Lizzy Pov.
"Hoyyyyy... Lizzy pahingi nga ng chocolate mo!?"
"Ayoko!"
"Pahingi na kasi!"
"A.YO.KO!"
"Ang damot mo naman!"
"Eh sa ayoko--"
"Tumahimik nga kayo!!"
Natigilan kaming dalawa ni Glennie dahil sa sigaw ni Sarah. Tinignan namin saglit si Sarah bago namin tignan ang isa't-sa. Tumaas ang kilay ko ng ngumuso siya sabay lahad ng kamay sa harapan ko upang humingi ng chocolate.--_--
Umiling ako..
"Ayoko nga sabi!"
"Bakit ba sobrang damot mo!?"
"Paki--"
Tok..tok..
Napasinghap ako ng batukan kaming dalawa ni Glennie, this time hindi na si Sarah kundi si Laarni.. Patay....
"Ang gulo nyong dalawa! Nakakainis na ah! Hindi ko maintindihan yung pinapanood kong koreanovela!"
Napatakip nalang ako taenga ko. Grabe sigawan ba naman kami?T^T hu.hu.. Sakit taenga!
"Oo kanina pa silang dalawa dahil lang sa chocolate na yan! Hay naku! Parang kayong mga bata kung maka-asta!"
Napanguso nalang ako. Eh sa ayoko nga magbigay ng chocolate ! Favorite ko kasi!
Napabuntong-hininga nalang ako tsaka sila tinignan na kasulukuyan din nakatingin sa'kin. Tumaas ang kilay ko ng bigyan ako ng look ni Laarni na bigyan-mo-na-..
Napanguso nalang ako tsaka binigyan si Glennie ng isang dairy milk kahit na labag talaga sa loob ko. Hu. Hu.
"Magbibigay din pala!"
"Tse!"inis na bulyaw ko. Napahalukipkip nalang ako sa upuan ko. Lunch time kaya eto kami mas pinili nalang nasa classroom at manood ng koreanovela sa tablet ni Sarah.
Maganda daw kasi yung The legend of the blue sea? Totoo ba?
Maya-maya hindi ko din natiis kundi ang manood. Yung una tawa ako ng tawa halos nagpapadyak na nga ako sa kakatawa. Parang kasi tanga si Jun ji-hyun which is isa siyang mermaid. Actually bagay din sila ni Lee minho. Nakakatuwa lang kasi nakikipagsuntukan si Lee minho duon sa lalaking naghahabol sakanya pero hindi niya madaling matalo samantalang si Jun ji-hyun ang dami niyang natalo and guess what? Natutunan niya ang pagkakarate dahil lang sa magdamag nanood sa tablet ni Lee minho! Grabe dami ng tawa ko dun bentang-benta!
"Wow! Nahiya naman ako sa'yo! Ikaw na nga lang manood!"sarkastikong sambit ni Laarni sabay abot sa'kin ng tablet. Napatawa nalang ako sa ginawa ni Laarni." Thank you!"masiglang sambit ko.
"Mukha mo! Tara na nga Glennie at Sarah bumili tayo ng pagkain! Hayaan nyo dyan si Lizzy! Nababaliw na e!!"
Hindi ko nalang sila pinansin at tinuon nalang ang atensyon ko sa panonood. Napatakip ako ng bibig ng parehas sila ni Jun ji-hyun at Lee minho nahulog sa bangin kung saan mahuhulog sila sa dagat.
"Gosh! Malalaman niyang mermaid si Jun ji-hyun..!"
Natigilan ako ng sabihin niya na may ability siya na burahin ang alaala ng isang tao and that time napaluha nalang ako..
Hindi ko alam kung bakit ako umiyak dahil lang ba sa mababaw ang luha ko o sadyang may napagtanto lang ako?
Kung sakali'man may ability ako na burahin ang ala-ala ng isang tao hinding-hindi ko gagawin iyon kay Lemuel upang mabura lang si Jhenave sa isip niya dahil kahit ano man gawin ko hindi ko mabubura sa puso ni Lemuel ang babaeng pinakamamahal niya.
BINABASA MO ANG
Si Ex Crush At Si New Crush
Roman pour AdolescentsSino nga ba pipiliin ni Lizzy sa dalawang lalaki na ideal type niya? Si Ex crush or Si new Crush? She will be happy until the end? Or she has to let go and live peacefully. May mabubuo kayang lovestory?