na taob na ang mga ito ay agad siya nagreport sa pulis.

Pagkatapos niya magreport ay agad din niya nilapitan si Lizzy.

Nataranta siya ng makitang dumudugo ang ulo niya.." Fuck shit! Hold on... Dadalhin kita agad sa hospital!!"nag-aalang sambit niya. Hindi nagtagal nakakita siya ng Taxi kaya dali-dali niya ito pinara.

"Kuya!! Hospital po!"singhal niya.. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Lizzy at nagdadasal na sana okey na siya..

Mabilis din sila nakarating sa hospital at dali-dali din sila inasikaso na naka-duty na nurse.. Pagkatapos ng sampung minuto natapos din ang paggagamot kay Lizzy at dinala siya sa isang room..

Parang nabunutan siya ng tinik ng makitang ligtas na din si Lizzy. Dahan-dahan niya binuksan ang pintuan at nakita niya si Lizzy na nakahiga sa kama at hanggang ngayon wala parin malay.

Sa mga oras na ito pinapanalangin niya na huwag muna magising si Lizzy dahil ayaw niya talaga mabuking.. Habang pinagmamasdan niya ang mukha ng babae, hindi niya napigilan mapangiti..

Para kasi sakanya masaya siya dahil nakikita niya muli ng malapitan ng mukha ng babaeng gustong-gusto niya. Hinalikan niya sa noo si Lizzy bago niya naisipan tawagan ang kapatid nito upang malaman kung ano nangyari sa ate niya at kailangan din niya balikan ang motor niya naiwan sa lugar kung saan niya nakita si Lizzy at kailangan niya din pumunta sa prisinto upang ipakulong ang taong lalaki na nambalak kay Lizzy..

Si Ex Crush  At Si New Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon