Kabanata 46: Walang karapatan

993 46 0
                                    

Dexter Pov.

"Dad..." 

Lumingon sa'kin si Dad. Kumunot ang noo niya habang tinitignan ako ng mabuti. Napailing nalang ako.

Bakit ba nakakalimutan niya suotin ang eyeglass niya?

"Ter? Anak..."

Nang makumpirma niya na ako  ay kaagad siyang lumapit sa'kin at niyakap ng mabuti..

"Kamusta na? Buti naman napadalaw ka.."

"Yes Dad.. I'm sorry kung ngayon lang ako nakabisita sa'yo lalo na ngayon dis oras ng gabi.." Sambit ko sabay bitaw mula sa pagkakayakap sakanya.

"Ah, ganun ba.. Teka, di ba galing ka sa dagupan?" Tanong niya.

Tumungo ako. "Uhm. Dad.. Can I stay here for a while?"

Ngumiti siya tsaka ako inakbayan. " Oo naman Anak.. Matagal ka narin hindi dumadalaw sa'kin.." Sambit niya. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuan ng bahay  nang nakapasok ako.

Wala parin pinagbago.. Katulad parin noon..

"Nag away na naman ba kayo ng Mommy mo?"

Hindi kaagad ako nakaimik. Huminga ako ng malalim. Nagtungo ako sa sofa at ramdan ko ang pagtitig ni Daddy sa'kin.

Narinig ko ang buntong hininga niya ng hindi ako umimik sa tanong niya..

"Pinaka alaman niya na naman ba?"

Tumungin ako kay Dad at nakita ko sa mga mata niya ang pagalala. Lumapit siya sa'kin..

"About what? Sa school o sa mga gusto mo?"

"She want me to accept their agreement of her business partner." Nagtiim bagang ako ng maalala ko ang nangyari kanina.

"Agreement?"

"Yes, Dad.. Arranged married and... I-i didn't want to let that happen.."

Pinagsalikop ko ang kamay ko tsaka yumuko. Pumikit ako ng mariin. Di ko kayang magpakasal sa taong hindi ko naman mahal. Di ko kaya...

"Hindi talaga nadadala yan Mommy mo.. Alam naman niya ang pakiramdam ang ikasal sa taong di mo naman mahal.." Tugon ni Daddy..  Naramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko. Tumingin ako sakanya..

"Kaya ba nakipaghiwalay kayo kay Mommy?" Tanong ko. Tumungo siya tsaka tumingin sa malayo.. "Oo.. Hindi ko naman sariling desisyon 'yon.. Hiniling din ng mommy mo iyon.. Kaya pinagbigyan ko kahit mahal na mahal ko siya.."

"Dad.." Nagalalang sambit ko. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko habang nakikita siya nasasaktan. After 5 year sa paghihiwalay nila ni Mom.. Ngayon ko lang siya nakita  na maging mahina. Alam ko naman mahal na mahal niya si Mom but never kong makita si Mom nag kakaganito kay Daddy.

Siguro nga hindi niya mahal si Dad just because of fuckin' business kaya siya pumayag sa arranged married na iyon but she still lucky for having Daddy. Kasi mahal na mahal siya nito.

"Until now.. I'll really love your mom.. Naalala ko.. Dati.. Napakataray ng mommy mo kaya walang nagtatangkang lumapit na lalaki sakanya noon. Tsaka matagal ko ng iniidolo ang mommy mo noon.. Kaya pumayag agad ako sa arrange married na gawa ng parents namin noon."

Sumang ayon ako sa sinabi niya. Alam na alam ko iyon dahil nakikita ko noon sa pagaalaga niya sa amin ni Mommy nung panahon sila pa..

Kaya gagawin ko ang lahat para lang hindi matuloy ang gusto ni Mom. Ayokong matali sa isang relasyon alam kong walang patutunguhan. Mahal ko si Lizzy at .. Aaminin kong hindi ko siya kayang mawala.. Ayokong bitawan siya dahil patuloy parin ako umaasa na mamahalin niya rin ako.. Balang araw. Ako naman ang pipiliin niya pero paano ko naman gagawin iyon kung...

Si Lemuel talaga ang mahal niya? Na siya lang ang may karapatan sakanya at ako...wala. Masakit pero.. I want her to be happy.. I willing to accept that reality.. Lizzy and I are not really ..meant to be... But I hope she be happy now with him... Lemuel..

##_##

Mabilis ko pinaharurot ang sasakyan ko patungo sa bahay ni Lizzy.. Nalaman ko kasing hindi na naman siya pumasok kasama pati si Lemuel but.. Ano ba pakialam ko sa lalaking iyon?!

Nang namataan ko na ang bahay nila Lizzy. Nakita ko kakalabas lang ng kapatid niya na may dalang-dalang bag. Kumunot ang noo ko. Saan siya pupunta?

Tumingin siya sa direksyon ko kaya minadali ko ang pag park sa sasakyan ko.. Kaagad ako lumabas.  Nang makita niya ako ay naging dumilim at tumalin ang paningin niya sa'kin.

Naglakad ako patungo sakanya. "Bro.. Kamusta si Ate----shit". Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang sinalubong niya ako ng suntok. Napahawak ako sa panga ko.

"Wala kang karapatan kamustahin ang kalagayan ni Ate.. Pinagkatiwalaan kita at naniwala ako sa mga pangako mo na hindi mo sasaktan si Ate pero ano ginawa mo? Sinira mo ang pangako mo! Nagkamali ako na pinagkatiwalan kita." Iritadong tugon niya habang  umiiling iling sa'kin na paran bang disappointed siya sa'kin.

Nakatingin lang ako sa kanya at pilit na inaalam kung bakit na galit na galit siya ngayon sa'kin.

"Ano bang pinagsasabi mo? At hindi ko magagawang saktan ang ate mo." Matabang na tanong ko sakanya. I'm confused.

"Hindi magagawang saktan? Sige at ipaliwanag mo sa'kin!  Bakit iiyakan ka ni Ate kung hindi  mo siya sasaktan! At bakit ayaw ni ate tanggapin lahat ng therapy na ini offer sakanya ng doctor?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Therapy? Para saan? M-may sakit ba siya?

Umiling ako. Hindi ko magagawang saktan si Lizzy. Mahal na mahal ko siya kaya.... "H-hindi ko magagawang saktan--"

"Anong hindi?! Sinabi sa'kin ni Ate na magkasama daw kayo ni Ericka at magkayakap? Ano gusto mo isipin ni Ate a!? Bakit nagkabalikan na kayo?.. Alam mo botong-boto at gustong-gusto kita para kay Ate pero nagkamali ako sa pagboto ko sa'yo. Mas gugustuhin ko pa yung walahiyang Lemuel para kay ate na nagbabantay sakanya simula pa kagabi.. Hindi sa katulad mong gago!!"

Nanigas ang buong katawan ko. N-nakita ni Lizzy iyon? Pero mali ang iniisip ni Lizzy.. Hindi kami nagkabalikan. Kaya lang kami magkayakap dahil akala ko hindi siya papayag sa arranged married na iyon pero nagkamali ako.

Tumikhim ako at marahan na tumingin sakanya. Ibubuka ko sana ang bibig ko ng inahan niya ako.

"May brain cancer si ate and just  because of you! Sana maging masaya kayo ni Ericka mo!!" Bulyaw niya.

Para ako nabuhusan ng malamig ng marealize ko ang huling sinabi niya.

"But k-kahit gustuhin ko hindi ka bigyan ng karapatan at pagkakataon na lapitan si  Ate ay wala ako magagawa dahil alam ko ikaw lang magkumbinsi na magpagaling siya at magpatherapy..." Sambit niya.

Nakatulala lang ako sakanya habang hinawakan niya ang balikat ko at nagmamakaawa sa'kin." Please.. Dexter.. Kumbinsihin mo si Ate kahit sa kalagayan niya lang.. Maawa ka naman..".

Hindi ko magawang umimik  habang pilit niya ako sumasang ayon sakanya. Gusto ko i sink in sa utak ko ang mag sinabi niya pero kahit anong pilit ko ayaw tanggapin ng buong sistema ang lahat ng nalaman ko..

Napatawa ako ng mapakla.. Imposible.. Umiling ako.. Hindi..totoo ang mga sinabi niya.. Galit siya sa'kin pero huwag niya naman idamay ang ate niya sa galit.

Natigilan ako sa pag-iisip ng makitang umiiyak sa harapan ko ang kapatid ni Lizzy.. Mas lalo akong umiling sa naging kilos niya ngayon.. Ayoko maniwala. Hindi totoong..

Bumigat ang dibdib ko nang marealize ko ang lahat..

"Fuck! B-brain cancer?"

Si Ex Crush  At Si New Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon