Lizzy Pov."Lizzy, kamusta?"
Napasinghap ako. Bahagya ako tumingin kay Glennie, Laarni at Sarah. "Huh? Ok-okey lang.."maluway na sambit ko.
"Hindi ka okay.". Giit ni Laarni sa'kin. Huminga ako ng malalim. Hindi ko maintindihan kung bakit tinanong nila ako kung kamusta pero wala naman sinabi na ano o ako ba tinutukoy nilang kamusta diba?
Hay.. Ano ba naman ito?
"One week..". Ani ni Laarni." One ka ng ganyan at kahit kailan hindi mo sinabi sa amin kung ano ba problema mo? Naguguluhan kami at lubos na nagtataka kung bakit wala nang Dexter sa pumapasok sa buhay o at akala ko ba iniwasan mo si Lemuel? Anong nangyari Lizzy?"tanong niya.
Napayuko nalang ako. Nilihim ko.. Kinimkim ko ang mga katanungan na bumagabagabag sa'kin ng hindi ko masagot-sagot. Nalilito ako kung ano dapat ko gawin.. Kung bakit hinayaan ko parin mapalapit kay Lemuel samantala si Dexter na binigyan ako ng time na hindi ko parin lubos maintindihan kung bakit?
Nagulat ako ng hawakan ni Sarah ang kamay ko. "Lizzy kaya nga tinawag ang kaibigan diba? Ano pa silbi namin dito kung hindi mo sinasabi ang problema mo? Diba ang magkakaibigan ay palagi nagdadamayan dahil kapag problema nang isa ay problema ng lahat.." Sambit ni Sarah at hindi maikakaila ang lungkot sa boses niya.
Bumigat lalo ang kalooban ko. Naiinis ako dahil mas pinili ko parin kimkimin ang problema ko kaysa sa sabihin sa kanila. Nangingilid ang luha ko habang pinagmamasdan silang tatlo.
Putek ang selfish ko!
Napayuko nalang ako." I'm sorry..."bulong ko. "I'm really sorry kung tinago ko sa inyo dahil hanggang ngayon naguguluhan ako. H-hindi ko alam.. Masyado akong maraming katanungan.. Kung bakit ganito ang nararamdaman ko ng sabihin ni Dexter na bibigyan niya ako ng time at kung bakit hindi ko magawang maging masaya nung sabihin sa'kin ni Lemuel na gusto niya ako.."
"W-hat?"ani nilang tatlo. Kitang-kita sa mga expression nila ang pagkagulat at hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"H-hindi nga Lizzy? Inamin sayo ni Lemuel na gusto ka niya?"ulit ni Glennie. Tumungo ako. Napanganga nalang siya habang tangang nakatingin kay Lemuel a sa ngayon ay nakikipagusap kila Gwyn. Pati tuloy ako napasulyap sa pwesto nila.
Tahimik lang ako pinagmamasdan siya. Noon inamin ko sa sarili ko na mahal ko siya at hanggang ngayon hindi ko parin maikakaila na mahal ko parin siya pero naguguluhan ako sa nararamdaman kay Dexter nung..nung...
Napansin ni Lemuel na may matang nakamasid sakanya kaya napatingin siya sa gawi ko at ngumiti sa'kin kaya ngumiti ako pabalik..
"O.MG!"
Nawala ang atensyon ko ng tumili si Glennie. Kumunot ang noo ko ng kinikilig siya. Problema niya?
"He likes you, finally! Dream come true Lizzy! Di ba mahal mo siya?"
Natigilan ako sa tanong niya. B-bakit hindi ako naging komportable sa tanong niya? Inaamin ko naman sa sarili ko na mahal ko siya pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
"Huh? Oo pero---"
Naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Laarni." Kung mahal mo walang pero-pero, Lizzy.."malambig na sambit niya. Muli natigilan ako sa sinambit ni Laarni. Parang ako sinaksak sa dibdib ng ilang beses. Bakit ganito?.
Naguguluhan na talaga ako!
"Kaya siguro hindi ka nasiyahan sa pag-amin sayo ni Lemuel na gusto ka niya dahil kay Dexter diba?"tanong naman sa'kin ni Sarah. Sinikap ko hindi tumingin kay Laarni dahil pakiramdam ko naguguilty ako.
"Oo.. Inaamin ko pero hindi ko naman lubos isipin na magugustuhan niya ako.."mahinang tinuran ko. Nakayuko ako habang inaalala yung panahon na kasama ko si Dexter. Hindi siya nagkamali na patawanin ako.
Na-namiss ko na siya..
Humugot ako ng malalim na hininga. Naalala ko na naman yung huling sinabi niya sa'kin ng nakaraan linggo.
"May nararamdaman ka ba kay Dexter,Lizzy?"biglaan tanong sa'kin ni Laarni. Sa pagkakataon ito nakatingin na ako sa kanya habang hindi makapaniwala sa tinanong niya. Never ko pa tinanong sa sarili ko iyan.
Napakagat ako ng labi ng mapansin nakatingin silang tatlo sa'kin habang inaabangan ang tanong ko. Napayuko ulit ako.
Umiling ako.." E-wan ko.. H-hindi ko alam..". Giit ko. Narinig ko pagbuntong-hininga nilang tatlo.
Maya-maya. Narinig ko umimik si Glennie. "Teka,Lizzy.. Gusto namin malaman kung bakit ka binigyan ni Dexter ng time e- nanliligaw siya di ba sayo?"tanong niya.
Mas lalo ako na-guilty sa sarili ko. Bakit ba ganito ang nangyayari? Bakit parang mas pinili kong maging mapalapit lalo kay Lemuel gayon hanggang gusto lang naman ang mararamdaman niya sa'kin..
"Hindi ako sigurado.." Panimula ko." Hindi ko alam kung paano niya nalaman na gusto ako ni Lemuel.. Basta kutod ko alam niya kaya binigyan niya ako ng time..panahon pero hindi ko lubos maintindihan kung bakit?"
"Its just because he wants you to be happy.."tugon ni Laarni. "kahit masakit para sakanya na pakawalan ka---"
"No! Sabi niya hindi kaya! He just--"
"Yah! I know.. Hindi ka niya kayang pakawalan pero gusto niya maging masaya ka sa taong mahal mo kahit alam niya masasaktan siya. Ayaw niya maging selfish pagdating sayo.."malungkot napahayag sa'kin ni Laarni..
Hindi ko alam kung ano magiging reaction ko. He wants me to be happy? Bakit hindi ako masaya?
"He's inlove with you, Lizzy.. He loves you more than you think..."tugon muli ni Laarni sa'kin.
Masyado ba ako naging manhid all the time? Kung bakit hindi ko na-appreciate ang lahat ng effort at sacrifice ginawa niya sa'kin?
Gosh! Lizzy ang tanga mo!
Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ko ang kirot.. Ang sakit.
Napatingin ako bigla sa pintuan kung saan tanaw na tanaw ko ang hagdanan pero wala duon ang atensyon ko kundi sa taong lubos na mahal ako at gusto ako maging masaya kahit na masasaktan siya..
Nagkatitigan kaming dalawa. Bumilis ang tibok ng puso ko sa mga oras na ito. Kitang-kita sa mata niya ang sobrang kalungkutan katulad nang isang linggo ng huli kami nag-usap.
B-bakit ang sakit ng makita siya ng ganyan?
"Lizzy.. Punta tayo sa library para sa more information sa article natin about sa ekonomiya.."
Nawala ang paningin ko kay Dexter at bahagya tumingin sa taong nakatayo sa gilid ko.
Nakangiti siya sa'kin. Hindi ko alam kung saan ang ngiti niyang iyon..
Napasinghap ako ng may sumiko sa'kin. Napatingin ako kay Glennie at minulagatan.. Tinuro niya si Lemuel gamit ang kakaibang tingin niya..
Napairap nalang ako bago ako tumingin kay Lemuel. Ngumiti ako sakanya sapat upang ipakita sakanya na okey lang ako. Sinubukan ko tumungin kay Dexter pero wala na siya duon..
Hindi ko alam pero nasaktan ako sa mga nangyayari.
********
Whahaha.. Bakit puro dexter kayo? Panig ako kay Lemuel. Hahaha..
Sino gusto malaman ang side ni Lemuel?
Two chapter nalang bago .. Lemuel Pov niya..
BINABASA MO ANG
Si Ex Crush At Si New Crush
Dla nastolatkówSino nga ba pipiliin ni Lizzy sa dalawang lalaki na ideal type niya? Si Ex crush or Si new Crush? She will be happy until the end? Or she has to let go and live peacefully. May mabubuo kayang lovestory?